labels class label 2
classes | texts stringlengths 54 6.74k |
|---|---|
00 | Ayon sa TheWrap.com, naghain ng kaso si Krupa, 35, noong Huwebes dahil nakaranas umano siya ng emotional distress bunga ng mga malisyosong pahayag ni Glanville, hindi lamang tungkol sa maselang bahagi ng kanyang katawan kundi pati na rin sa kanyang buhay pag-ibig. Noong Nobyembre 2013, napanood si Brandi sa Watch What ... |
00 | Kilala rin ang singer sa pagkumpas ng kanyang kamay tuwing siya ay nagtatanghal sa entablado. "His international success as a blues/rock singer began in 1964 and continues till this day. Joe created nearly 40 albums and toured extensively around the globe," ayon sa Sony Music, ang kanyang record label. Lumaki si Cocker... |
00 | BLANTYRE, Malawi (AP) -- Bumiyahe patungong Malawi si Madonna sa unang pagkakataon upang gawin ang isang misyon. Inilunsad ni Madonna ang 50-bed pediatrics ward sa Queen Elizabeth Central Hospital sa Blantyre noong Huwebes. Ayon kay Sarah Ezzy, director ng Raising Malawi, ang bagong pasilidad ay unang pediatric intensi... |
00 | Kasama sa programa ang pananalangin, bulaklak at pagsindi ng kandila para sa mga biktima ng massacre. Makikibahagi ang iba ibang kasapi ng media at ang grupo ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP). Ang hindi makakasama na mga kaanak ng Maguindanao massacre victims ngayong Sabado ay inaasahang bukas ... |
00 | Linisin ang Friendship Department dahil dadalawin ka ng Angel of Goodwill in this cycle. Inuutusan kang magpatawad ng isang friend. SCORPIO [Oct 23 - Nov 21] |
00 | Ayon sa imbestigasyon, dakong 8:00 ng gabi noong Biyernes nang huling nakitang buhay ang konsehal sa kanyang resthouse sa Chatue Subdivision sa Bgy. Julugan 8. Pero umaga na nang madiskubre ang bangkay niya na may mga tama ng bala sa ulo at katawan. |
00 | Pinaligiran ng Somali special forces ang tatlong duguang terorista matapos ideklara noong Sabado ng mga opisyal na kontrolado na nila ang Maka Al-Mukarramah Hotel, mahigit 12 oras matapos na salakayin ng mga armadong miyembro ng rebeldeng grupo ng al-Shabab ang hotel. |
00 | Ang isa pa ay ang abilidad ni Mayweather na gamitin ang kanyang napakatinding depensa upang makapagtatag ng puntos kung ito ay may distansiya. "That's his hometown," pahayag ni Murray sa gambling mecca ng Nevada desert. "He's spoken a little bit about how much he means to the economy of the city". |
00 | Clippers: Lumisan sa korte ang forward na si Spencer Hawes sanhi ng galos sa kaliwang tuhod sa huling bahagi ng first quarter at 'di na nagbalik pa. ... Hindi na naming naging aktibo sina guard Reggie Bullock (sprained right ankle) at guard Chris Douglas-Roberts (sore right Achilles). ... Ang nine-game winning streak a... |
00 | "People should fact-check. People shouldn't have to go through that and shouldn't answer to innuendos," sabi ni Bill sa pahayagan, sa istoryang inilathala noong Biyernes ng gabi. Tumanggap si Bill ng standing ovation sa simula ng kanyang 90-minutong show sa Melbourne, na nagtapos na hindi tinalakay ng komedyante ang mg... |
00 | Bukod sa apat, ipinapasuspinde rin sina Technology Resource Center (TRC) Chief Accountant Marivic Jover; Gondelina Amata, pangulo ng National Livelihood Development Corporation (NLDC); at apat na opisyal at empleyado ng NLDC na sina Emmanuel Alexis Sevidal, Chita Jalandoni, Sofia Cruz at Gregoria Buenaventura. |
00 | Ayon kay SPO1 Jaycee Calma, may hawak ng kaso, ang namatay sa pagkakasunog ay nakilalang si Judy David, 5. Sugatan naman sina Ramil Tanedo, 6; Angelo Mendoza Baun, 3; at Angel Canlas, 9, lahat ay residente ng nasabing barangay na kaagad dinala sa Tarlac Provincial Hospital. Batay sa salaysay ni Ramon Tanedo, 65, na kaa... |
