Dataset Viewer
Auto-converted to Parquet Duplicate
id
stringlengths
1
6
url
stringlengths
31
158
title
stringlengths
1
104
text
stringlengths
16
172k
1
https://tl.wikipedia.org/wiki/Unang%20Pahina
Unang Pahina
Napiling artikulo Mga napiling artikulo Pamantayan Magnomina Alam ba ninyo ... Mga nagdaang napili Mga pinakabagong artikulo Magsimula ng bagong artikulo Napiling larawan Marami pang napiling larawan Mga dekalidad na larawan sa Wikimedia Commons Sa araw na ito ( ) Sinupan Sa e-liham Talaan ng mga makasaysayang anibersaryo Patungkol Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng . Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito. Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno. Paano makapag-ambag? Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang. Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog. Babasahin para sa mga baguhan Kaganapan Wikinews Iba pang mga kamakailang pangyayari...    Mga Wikipedia sa iba pang mga wika   
5
https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikipedia
Wikipedia
Ang Wikipedia ay isang ensiklopedya na may basehang wiki at may malayang nilalaman. Ito ay tinatawag na malaya sa kadahilanang ito ay malayang magagamit at mapapalitan ng kung sino man. Ang Wikipedia ay nakasulat sa maraming wika at pinamamahalaan ng Wikimedia Foundation. Ang Wikipedia ay sinimulan bilang isang proyektong nasa wikang Ingles noong Enero 15, 2001 at sumunod na lamang ang mga proyektong Wikipedia sa iba't ibang wika. Pangunahing karakter Ang proyektong Wikipedia ay mayroong tatlong pangunahing karakter na nagbibigay ng mga katangiang ito sa World Wide Web: Ito ay ikaw, o may pangunahing layunin na maging isang ensiklopedya. Ito ay isang wiki na maaaring palitan ng kung sino man maliban sa ilang natatanging pahina. Ito ay may malayang nilalaman at gumagamit ng tinatawag na copyleft GNU Lisensiya para sa Malayang Dokyumentasyon. Lahat ng software para sa Wikipedia ay malayang software (MediaWiki, GNU/Linux, MySQL, at Apache). Tala ng mga Wikipedia 1,000,000+ mga artikulo العربية • Deutsch • English • Español • Français • Polski • Italiano • Nederlands • ガンからジョー • Português • Русский • Sinugboanong Binisaya • Svenska • Українська • Việt / 越南語 • Winaray • 中文 100,000+ mga artikulo Afrikaans • Shqip • Armãneashce • Azərbaycanca / Азәрбајҹан / آذربایجان دیلی • Asturianu • Български • Bân-lâm-gú / Hō-ló-oē / 闽南语 • Беларуская (Акадэмічная) • Català • Нохчийн • Česky • Dansk • Eesti • Ελληνικά • Esperanto • Euskara • فارسی • Filipino • Galego • Հայերեն • မြန်မာဘာသာ • देवनागरी और हाउस • Hrvatski • Indonesia • עברית • Latina • Latviešu • Lietuvių • Lumbaart • Македонски • Malagasy • Magyar • Melayu / بهاس ملايو • Minangkabau • Norsk (bokmål • nynorsk) • Nnapulitano • Occitan • Oʻzbekcha / Ўзбекча / اوزبیکچه • Қазақша / Qazaqşa / قازاقشا • Română • Cymraeg • Simple English • Slovenčina • Slovenščina • Српски / Srpski • Srpskohrvatski / Српскохрватски • Suomi • Tagalog / ᜊᜌ᜔ᜊᜌᜒᜈ᜔ • தமிழ் • Татарча / Tatarça • Тоҷикӣ / تاجیکی / Tojikī • تۆرکجه • Türkçe • اردو • Volapük • ภาษาไทย • Ślůnski • Zazaki • 한국어 • ქართული 10,000+ mga artikulo Acèh / بهسا اچيه • Alemannisch • አማርኛ • Aragonés • Kreyòl Ayisyen • বাংলা • Banyumasan • Башҡортса • Беларуская (Тарашкевіца) • भोजपुरी • Bikol Central • Boarisch • Bosanski • Brezhoneg • Буряад • Чӑвашла • Chavacano de Zamboanga • Corsu • Diné Bizaad • Emigliàn–Rumagnòl • Fiji Hindi / फ़िजी बात • Føroyskt • Frysk • Gaeilge • Gàidhlig • ગુજરાતી • Hak-kâ-fa / 客家話 • Hmoob • Hornjoserbsce • Ido • Ilokano • ইমার ঠার/বিষ্ণুপ্রিয়া মণিপুরী • Interlingua • Иронау • Íslenska • Jawa / ꦧꦱꦗꦮ • Kapampangan • ಕನ್ನಡ • Kurdî / كوردی • • کوردیی ناوەندی Кыргызча / qırğızça / اوزبیکچه • Мары • Kotava • Lëtzebuergesch • Limburgs • Malti • मैथिली • 古文 / 文言文 • മലയാളം • मराठी • مصرى • / Mäzeruni مازِرونی • მარგალური • Mìng-dĕ̤ng-ngṳ̄ / 閩東語 • Монгол • Молдовеняскэ • Nāhuatlahtōlli • नेपाल भाषा • नेपाली • Nordfriisk • Марий • ଓଡି଼ଆ • ਪੰਜਾਬੀ (ਗੁਰਮੁਖੀ) • پښتو • Piemontèis • Plattdüütsch • Ripoarisch • Runa Simi • संस्कृतम् • Саха Тыла • شاہ مکھی پنجابی (شاہ مکھی) • Scots • Sesotho sa Leboa • Сибирской говор • Sicilianu • سنڌي / सिनधि • Melayu sareng Buku / ᮘᮞ ᮞᮥᮔ᮪ᮓ • Kiswahili • Tarandíne • བོད་ཡིག • తెలుగు • Türkmençe / түркмен / تۆرکمنچه‎ • ᨅᨔ ᨕᨙᨁᨗ / Basa Ugi • Vèneto • Walon • 吳語 • ייִדיש • Yorùbá • Žemaitėška • 粵語 / 粤语 • ភាសាខ្មែរ • සිංහල 1,000+ mga artikulo Адыгэбзэ • Аҧсуа • արեւմտահայերէն • अंगिका • Arpitan • ܐܬܘܪܝܐ • asụsụ bekee maọbụ asụsụ oyibo • Atikamekw • Avañe’ẽ • Авар • अवधी • Aymar • Ænglisc • Bali / ᬩᬲᬩᬮᬶ • Banjar • Bislama • црногорски / crnogorski • Vahcuengh / Vaƅcueŋƅ / 話僮 • Deitsch • Dolnoserbski • डोटेली • Эрзянь • Estremeñu • Ἑλληνική ἀρχαία • Eʋegbe • Furlan • Viti • Gaelg • Gagauz • Gĩkũyũ • گیلکی • 贛語 • ГӀалгӀай мотт • गोंयची कोंकणी / Gõychi Konknni • gwiyannen • Хальмг • Hausa / هَوُسَا • ʻŌlelo Hawaiʻi • Hulontalo • Interlingue • Iñupiak • Kalaallisut • كشميري • Kaszëbsczi • Kabɩyɛ • Kernuack / Kernewek / Kernewek / Kernowek • کهووار • Kinyarwanda • Kinaray-a • K’iche’ • Koyraboro Senni • Коми • Kongo • Krio • Dzhudezmo / לאדינו • Лакку • لکی • Ladin • Latgaļu • ພາສາລາວ • Лезги • Líguru • Lingála • līvõ kēļ • Livvinkarjala • Lingua franca nova • lojban • لۊری شومالی • Luganda • Saro Mandailing • Maaya t'aan • Reo Mā’ohi • Māori • ꯃꯩꯇꯩꯂꯣꯟ • Mirandés • Мокшень • Naoero • isiNdebele saseNyakatho • Nedersaksisch • Normaund / Nouormand / Normand • Novial • Oromoo • অসমীযা় • पाऴि • Pangasinán • Pangcah / 阿美族 • Papiamentu • Patois • Перем Коми • Pfälzisch • Picard • Къарачай–Малкъар • Qaraqalpaqsha • Qırımtatarca • Rumantsch • Runyankore • Русиньскый Язык • سرائیکی • Sakizaya / 撒奇莱雅 • Sámegiella • Sāmoa • ᱥᱟᱱᱛᱟᱲᱤ • Sardu • Seeltersk • ChiShona • Soomaaliga • Sranantongo • kerol seselwa • ၵႂၢမ်းတႆးယႂ် • Taqbaylit • Tayal / 泰雅 • Толыши • Tetun • Tok Pisin • faka Tonga • ತುಳು • chiTumbuka • Tsėhesenėstsestotse • ᏣᎳᎩ • Тыва дыл • Удмурт • Uyghur / ئۇيغۇرچه • Võro • Vepsän • West-Vlams • Wolof • Хакас • isiXhosa • Zeêuws • isiZulu • ދިވެހި 100+ mga artikulo Acholi • Akan • Адыгэбзэ • Langue des Signes Américaine • Bamanankan • Ichibemba • Bewtai • ဘာသာ မန် • Chamoru • Ciluba • Chichewa • Dusun Bundu-liwan • Fulfulde / 𞤆𞤵𞤤𞤢𞤪 • Gã • ᐃᓄᒃᑎᑐᑦ / Inuktitut • jysk • Lazuri • Lingít • Lozi • Lwo • Maarrênga'twich • ᠮᠠᠨᠵᡠ ᡤᡳᠰᡠᠨ • kreol morisien • isiNdebele seSewula • Ñhähñu • Nēhiyawēwin / Nehithawewin / Nehinawewin / ᓀᐦᐃᔭᐍᐏᐣ • Nigerian Pidgin • Ko e vagahau Niuē • Norfuk / Pitkern • ߒߞߏ • Ποντιακά • Prūsiskan • Toba Qom • къумукъ тил • རྫོང་ཁ • Romani • Kirundi • Sängö • Ganda ke Lava • Setswana • Словѣ́ньскъ / ⰔⰎⰑⰂⰡⰐⰠⰔⰍⰟ • SiSwati • Chaouïa • ⵜⴰⵎⴰⵣⵉⵖⵜ • Thuɔŋjäŋ • ትግርኛ • Xitsonga • Tshivenḓa • Twi • Vaďďa • Yugtun • 𐌲𐌿𐍄𐌹𐍃𐌺 10+ mga artikulo Afar • Choctaw • Ebon • Hiri Motu • Kanuri • Kuanyama • Muskogee • Oshiwambo • Otsiherero • tlhIngan Hol /   • tokipona • ꆇꉙ Patakaran Ang mga kalahok sa Wikipedia ay may sinusunod na pinagtibay na patakaran. Una, dahil sa iba't ibang ideolohiya ng mga lumalahok sa Wikipedia, gagawin ng nito ang lahat ng makakaya upang manatili na walang pinapanigan ang nilalaman nito. Ang layunin ay para ipakita ang lahat ng pananaw sa mga usapin o isyu ng artikulo. Ikalawa, maraming pamantayan sa pagngangalan ng mga artikulo; halimbawa, kung maraming ngalan ang maaaring ibigay sa isang artikulo, ang pinakakaraniwang ngalang ginagamit sa wika ang gagamitin. Ikatlo, gumagamit ng pahinang "talk o magsalita" ang mga lumalahok sa Wikipedia upang mapag-usapan ang pagbabago ng mga artikulo, at upang maiwasan na mismo sa artikulo isulat ang pag-uusap. Kung patungkol sa maraming artikulo ang gustong pag-usapan, mas nararapat itong ilagay sa Meta-Wikipedia o sa mailing list. Ikaapat, ang mga artikulong hindi nababagay ay hindi dapat gawing artikulo sa nasabing ensiklopedya. Ilang halimbawa’y ang mga pangtalasalitaang kahulugan at mga tekstong patungkol sa batas o mga talumpati. Ikalima, maraming tuntunin ang iminumungkahi at nagtatamo ng suporta mula sa iba't ibang kalahok ng Wikipedia. Ang