00 | Nakabalikat naman ni Bagalay sa paggiya sa Cardinals sina Angelino Pertierra at Paul John Cuzon na nagposte ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod. Tanging sa service lamang nakuhang makipagsabayan ng Heavy Bombers kung saan ay kapwa sila nagtala ng tig-apat na service aces ng Cardinals na humataw naman ng 53 hits ku... |
00 | Umaasa ang kampo ni Belmonte na matukoy at mahubaran ng maskara ang tunay na utak ng pananambang kasabay ng pagsasampa ng kaso. Nadakip ng Special Investigation Task Group (SITG) Belmonte noong Sabado ng matunton ng pulisya ang pinagtataguan ng suspek na si Dominador Tumala 62, ng Bgy. Osmena, Zamboaga del Norte. Nanin... |
00 | Naaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si Gabby Batican, residente ng Polomolok, South Cotabato matapos ang isang oras ng hostage drama sa loob ng Campus Radio, isang affiliate radio station ng GMA network, malapit sa pamilihang bayan. |
00 | Ilang truck na puno ng mga bato at buhangin ang ipinarada sa labas ng gate ng opisina ni Zia sa Gulshan, Dhaka at sa bunganga ng daan patungo sa gusali kung saan siya naka-confine simula noong Sabado ng gabi. Ipinagbabawal ang pag-labas-masok ng sinuman sa lugar. |
00 | Sa madaling sabi, hindi 'happy' si WG dahil sa itinuturing ng mga taga-Singko na pambabastos sa kanila ni Bayani na dapat pala kasi ay kasama sa sitcom na 2 1/2 Daddies na pinagbibidahan nina Robin Padilla, Rommel Padilla at BB Gandanghari. |
00 | SAN ANTONIO (AP) - Kinailagan ng tulong ng San Antonio Spurs makaraang magtamo ng injury ang key players nito at makatikim ng sunod-sunod na pagkatalo. Ang pagbabalik ni Patty Mills ang nagbigay-buhay sa Spurs, at ang mapagwagian nila ang emosyonal at pisikal na matchup kontra Houston Rockets ang nagbigay sa kanila ng ... |
00 | Kung 'di pa rin gagawa ng aksiyon ang ilang NSA's na wala pa ring report, posibleng 'di na sila mapasama sa 28th Southeast Asian Games. Ito ang ipinaalala ni Team Philippines Management Committee member at PSC Chairman Richie Garcia matapos magsumite ng kanilang listahan ang 33 national sports association (NSA's) para ... |
00 | Hindi pumasa si Silva sa isang pre-fight exam, nagpositibo para sa Drostanolone metabolites, ayon pa sa statement. Si Diaz naman ay lumapgpak sa post-fight exam para sa marijuana, ayon naman sa iniulat ni Yahoo! Sports columnist Kevin Iole. |
00 | "We will implement the integration on February 1, 2015 despite an appeal from OFWs sector and impending motions which has yet to be resolved by the court," pahayag ni Villaluna. Nagpahayag na si OFW Family Club party-list Rep. Roy Seneres na maghaharap sila ng contempt charges sa Pasay Regional Trial Court laban kay MI... |
00 | Iniutos ni Makati City Police Chief Senior Supt. Ernesto Barlam sa kanyang mga tauhan na dakpin agad ang suspek na si Edrian Mendoza, ng 4040 Gen. Luna St., Brgy., Cembo, Makati City matapos matanggap ang reklamong panghahalay ng dalagita na nakatira sa Sampaloc, Manila. Sa reklamo sa pulisya ng biktima na sinamahan ng... |
00 | Nagbibigay ito ng kalayaan sa relihiyon, nagkakaloob ng posisyon sa gobyerno base sa merito at nagbabawal sa birth-based privilege. Hindi krimen sa code ang blasphemy, sabi-sabi at iba pang gawain na labag sa relihiyon. Gayunman, hindi nahinto ang pang-aalipin. |
00 | Tampok din sa episode ngayong umaga ang mga babaeng may polycystic ovary syndrome o PCOS o nakararanas ng hindi regular na regla kaya't hirap silang magbuntis. Ang kababaihang may PCOS ay mas hirap din na magpapayat at kadalasang mas oily ang balat na nagreresulta sa mga tighiyawat. Alamin sa Pinoy MD ang ilang mahahal... |
00 | Ito ang inihayag ni TATAP president Ting Ledesma sa paglulunsad ng buong programa ng asosasyon sa 2015 sa hangad na rin na mapalawak at mas mapaunlad ang table tennis sa bansa. |
00 | Nahaharap si Ballesteros sa kasong admistratibo at pagtutulak ng droga makaraan ang isinagawang drug buy-bust operation sa Bgy. Madamba sa nasabing lungsod. Nakumpiska kay Ballesteros ang isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,000 at marked money na P1,000. Ayon sa pulisya bago naaresto ang suspek ay... |
00 | "No one knows what exactly was said to Adam, but it was something like, 'You've had enough, it's time to stop drinking'," sabi ng isang insider sa Daily Mail noong Biyernes. "Whatever it was, the next thing the other man has blood over his face and a cut eyebrow. It's ironic because they work together and we all though... |
00 | Nanawagan ang Palasyo sa lahat ng motorista na huwag maging dahilan ng matinding traffic sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa Enero. Nagpaalala rin ang Palasyo sa publiko na maging disiplinado para maiwasan ang ano mang hindi magandang pangyayari habang nasa bansa ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko. A... |
00 | Kasalo ng Elasto Painters ang defending champion Purefoods Star (5-3) sa ikatlong posisyon na kasalukuyan namang may laban kontra sa league leader Talk 'N Text sa isang out of town game sa Davao City habang sinasara ang pahinang ito. Sa kabilang dako, kabuntot naman nila ang Kings na nasa ikaapat na posisyon na hawak a... |
00 | Marami ang nag-aabang sa bagong kumbinasyong ito nina Jasmin at Tom. Mahusay sa hosting si Jasmin at kilala na ring mahusay na disc jockey si Tom. Sana ay mapasikat nila ang show na ito. |
00 | Hindi namin napanood ang nasabing episode ng A&A dahil wala kami sa bansa pero kinumpirma ni Bossing DMB na nag-guest nga raw ang dalaga at may na-PM din sa amin na maganda nga raw ang outcome at exposure ni Jasmin. Pero hindi ito ang unang guesting ni Jasmin sa ABS-CBN, napanood na siya noon pa sa It's Showtime. At sa... |
00 | Sa hiwalay na kasong kriminal na inihain sa Department of Justice (DoJ), kinilala ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto Henares ang akusado na si Dr. Benedict Lazatin ng St. Luke's Medical Center at Ignacio de Guia Santos, may-ari ng IDS Employment Services sa Pulilan, Bulacan. Ang ikatlong respo... |
00 | Ayon kay MILF spokesman Mahagher Iqbal na negatibo ang isiniwalat na akusasyon ni Fr. Eliseo "Jun" Mercado na binili ng gobyerno ang mga armas ng PNP-SAF upang ibalik ng MILF ang ilan sa mga ito. |
00 | Binansagang "Angler," ang nasabing smartphone ay may taglay na 16-Megahertz processor, 4.5-inch black-and-white LCD display, may stylus support, at pinagagana ng nickel-cadmium battery. |
00 | "In the consideration of safety, management and other factors, Yuyuan Tourist Mart has decided to cancel the 2015 Yu Garden Lantern Festival," pahayag ng kumpanya na nag-oorganisa sa event sa kanilang website noong Sabado. |
00 | Sinabi ni Team Philippines chef de mission Julian Camacho na pangungunahan ni Kiefer Ravera ang 48 iba pang pinakamagagaling na amateur cagers ng bansa na nasa listahan kung saan kasama rin ang orihinal na miyembro ng Gilas Pilipinas at naturalized center na si Marcus Douthit. "We have set March 1 as the deadline of su... |
00 | Ang biktima, na hindi kinilala ng pulisya batay sa kahilingan ng pamilya, ay isang retired bank employee at residente ng Las Palmas Subdivision, Barangay Taculing, Bacolod City. Sa imbestigasyon ng pulisya, nakahinto ang isang Toyota SUV na sinasakyan ng biktima sa harapan ng East View Hotel Bacolod nang lapitan ito ng... |
00 | "Reports that I was sneaked out by PNP personnel from the Custodial Center are absolutely false," pahayag ni Revilla. Una nang napaulat na umalis si Revilla mula sa detention compound noong Valentine's Day, Pebrero 14, upang bisitahin si Enrile, na may kaarawan ng araw na iyon. Sina Enrile, Revilla at Sen. Jose "Jinggo... |