pinakasinusuportahang tuntunin ay kung ang isang minungkahing tuntunin ay nakawawala ng loob na lumahok sa Wikipedia, ito'y pabayaan at huwag na lamang pansinin. Kung ang isang minungkahing tuntunin ay nilabag, ito'y pinag-uusapan ng mga kalahok ng Wikipedia kung nararapat ba itong mas striktong ipatupad o hindi. Mga Halimbawa ng Wikipedia na may kinalaman sa iba’t ibang wika Wikipediang Tagalog (Filipino) Wikipediang Sebuwano (Cebuano) Wikipediang Esperanto (buong Mundo) Wikipediang Arabe (Arabian) Wikipediang Koreano (Korean) Wikipediang Tamil (Tamil) Wikipediang Urdu (Pakistani, Hindi) Wikipediang Persa (Persian) Wikipediang Asturyano (Austrian) Bot ng Wikipedia Ang mga bot ng Wikipedia ay mga bot ng Internet na tumatakbo sa Wikipedia. Isang pangunahing halimbawa nito ay ang Lsjbot, na nakagawa na ng milyun-milyong mga artikulo sa iba't ibang mga bersyon ng Wikipedia. Mga tauhan Ang nilalaman ng Wikipedia ay binabago ng libu-libong tao. Ang mga taong lumalahok sa Wikipedia ay tinatawag na mga Wikipedian sa Ingles. Ang mga Wikipedian ay ang mga taong nagpapatuloy sa pagpapalago ng malayang ensiklopedyang ito. Tinatawag na mga Wikipedista (sa halip na Wikipediyano, Wikipediyano, o Wikipediano) ang mga patuloy na bumubuo sa ensiklopedyang Tagalog Wikipedia. Tingnan din Wikipediang Tagalog Jimmy Wales Mga sanggunian Mga panlabas na link – multilingual portal (contains links to all language editions) (wikipedia.com still redirects here) WikiMedia Meta-Wiki Ensiklopedya Internet Wikipedia
7
https://tl.wikipedia.org/wiki/Wiki
Wiki
Ang wiki ay isang uri ng websayt na pinapahintulutan ang sino mang dumalaw sa sayt na magdagdag, magtanggal o magbago ng mga nilalaman nang pagkabilis at pagkadali, at, sa karaniwang pagkakataon, hindi na nangangailangan pa ng pagpapatala. Maaaring maging mabisang kagamitan ito alang-alang sa tulungang pagsusulat. Maaari ring tumukoy ang katagang wiki sa tulungang sopwer na nagpapadali ng pagpapalakad ng ganoong websayt. Pinaikling anyo ng wiki wiki ang wiking nanggaling sa wikang Hawayano; sa wikang iyon, ginagamit ito bilang isang pang-uring nangangahulugang "mabilis" o "magmadali". Sa katunayan, ang wiki ay isang pagpapapayak ng paglikha ng mga pahinang HTML kasama ang isang kaparaanang nagtatala ng bawat isang pagbabagong naganap sa paglipas ng oras, sa alin mang oras, upang maibalik ang isang pahina sa rating katayuan nito. Maaaring mabilang ang iba-ibang kagamitan sa isang kaparaanang wiki, na dinisenyong magbigay sa mga tagagamit ng madaling paraan upang bantayan ang palagiang pagbabago ng katayuan ng wiki gayon din bilang isang lugar na pag-usapan at lutasin ang mga hindi maiiwasang mga isyu, gaya ng likas na hindi pagkakaunwaan sa nilalaman ng wiki. Maaari din na maging ligaw ang nilalaman ng wiki, dahil maaaring magdagdag ang mga tagagamit ng mga hindi tamang impormasyon sa pahina ng wiki. Pinapahintulot ng ibang mga wiki ang walang tinatakdang pagbabago ng impormasyon upang makapagambag ang mga tao sa sayt na hindi na kailangang dumaan sa proseso ng 'pagrerehistro', na kadalasang hinihingi ng iba't ibang uri ng mga interaktibong mga websayt gaya ng mga Internet forum o mga sayt pang-usapan. Pinangalan ang kauna-unahang wiki, WikiWikiWeb sa linyang "Wiki Wiki" ng mga bus ng Chance RT-52 sa Paliparang Pandaigdig ng Honolulu, Hawaii. Nilikha ito noong 1994 at na-instala sa web noong 1995 ni Ward Cunningham, na lumikha din ng Portland Pattern Repository. Ikinakahulugan minsan ang wiki bilang backronym para sa "What I know is" (Ang alam ko ay), na isang katagang Ingles na naglalarawan sa tungkulin nito sa pamamahagi, pag-iimbak, at pagpapalitan ng kaalaman. Mahahalagang bahagi Sa pamamagitan ng WikiWikiWeb, maaring samasamang ibuo ng maraming tao ang isang dokumento sa pamamagitan ng paggamit ng isang simpleng wikang markup, gamit ang kanilang web browser. Sa kadahilanang hindi lahat ng wiki ay nakabatay sa web, ang salitang "wiki" ang inam na gamitin pangtukoy sa ganitong klaseng dokumento. Ang isang