00 | Iminungkahi rin ng grupo sa publiko ang hindi pagkain ng karne at pagkain ng gulay lang, o vegan diet, ngayong Semana Santa. Sa halip din na mag-outing o mamasyal ang pamilya, inihayag ng EcoWaste na mas makabubuti kung itabi na lang ang perang gagastusin o i-donate sa mga charitable institution. |
00 | NAKATSIKAHAN namin sa pocket presscon nina Alex Gonzaga atAlonzo Muhlach ang bagong business unit head ng Dreamscape Entertainment na si Mr. Rondel Lindayag na hangang-hanga sa anak ni Nino Muhlach dahil napaka-professional kahit musmos pa. |
00 | Ipinakikita ng mga imahe ang 88-anyos na si Castro sa kanyang bahay kasama ang asawang si Dalia habang nakikipagpulong sa lider ng isang students' union, at inilathala ito sa pahayagan ng estado, ang Granma, at iba pang official media. |
00 | "A month after the incident and here we are, emotions still running high. The Senate hearings we've had regarding the incident at Mamasapano has raised more questions than answers. Until we have uncovered meticulously the intricate layers of said incident, these emotions may lead us to decide and act adversely," ayon k... |
00 | Base sa papeles na isinumite noong Disyembre sa San Francisco Superior Court, inakusahan ng kanyang asawang si Susan ang mga anak ni Williams sa dating asawa sa pag-angkin ng ilang gamit nang walang paalam. |
00 | Kinasuhan din ng Ombudsman sina Joselito Flordeliza, pangulo ng National Organization for Agricultural Enhancement and Productivity Incorporated (NOAEPI); mga empleyado ng Dane Publishing House na sina Leonicia Llarena at Minda Bombase; at mga pribadong indibiduwal na sina Jaime Paule, Marilyn Araos, at Marites Aytona.... |
00 | Kasama ni Roxas ang 18 engineer mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at 15 mula sa DILG upang tumulong sa mga lokal na pamahalaan sa muling pagbangon ng lalawigan mula sa magnitude 7.2 na lindol noong Oktubre 2013. Patunay pa rin ito ng "whole of government approach" na nilalayon ni Pangulong Benigno ... |
00 | Muli na namang inulit ni Lee ang kanyang kabayanihan, may tatlong araw ang nakalipas, nang kanyang isalba ang Rain or Shine sa pamamagitan ng limang krusyal na foul throws sa dying seconds ng laban nila ng Globalport para maiposte ang 104-98 panalo. Muling nagningning ang ipinagmamalaking anak ng Tondo sa kanyang ipino... |
00 | Ito ang opinyon ng National Union of Students of the Philippines (NUSP), dahil sa hindi mapigilan ng gobyerno, partikular ng Commission on Higher Education (ChEd), ang paglaki ng mga bayarin, partikular ang matrikula. |
00 | Samahan ang power trio hosts na sina 3rd District Negros Occidental Representative, House Committee on Housing and Urban Development Chairman Alfredo 'Albee' Benitez, model at beauty queen in the making na si Ms. Marjorie Cornillez at komedyanteng si Jayson Gainza sa kanilang paglilibot sa buong Pilipinas. Isasama tayo... |
00 | Naapektuhan ng blizzard ang halos buong kanlurang Iran, na kasing lawak ng Wisconsin ng Amerika, at mahigit isang linggong nalibing sa niyebe ang ilang lugar. Ang mga nakaligtas, gayunman, ay walang access sa pagkain, malinis na tubig at gamot. Hindi naman nagawa ng mahihirap na Iranian sa mga apektadong lugar na prote... |
00 | Isang lay-up ni Mike Nieto sa nalalabing 2.5 segundo ng laro laban sa bumabantay sa kanyang si Justine Baltazar ang siyang nagsilbing wining basket para sa blue Eaglets at bumasag sa huling deadlock ng laban sa 64-all. May tsansa pa sanang makabig ng Bullpups ang tagumpay ngunit nagmintis ang ipinukol na corner 3-point... |
00 | TULUY-TULOY ang Midas Touch ni Bossing Vic Sotto, hindi lamang sa kanyang sarili kundi maging sa mga alaga niyang sina Ryzza Mae Dizon ngayon at kay Aiza Seguerra noon. Hindi niya tinatantanan ang pag-aalaga at paghuhubog sa kanila hindi lamang sa umpisa kundi hanggang sa paglaki at posibleng habang-buhay na rin. No ki... |