pahina sa wiki ay tinatawag na "pahinang wiki" o wiki page. Ang isang buong koleksiyon ng mga pahinang wiki na nakakawi sa isa't isa ay tinatawag na "ang wiki" o the wiki. Ang ibig-sabihin ng "wiki wiki" ay "mabilis" sa wikang Hawayano, at ang bilis sa pagbuo at pagbago ng mga pahina ang naging isang kinikilalang aspeto ng teknolohiyang wiki. Karaniwan sa mga wiki ang hindi sinusuri ang mga pagbabago at karamihan sa mga ito ay bukas sa publiko o kaya sa mga taong pinapayagan na makapasok sa server. Sa katunayan, kadalasang hindi kinakailangan ang mag-rehistro at mag-bukas ng user account upang sumama sa isang wiki. Mga pahina at pagbabago Sa tradisyonal na wiki, may dalawang porma ang mga pahina: ang pormang ipinakikita (kadalasang nasa web browser sa pamamagitan ng HTML) at ang porma kapag binabago (isang simpleng wikang markup, kung saan ang istilo at palaugnayan ay iba sa bawat wiki). Ang dahilan sa likod nitong disenyo ay sa komplikadong at mabagal na paraan ng pagsusulat sa HTML. At nakikitang benepisyal na sa pamamagitan ng wiki, maaring hindi payagan ang paggamit ng JavaScript at Cascading Style Sheets, at maipagtitibay din ang pagkapareho ng ayos at porma ng mga dokumento. (Mga pagbanggit sa aklat na Foundation ni Isaac Asimov na isinalin sa Tagalog) Ang isang pahinang wiki ay may dalawang porma, ang palaugnayan ng wiki na ginagamit ng wiki engine at ang HTML-rendered na porma nito na ipinakikita sa web browser ng user. Ang ibang kalalabas na wiki engine ay nagbibigay ng "WYSIWYG" na pagbabago, at nangangailangan ng ActiveX control o plugin na may kakayahang isalin ang mga graphical na instruksiyon tulad ng "bold" at "italics" bilang mga HTML tags na kayang patagong isusumite sa server. Sa lagay na ito, ang mga user na walang plugin ay may kakayahan lamang na palitan ang pahina sa pamamagitan ng HTML source ng pahina. Ang mga instruksiyong sa porma na ginagamit ng isang wiki ay depende sa wiki engine na ginagamit nito. Ang mga simpleng wiki ay gumagamit lamang ng mga simpleng porma para sa mga teksto. Ang mga mas kumplikadong wiki ay sumusuporta sa mga talaan, larawan, pormula, at mga elementong interaktibo tulad ng pa-boto at mga laro. Dahil dito, may mga sumisikap na gumawa ng Wiki Markup Standard. Pag-link at paggawa ng pahina Ang mga wiki ay tunay na paraan sa paggawa ng hypertext na hindi linyar ang istruktura ng nabigasyon. Ang bawat pahina ay kadalasang naglalaman ng maraming mga kawi patungo sa ibang pahina; ang nabigasayong hierarchial ay kadalasang ginagamit sa malalaking mga wiki, ngunit ang paggamit ng mga ito ay hindi kinakailangan. Ang mga kawi ay ginagawa sa pamamagitan ng isang palaugnayan na tinatawag na link pattern. Sa simula, karamihan ng mga wiki ay gumagamit ng CamelCase bilang link pattern. Ang CamelCase ay ang paggamit ng malalaking titik sa mga salita at pagtanggal ng espasyo sa pagitan ng bawat salita (ang salitang "CamelCase" ay isang halimbawa ng CamelCase). Pinadadali nga ng CamelCase ang paggawa ng mga links pero ang porma nito ay hindi sumusunod sa tanggap na pagbaybay. Makikilala ang mga CamelCase na wiki dahil sa mga links tulad ng "TableOfContents" at "BeginnerQuestions". Maraming kritiko ang CamelCase, at ang paglipat ng Wikipedia na wiki sa "libreng mga kawi"—kung saan ang mga salita an pinagigitna sa [[dobleng kuadradong braket]]—ang nagpaenganyo sa mga bumubuo ng wiki na maghanap ng ibang alternatibong solusyon. Maraming wiki engines ang gumagamit ng isang bracket, curly brackets, underscore, slashes at iba pang titik bilang link pattern. Ang mga links na mula sa isang wiki patungo sa ibang wiki ay nagagawa sa pamamagitan ng isang espesyal na link pattern na kung tawagin ay InterWiki. Ang paggawa ng bagong pahina sa isang wiki a karaniwang nagagawa lamang sa pamamagitan ng pagkawi dito. Kung ang isang kawi ay walang pinatutunguhan, ito ay tinatawag bilang "broken link" o "putol na kawi". Ang pagsunod sa kawi na putol ay magbubukas ng editor window, na kung saan mabubuo ng tagagamit ang