00 | MULA sa pagganap bilang mahusay na songwriter, ang fast-rising Broadway star na si Jessie Mueller na nanalo ng lead actress Tony Award ngayong taon sa kanyang performance sa Beautiful: The Carole King Musical, ay gaganap naman bilang tagapagsilbi sa restaurant. Ayon sa hindi pa nakukumpirmang ulat ng The New York Times... |
00 | Grabe ang pagnanakaw ng pera ng bayan ng mga tiwali at bulok na pulitiko, lider at lingkod daw ng mamamayan. Ang P900 milyong Malampaya funds na dapat ay mapunta sa kapakinabangan ng mga Pinoy at proyekto para sa kaunlaran, ay nahulog lang pala sa bulsa ng mga pekeng NGOs ni Reyna Janet Limnapoles kasabwat ang mga wala... |
00 | Ayon kay Rafael, ang operasyon ay bunsod ng intelligence report tungkol sa umano'y pagbebenta ng ilegal na droga ni Ishii, isang 60-anyos na Japanese na matagal nang naninirahan sa La Union. Aniya, inaresto si Ishii sa apartment nito sa Oceana sa Barangay Carlatan, kasunod ng buy-bust operation makaraang makipagtransak... |
00 | Sa ulat na ipinadala kay Pampanga Provincial Police Office (PPO) chief, Senior Supt. Rodolfo Recomono Jr., sinabi ni Supt. Rechie Duldulao, chief of police ng San Fernando City, na nangyari ang panggagahasa nang dalhin ni Bautista si Rochelle sa kanyang bahay dakong 2:00 ng hapon. |
00 | Pamumunuan ng mga economic ministers at matataas na opisyal ng 21 bansang kasapi ng APEC, ang ISOM ang opening salvo ng serye ng ministerial at technical meetings tungo sa 2015 APEC Leaders Summit na pag-aabalahan ng Pilipinas sa 2015. Dito sa Albay idaraos ang sampu sa naturang mga komperensiya. |
00 | Bagamat ang orihinal na alignment ng Cavitex ay nagtatapos sa Cavite City, itinigil ng Cavitex Infrastructure Corp. (CIC) ang pagdurugtong sa expressway dahil sa luma na ang pag-aaral dito, at naiba na rin ang ruta ng biyahe ng mga motorista. |
00 | Sinabi ni Supt. Ferdinand "Bingo" De Asis, tagapagsalita ng PPO, na simula ngayong Huwebes ay kanselado na ang anumang permit to carry firearms at mission order at kasabay na rin nito ang pagbawi sa mga PIV security. |
00 | Umangat mula sa kinalalagyang buntot ng team standings ang tatangkain ng limang mga koponang kasalukuyang nasa 6-way tie sa ilalim sa tatlong magkakahiwalay na laro ngayong hapon sa 2015 PBA D-League Aspirants Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City. Pare-parehas na may barahang 1-3, panalo-talo, kasalo ng Tanduay Light... |
00 | Ayon kay NBI-Anti Cybercrime Division Chief Ronald Aguto, hindi pa naman nila masabi sa ngayon kung doon nga unang na-upload ang video, pero posibleng isa iyon sa mga pinanggalingan. "But since ongoing nga ang investigation, we cannot be disclosing the details," pahayag ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila De... |
00 | Ito ang ipinahayag ng pamunuan ng SBP sa 2015 Team Philippines SEA Games Task Force matapos na isumite ang kabuuang 50 manlalaro sa kalalakihan at 58 naman sa kababaihan na nasa training pool. Hindi pa kasama dito ang mga pangalan ng mga pinagpipiliang coaches na hahawak sa dalawang koponan. "They submitted all the nam... |
00 | Bukod kay Adana, pinakakasuhan din ng anti-graft court ang mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) na sina Roland Roland Grijalvo, Felix Timsan, Emmanuel Enteria at Jonathan Cartagena. Nakasaad sa resolusyon ng Ombudsman na nilabag ni Adana at ng iba pang BAC member ang RA 9184 o Government Procurement Act sa p... |
00 | Ipinanganak si Marley sa Nine Miles, northwest Jamaica, at namatay noong Mayo 11, 1981, sa isang ospital sa Florida dahil sa cancer sa edad na 36. Itinakda ang isang "mini-jam session" sa dating bahay ni Marley sa Hope Road, hilagang bahagi ng Kingston, pati na rin ang ilang talakayan tungkol sa reggae, isang popular n... |