bagong pahina. Ang mekanismong ito ay ang nagsisigurado na ang mga "orphan pages" o mga pahinang hindi dinudutungan ng ibang pahina ay bihirang mabubuo, at masisiguradong malaking pursiyento ng mga pahina ang mananatiling nakadugtong sa isa't isa. Pangkaraniwan na paniniwala sa wiki ang pagpapadali ng pag-ayos ng mga pagkakamali kumpara sa pagpapahirap na hindi makagawa ng pagkakamali. Kahit na bukas sa kahit sino man ang wiki, nagbibigay ito ng proseso kung saan masusuri ang katamaan ng mga kadadagdag na pagbabago sa nilalaman ng mga pahina. Ang pinakasikat sa mga wiki ay ang tinatawag na "Recent changes" o "Mga huling pagbabago" na pahina. Ito'y listahan ng mga pahinang kababago lamang sa loob ng ilang oras o araw. Ang ibang wiki ay may kakayahang isalang ang tala upang huwag isama ang mga pagbabagong minarka bilang "minor" o maliit na pagbabago o ginawa ng mga "automatic importing scripts" (bots). Mula sa change log ng karamihan ng mga wiki, may dalawang tungkulin na maaring gamitin: ang revision history, na kung saan makikita ang lumang bersyon ng pahina, at ang diff, kung saan ipapakita ang mga naging pagbabago sa bawat bersyon ng pahina. Maaring bukas ang lumang bersyon ng pahina at itala upang maibalik sa naunang bersyon ang pahina. Ang diff ay magagamit upang makatulong sa pagpasya kung kinakailangan ibalik ang pahina sa isang mas naunang bersyon: Ang isang regular na tagagamit ng wiki ay may kakayahang tingnan ang mga pagbabago sa pahina at, kung ang pagbabago ay hindi katanggaptanggap, ibalik ang pahina sa naunang bersyon. Ang prosesong ito ay maaring pinadali, depende sa wiki software na ginagamit. Kung hindi napansin ang isang pagbabago na hindi katanggaptanggap sa pahinang "Mga huling binago", ang ibang wiki ay nagbibigay ng kakayahan sa mga tagagamit ng karagdagang na kuntrol sa mga nilalaman ng wiki. Ang Wikipedia ang kaunaunahang wiki na nagpakilala sa "watchlists" o "mga babantayan", isang klaseng pangloob na pag-bookmark na ginagamit upang bumuo ng listahang na tulad ng recent changes ng mga partikular na pahinang ipinili ng user bantayan. Kung kinakailangan, karamihan ng wiki ay makakayahang protektahan ng mga pahina upang hindi ito mapalitan. Ang mga pahinang protektado sa Wikipedia ay maari lamang baguhin ng mga administrador, na may kakayahang din tanggalin ang proteksiyon. Ang mag proprotekta ng mga pahina ay tinuturing na labag sa konsepto at pilosopiya ng WikiWiki kung kaya ito'y iniiwasan. Pagkontrol ng mga user Habang ang karamihan ng mga wiki ay iniiwasan na gawing kailangan ang proseso ng pagrehistro, halos lahat ng wiki engine ay nagbibigay ng paraan upang bawalin ang mga tagagamit na parating lumalabag sa patakaran ng kumunidad na wiki. Ang pinakakaraniwang paraan ay ang pag-bawal sa isang tagagamit na magbago ng pahina. Ito'y nagagawa sa pamamagitan ng pagharang sa kanilang IP address. Ngunit karamihan ng mga Internet Service Provider ay nagbibigay ng panibagong IP address sa bawat log-in, kung kaya't ang paraang ng pagbawal sa IP address ay madaling malusutan. Para sa mga maliliit na wiki ang pangkaraniwang depensa laban sa mga paulit-ulit na paninira ay ang pagpabaya na sirain ang mga pahina at mabilisang ayusin ito. Itong paraan na ito ay kadalasang hindi maaring magawa sa malalaking wiki na kung saan kinakailangan ang mabilis na aksiyon. Bilang paglutas sa panahon ng mahigpit na pangangailangan, ang ibang wiki ay may kakayahang ilagay ang kanilang database sa read-only mode o gawing pagbabasa lamang, o ang mga user na naka rehistro lamang ang maaring magbago ng mga pahina. Paghahanap Nagbibigay ang karamihan sa mga wiki ng paghahanap ng titulo, kung hindi man paghahanap ng buong teksto. Depende ang pagtaas ng antas ng paghahanap sa kung gumagamit ang wiki engine ng talaan o hindi; kinakailangan ang naka-ayos na talaan sa mabilisang paghahanap ng mga malalaking wiki. Sa Wikipedia, pinapahintulot ng tinatawag na buton na "Go" o "Puntahan" ang mga tagapagbasa na diretsong tingnan ang isang pahina na tugma sa ipinasok na tekstong hinanap. Upang mahanap ang mga ilang wiki sa isang hanapan, nilikha ang MetaWiki search engine para dito. Mga wiki engines Dahil simple ang konsepto ng isang wiki, maraming wiki ang nabuo, mula sa isang napaka-simpleng "hack" na naglalaman ng mga simple at pundamental na katungkulan hanggang sa mga komplikadong sistema ng pangangasiwa ng nilalaman. Ang karamihan ng mga wiki ay malayang software, ang mga malalaking proyekto na tulad ng TWiki at ang Wikipedia na software ay binuo sa tulong ng maraming tao. Maraming mga wiki ang tinatawag din na modular at gumagamit ng mga API upang magamit ang mga programmer at developer ang tungkulin nito na hindi kinakailangan malaman ang buong codebase ng wiki. Hindi madaling masabi kung alin ang pinakatanyag ng wiki, pero ang nangunguna siguro ay ang mga wiki na payak tulad ng UseMod wiki, TWiki, MoinMoin at ang Wikipedia na software. Tingnan ang Wiki software para sa listahan ng mga wiki engines. Kasaysayan Ang wiki software ay nagmula sa design pattern sa pagsusulat ng mga pattern language. Ang Portland Pattern Repository ay ang pinakaunang wiki, na binuo ni Ward Cunningham sa taong 1995 . Si Cunningham ang nag-imbento at nagbigay ng ngalang sa konseptong wiki, at ang unang bumuo ng isang wiki engine. May mga taong nagsasabi na ang orihinal na wiki lamang ang nararapat na tawaging Wiki (malaking letrang "W") o ang WikiWikiWeb. Ang wiki ni Ward ay nananatiling isa sa mga pinakakilalang na Wiki na sayt. Sa huling taon ng ika-20 siglo, dumarami ang kumikilala sa potensiyal ng wiki bilang isang teknolohiya na magagamit sa pag-buo ng mga knowledge base (pinagkukunang kaalaman) na pribado at pang-publiko. Ang potensiyal na ito ay ang dahilan kung kaya't ang mga nagtatag ng ensiklopediyang Nupedia, Jimbo Wales at Larry Singer, na gamitin ang teknolohiyang ito upang bumuo ng isang ensiklopediyang elektroniko—Ang "Wikipedia" ay inilunsad noong Enero 2001. Ito ay binatay sa UseMod na software, at pinalitan ng sariling codebase na malayang software na ngayon ay ginagamit ng iba't ibang mga wiki. Sa kasalukuyan, ang Ingles na Wikipedia ay ang pinakamalaking wiki sa daigdig, at ang mga Wikipedia na nasa ibang wika ay ang bumubuo ng ibang bahagi nito. Ang ikalawang pinakamalaking wiki ay ang Susning.nu, isang knowledge base na nasa wiking Swedish, at gumagamit ng UseMod na software. Ang desisyon ng Wikipedia na hindi paggamit ng CamelCase ay ang bagay na tinitingnan bilang katunayan sa paglaki ng Wikipedia. Wiki mga paglibot ng bus Mayroong mga birtwal na "mga paglibot ng bus" (bus tours) na magdadala sa mga bisita sa iba't ibang wiki na websites. Ito'y magdadala sa isa sa mga pahina ng mga kalahok na wiki na tinatawag na "TourBusStop", na nagbibigay ng kawi patungo sa susunod na hintuan ng bus. Ito ay parang isang web ring. Ang bawat hintuan ng bus ay nagbibigay ng impormasyon patungkol sa wiki at maaring libutin ang wiki na iyon ("getting of the bus" o "pagbaba sa bus"), o maari din na tumungo sa susunod na wiki. Mga kumunidad na wiki Sa kasalukuyan ang pinakamalaking wiki sa wikang Ingles ay ang Wikipedia. Mga malalaking wiki WorldWideWiki: SwitchWiki - Pinakakumpletong indeks Asian Open Source Centre Bulbapedia CapitanCook - impormasyon sa pagbiyahe Cunnan - rekreasyon medibyal at ang Society for Creative Anachronism DarwinWiki - Darwinism Disinfopedia - about propaganda EvoWiki - Ebolusyon GreenCheese Green Light Wiki Grubstreet - ang Open Community Guide sa London infoAnarchy wiki - pag-aaring intelektwal, anarkismo, politika Javapedia Know-how Wiki MeatballWiki - mga kumunidad na online OpenFacts Personal Telco Permaculture Wiki This Might Be A Wiki - bandang They Might Be Giants Travelopedia WhyClublet Wikipedia - Ensiklopedya Wikiquote - Tipunan ng mga pagbanggit Wikivoyage Wikitravel Wiktionary - Diksyunaryo Ypsilanti Eyeball - sariling pinapanatiling wiki ng Ypsilanti, Michigan Tingnan din Wikipedia:Mga sayt na ginagamit ang MediaWiki, PHP Wiki, software na