00 | Kinilala ang mga nasugatang pulis na sina PO1 Christopher Bermejo,34, may-asawa; PO3 Carlito Seneres, 53, may-asawa; PO3 Reynaldo Sarmiento, 46, may-asawa at PO3 Rolando DE Guzman,36,may-asawa, pawang mga miyembro ng Quezon City Police District Station 1 Laloma. |
00 | "Wherefore, premises considered, accused most respectfully pray of the Honorable Court to resolve with dispatch their application for bail," saad sa motion to resolve na isinumite ni Razon at ng mga retiradong opisyal na sina Directors Gerry Barias at Eliseo de la Paz. Kasalukuyang nakadetine sa PNP Custodial Center sa... |
00 | MULA nang maging Kapamilya ay sunud-sunod na ang ginagawang proyekto ni Alex Gonzaga. Napanood sa Voice of the Philippines Season 2 at kasama rin si Alex sa ASAP 20, may librong bestseller sa ABS-CBN Publishing, may I Am Alex G album under Star Music na ini-launch kahapon, may concert sa darating sa Big Dome sa susunod... |
00 | "Ito na 'yung pinaka-best na game ko sa UAAP," pahayag ng Season MVP na si Jess Meliza na siyang nagpatabla sa laro sa 2-all sa pamamagitan ng kanyang goal sa 83rd minute bago ang winning goal sa extra time ni last season MVP Paolo Bugas na naglaro sa ikatlong pagkakataon para sa Tamaraws matapos magbalik mula sa knee ... |
00 | Kung inaakala mong nalampasan mo na ang pinakamabigat na challenge, wait ka lang in this cycle for something na mas challenging. AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18] |
00 | Sundan si Mirae Na at ang kanyang 57-year old na sarili habang sinusubukang ayusin ang kaniyang buhay sa Future's Choice na nagsimula na nitong February 16 sa GMA. |
00 | Ipinag-utos ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima sa mga opisyal ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City na gibain ang mga espesyal na kubol sa loob ng pasilidad, kabilang ang magarbong unit ni Jaybee Nino Sebastian, na itinuturing na high-profile inmate. Dalawang linggo lang ang ibinigay na tan... |
00 | Bilang bahagi ng selebrasyon ng pisa, nagpapatuloy ang kada oras na mga misa sa loob ng 26 oras sa Tondo Church simula ng Sabado ng gabi hanggang Linggo ng gabi. Ang mga replika ng Sto. Nino sa mapang-akit na mga kasuotan ay tinitipon sa ibabaw ng isang float na napalalamutian ng mga bulaklak at tinapay na bumibisita s... |
00 | Muli umanong ginawa ng suspek ang pangmomolestiya sa 15-anyos na anak noong Disyembre 2014 kaya inihiwalay ng mga tiyahin ang dalawang dalagita sa mag-asawa. Madalas umanong pag-awayan ng mag-asawa ang paglayo ng mga anak na nauwi sa pananaksak ng suspek sa asawa kamakailan, matapos igiit ng mister na ibalik sa kanilan... |
00 | Patay na si Jose Cadelina Corpuz, 48, nang matagpuan ang kanyang katawan. Pinaniniwalaang inatake sa sakit sa puso si Corpuz, may asawa, ng Bgy. Sapa III, Rosario, habang mag-isang nangingisda lulan ng bangkang "Dianne Sian". |
00 | Nag-ambag naman si Ella de Jesus ng 8 hits habang umasinta si Aerieal Patngongon ng 6 puntos para sa Team UAAP-Philippines. Habang sinusulat ang balitang ito ay nakasalang na ang Lady Eagles laban sa Malaysia para sa bronze medal game. Una nang tumapos sa eliminations ang koponan na may barahang 2-2 (panalo-talo) makar... |
00 | MATAPOS mag-divorce noong 2012, muling nagkamabutihan ang aktor na si Ethan Embry at aktres na si Sunny Mabrey at planong ituloy ang nakatakdang muling pagpapakasal. Ekslusibong nakapanayam ng Us Weekly ang magkasintahan sa ginanap na Makeup Artists and Hair Stylists Guild Awards noong Sabado, ika-14 ng Pebrero, sa Los... |
00 | Naniniwala ang AFP na kanilang matatapos ang operasyon laban sa BIFF sa loob ng tatlong buwan dahil kung face-to-face ang labanan ay kaya naman itong tapatan ng militar. Hangad ng militar na matuldukan na ang kakayahan ng BIFF sa paggawa ng bomba subalit hindi akmang panlaban nila sa pakikipagbakbakan sa tropa ng pamah... |