panlipunan, Bliki Sistemang parang wiki EditMe Everything2 Halfbakery Mp3 indir SnipSnap Extensibong talaan ng mga sistemang wiki izle Mga kawing panlabas "Tour bus stop" at MeatballWiki WikiWikiWeb (ang pinakaunang wiki) Wikinsider MeatBall:WikiCommunityList MeatBall:BiggestWiki Mga sanggunian Listahan ng mga sanggunian na nasa wikang Ingles o ibang wika (walang Tagalog). Aronsson, Lars (2002). Operation of a Large Scale, General Purpose Wiki Website: Experience from susning.nu's first nine months in service. Paper presented at the 6th International ICCC/IFIP Conference on Electronic Publishing, November 6 - 8, 2002, Karlovy Vary, Czech Republic. Available at: http://aronsson.se/wikipaper.html Benkler, Yochai (2002). Coase's penguin, or, Linux and The Nature of the Firm. The Yale Law Jounal. v.112, n.3, pp. 369–446. Cunningham, Ward and Leuf, Bo (2001): The Wiki Way. Quick Collaboration on the Web. Addison-Wesley, ISBN 0-201-71499-X. Delacroix, Jérôme (2005): Les wikis, espaces de l'intelligence collective M2 Editions, Paris, ISBN 2-9520514-4-5. Web site: http://www.leswikis.com Jansson, Kurt (2002): "Wikipedia. Die Freie Enzyklopädie." Lecture at the 19th Chaos Communications Congress (19C3), December 27, Berlin. Online description: http://de.wikipedia.org/wiki/Benutzer:Kurt_Jansson/Vortrag_auf_dem_19C3 Möller, Erik (2003). Loud and clear: How Internet media can work. Presentation at Open Cultures conference, June 5 - 6, Vienna.Available at: http://opencultures.t0.or.at/oc/participants/moeller Möller, Erik (2003). Tanz der Gehirne. Telepolis, May 9-30. Four parts: "Das Wiki-Prinzip", "Alle gegen Brockhaus", "Diderots Traumtagebuch", "Diesen Artikel bearbeiten". Summary and table of contents: http://www.heise.de/newsticker/data/fr-30.05.03-000/ Remy, Melanie (2002). Wikipedia: The Free Encyclopedia. Online Information Review. v.26, n.6, pp. 434. Internet
582
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pilipinas
Pilipinas
Ang Pilipinas, opisyal na Republika ng Pilipinas, (ingles: Republic of the Philippines) ay isang malayang estado at kapuluang bansa sa Timog-Silangang Asya na nasa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Binubuo ito ng 7,641 pulo na nahahati sa tatlong kumpol ng mga pulo: Luzon, Kabisayaan (kilala rin bilang Visayas) at Mindanao. Napapalibutan ito ng Dagat Pilipinas sa silangan, Dagat Luzon sa kanluran, at ng Dagat ng Celebes sa katimugan. Nasa katimugang bahagi ng bansa ang bansang Indonesya habang ang bansang Malaysia naman ay nasa timog-kanluran. Naroroon sa silangan ang bansang Palau at sa hilaga naman ang bansang Taiwan. Ang Pilipinas ay matatagpuan din malapit sa Ekwador at sa Singsing ng Apoy ng Pasipiko na siyang dahilan kung bakit madalas tamaan ang bansa ng mga bagyo at lindol. Ang Pilipinas ay may lawak na 300,000 kilometro kuwadrado (115,831 milya kuwadrado), at noong 2021, mayroon itong populasyon na humigit-kumulang 109 milyong katao. Ang Pilipinas ang ikawalong pinakamataong bansa sa Asya at ang ika-labintatlong pinakamataong bansa sa daigdig. Ang kabisera nito ay ang lungsod ng Maynila at ang pinakamalaking lungsod ay ang Lungsod Quezon; pawang bahagi ng Kalakhang Maynila. Noong sinaunang panahon, ang mga Negrito ang ilan sa mga unang nanirahan sa kapuluan. Sinundan sila ng pagdating ng mga Austronesyo. Naganap ang pakikipagkalakalan sa mga Intsik, Malay, Indiyano, at mga bansang Muslim. Ang pagdating ni Fernando de Magallanes noong 1521 ay ang pasimula ng pananakop ng mga Kastila. Noong 1543, pinangalanan ng isang Kastilang manggagalugad na si Ruy López de Villalobos ang kapuluan na Las Islas Filipinas (Mga Kapuluan ng Pilipinas) sa karangalan ni Felipe II ng Espanya. Sa pagdating ni Miguel López de Legazpi mula sa Lungsod ng Mehiko noong 1565, naitatag ang unang paninirahan ng mga Kastila sa kapuluan. Naging bahagi ang Pilipinas sa Imperyong Kastila nang mahigit 300 taon. Naging daan ito upang ang Katolisismo ang maging pangunahing pananampalataya. Sa gitna ng kapanahunang