00 | Sa isang resolusyon na may petsang Disyembre 16, sinabi ng First Division: "The accused-movant submitted a Manifestation informing the Court that his coverage under the Witness Protection Security and Benefit Program ("WPP" for short) had been terminated and that he is no longer a prospective government witness..." "Af... |
00 | Matira-matibay ang matutunghayan ngayong umaga sa pagitan ng Ateneo de Manila University (ADMU)-Seniors at International Little League Association of Manila (ILLAM), gayundin ang Adamson University (AdU) at nagtatanggol na kampeon na Philab sa dalawang knockout game ng 2nd PSC Chairman's Baseball Classic sa Rizal Memor... |
00 | Trusting God won't make a mountain smaller, but will make climbing easier. Do not ask Him for a lighter load, but ask Him for a stronger back. -09165145411 Learn to see everything as an experience that will make you a better person and lead you to realize that what you really need everyday is God. Have a great day ahea... |
00 | Ito ay ayon kay PN spokesperson Commander Jonathan Zata, na nagsabing nangyari ang sunog sa isa sa mga igloo kung saan nakaimbak ang mga bala ng mga small firearms. Nagsimula umano ang sunog sa pagitan ng 5:00 hanggang 5:30 ng madaling araw kahapon. Sinabi ni Zata sa mga residente na kung may nakikita silang usok na ma... |
00 | "As many of you are aware, there is a very trashy book out there full of lies and more lies about me. ... (The writer's) actions are obviously vindictive because I edited out some crazy statements he had the gall to try and put in my book written 15 years ago," nakasaad sa statement. "Evidently, he has been carrying th... |
00 | Isa sa mga kasunduan ay ang General Agreement of Trade in Services (GATS) na ang Pilipinas ay miyembro ng World Trade Organization (WTO), at isang signatory. "The WTO-GATS is a framework for a multilateral trading system in the service sector, which includes an annex on the movement of natural persons," paliwanag ni No... |
00 | NITONG nakaraang Lunes ay naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Makati si Ferdinand Guerrero, isa sa mga suspect sa pambubugbog sa It's Showtime co-host na si Vhong Navarro. Isa si Guerrero sa mga akusado sa isinampang kaso ni Vhong noong Enero 2014. Sabi sa pahayag ni Vhong noong Miyerkules hinggil sa ... |
00 | Una nang sinuspinde ng Comelec ng dalawang linggo (Disyembre 20-Enero 4) ang nationwide voters' registration bilang pagbibigay-daan sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, alinsunod sa Comelec Resolution 9853. |
00 | "There was no Angelus in the previous visit of Pope John Paul II... I am just not that sure with Pope Paul VI," pahayag ni Fontanilla nang tanungin ng mga mamamahayag kung ito ang unang pagkakataon na pangungunahan ng lider ng Simbahan ang Orasyon sa UST. Si Pope Francis ang ikatlong Papa na bibisita sa UST. Ang dalawa... |
00 | Dinala sa Taguig-Pateros District Hospital subalit inilipat kalaunan sa Saint Lukes Hospital sa Bonifacio Global City ang biktimang si Aurelio Padilla, chairman ng Barangay New Lower Bicutan, Taguig kung saan ideneklara itong dead on arrival. Sa inisyal na imbestigasyon nina SPO2 Rodelio Abenojar at PO3 Allan Corpuz ng... |
00 | Dumating ang Papa sa bansa para sa isang pastoral visit na naghatid sa kanya sa Leyte kung saan nakapiling niya ang mga sinalanta ng bagyo sa isang open-air na misa na inulan, bilang pagtupad sa kanyang pangako noong 2013 na darating siya upang makidalamhati sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda. Bago siya dumating sa... |
00 | Ngunit may nakababahala rin sa pinakahuling report na ito ng pamahalaan. Ayon sa datos ng nabanggit na ahensiya, lumalabas na 2.5 milyon pa ring Pilipino ang walang trabaho as of October 2014. At ang mas nakakabahala pa, sa kabuuang bilang na ito, ang mga kabataang Pilipinong may edad 15-24 ang siyang nangunguna sa mga... |
00 | Ipinost ni Bianca sa Instagram ang gift ni Miguel at marami ang nag-like. Lalo pang kinilig ang BiGuel fans nang i-post ni Miguel ang old photo ni Bianca during Mulawin days. Ibig sabihin, nagkasama na ang dalawa noong bata pa sila. |
00 | Sa unang pagkakataon, napanood ng publiko ang digitally restored at remastered na mga kopya ng Anak directed by Rory Quintos, Kapag Langit ang Humatol directed by Laurice Guillen at Bata, Bata, Paano ka Ginawa ni Chito Rono. Mabusising inayos, pinalinaw at pinaganda ng ABS-CBN Film Archives at Central Digita Labs ang n... |
00 | Sinabi ng biktimang si Sabermcghaddam Reza, 27, sa Mandaluyong City Police Station na nadiskubre niya na pinasok ang kanyang bahay sa Unit 6/F Hannesy 1, California Gardens Square sa DM Guevarra St., Barangay Highway Hills sa Mandaluyong dakong 1:00 noong Sabado ng hapon. Nagising umano mula sa mahimbing napagkakatulog... |
00 | Pagkatapos nito, muling mapapanood ang Filipino Pop Tenors, na pinamumunuan ng film-TV actor na si Miguel Castro na isa na ngayong pop classical singer, sa Paco Park Presents sa Pebrero 20. Nasa isip ni Miguel ang paghahalo ng classical music sa pop music environment sa pagbuo ng grupo ng mga soloist na nagsanibpuwersa... |
00 | Sa inisyal na text message mula kay Cavite Police Provincial Office Director Senior Supt. Jonnel Estomo, dakong 8:30 ng umaga nang matagpuan ng ilang residente ang bangkay ni Marinel Largo, 15, ng Aroma, Marulas, sa ilog malapit sa exit gate ng Cavitex sa Barangay Marulas. |
00 | NITONG nakaraang Lunes, muling pumirma si Toni Gonzaga ng panibagong three-year contract sa ABS-CBN. "I am celebrating my 10th year as a Kapamilya and I am happy to renew my contract with them," pahayag ni TV host/actress/singer. "Talagang in my heart talaga I am certified and forever a Kapamilya. |
00 | Nahirang ang Ateneo de Manila University (ADMU) men's basketball team captain na si Kiefer Ravena bilang SMART Player of the Year sa katatapos na UAAP-NCAA Press Corps 2014 Collegiate Basketball Awards noong nakaraang Huwebes ng gabi sa Saisaki-Kamayan EDSA. Nakamit ni Ravena ang pangunahing karangalan sa taunang paran... |
00 | Sinabi ni PSC Chairman Richie Garcia na ang dalawang araw na seminar ay bahagi sa national project para sa "awareness and commitment campaign on anti-doping in the Philippines" na ginaganap din sa buong mundo upang ituro ang mga pamamaraan para makaiwas at lumayo ang mga dadalo sa mga ipinagbabawal na gamot. "We want t... |
00 | Kinilala ni Police Supt. Wilson de los Santos, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Police Station 7 (PS-7) sa Cubao, na si Anton Bernardo, 39, residente ng New York Mansion na matatagpuan sa No. 84 Annapolis St., Barangay E. Rodriquez, Quezon City. |
00 | Kadalasan kasi kapag love team ay inili-link sa isa't isa at kapag tinanong ay may mga pa-cute at nakakabanas na paliguy-ligoy, sasabihing posibleng ma-in love kuning-kuning si girl o si boy kasi magkasundo sila o kung anu-ano pang kaek-ekang drama. Pero kapag binalikan si girl kung ano ang masasabi sa sinabi ni boy ay... |
00 | Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Edwin Lacierda na mananatili ring officer-in-charge ng DoH si Undersecretary Janette Garin hanggang walang naitatalaga sa puwesto. |
00 | Inamin ni Yassi na sumama ang loob niya nang tanggalin siya sa Sunday All Stars. "Na-hurt talaga ako, kasi three years ko ring ginagawa 'yun, nasanay na every Sunday nasa SAS ako at nagpe-perform. Pero ganu'n talaga, kailangan daw magbawas ng artist at isa ako sa nawala. Ipinaliwanag naman nila kung bakit kailangan mag... |
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.