ito, ang Maynila ang naging sentro ng kalakalan ng kanluran sa Pasipiko na umuugnay sa Asya sa Acapulco sa Kaamerikahan gamit ang mga galyon ng Maynila. Noong 1896, sumiklab ang Himagsikang Pilipino, na nagpatatag sa sandaling pag-iral ng Unang Republika ng Pilipinas, na sinundan naman ng madugong Digmaang Pilipino-Amerikano ng panlulupig ng hukbong sandatahan ng Estados Unidos. Sa kabila ng pananakop ng mga Hapon, nanatili sa Estados Unidos ang kataas-taasang kapangyarihan sa kapuluan hanggang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan kinilala na ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Mula noon, ang Pilipinas ay nagkaroon ng magulong karanasan sa demokrasya, kung saan kabilang ang pagpapatalsik ng diktadurya sa isang di-marahas na himagsikan. Ang Pilipinas ay isang orihinal na kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa, Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan, Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya, ang Kooperasyong Pang-ekonomiya sa Asya-Pasipiko, at ang Pulong-Panguluhan ng Silangang Asya. Nandito rin ang himpilan ng Bangko sa Pagpapaunlad ng Asya. Itinuturing ang Pilipinas na isang bagong industriyalisadong bansa, kung saan mayroong ekonomiyang nagbabago mula sa isang nakabatay sa agrikultura patungo sa isang mas nakabatay naman sa mga serbisyo at pagmamanupaktura. Isa ang Pilipinas sa tanging dalawang bansa sa Timog-silangang Asya na Kristiyanismo ang pangunahing pananampalataya. Yaong isa ay ang Silangang Timor. Pangalan Sa gitna ng kaniyang paglalayag noong 1542, pinangalanan ng Kastilang manggagalugad na si Ruy López de Villalobos ang mga pulo ng Leyte at Samar bilang Felipinas ayon sa pangalan ni Haring Felipe II ng Espanya, na siyang Prinsipe ng Asturias noon. Sa huli, ang pangalang Las Islas Filipinas ang sasaklaw sa lahat ng mga pulo sa kapuluan. Bago ito naging pangkaraniwan, iba pang mga pangalan tulad ng Islas del Poniente (Mga Kapuluan ng Kanluran) at ang ipinangalan ni Fernando de Magallanes para sa mga pulo na San Lázaro ay ginamit rin ng mga Kastila upang tukuyin ang kapuluan. Sa pagdaan ng kasaysayan, ilang beses nang nagbago ang opisyal na pangalan ng Pilipinas. Sa gitna ng Himagsikang Pilipino, inihayag ng Kongreso ng Malolos ang pagtatag ng República Filipina (Republika ng Pilipinas). Mula sa panahon ng Digmaang Espanyol–Amerikano (1898) at Digmaang Pilipino–Amerikano (1899-1902) hanggang sa panahon ng Komonwelt (1935-1946), tinawag ng mga Amerikano ang bansa bilang Philippine Islands, na salin sa Ingles mula sa Kastila. Mula sa Kasunduan sa Paris, nagsimulang lumutang ang pangalan na "Pilipinas" at mula noon ito na ang naging kadalasang ngalan ng bansa. Mula sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang opisyal na pangalan ng bansa ay "Republika ng Pilipinas". Kasaysayan Sinaunang Panahon Ang kamakailang pagtuklas sa mga kasangkapang bato at buto ng mga labi ng kinatay na hayop sa Rizal, Kalinga ay patunay na may mga sinaunang hominini sa bansa 709,000 taon na ang nakararaan. Samantala, ayon sa mga naitalang labi ng tao sa bansa, maaaring dinayo na ng mga tao ang Pilipinas ilang libong taon na ang nakalipas. Inaakala na ang labi ng Taong Callao na natuklasan sa Yungib ng Callao sa Cagayan ay ang pinakamatandang labi ng tao sa Pilipinas na may tanda na 67,000 taon. Mas higit pang matanda sa naunang natuklasang labi ng Taong Tabon sa Palawan na tinatayang 26,500 taon na ang nakalipas. Tumawid sa mga sinaunang tulay na lupa ang mga Negrito o Ita, na siyang tinatayang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas. Sa kalaunan, dumayo sila sa kagubatan ng mga pulo. Sa kasalukuyan, nang sumapit ang ikalawang libong taon, nanirahan din sa Pilipinas ang iba pang mga mandarayuhan mula sa tangway ng Malay, kapuluan ng Indonesia, mga taga-Indotsina at Taiwan. Mayroon nang mga mangilan-ngilang teorya patungkol sa pinagmulan ng mga sinaunang Pilipino. Isa na ang teorya ni F. Landa Jocano na nagsasabing ang mga ninuno ng mga Pilipino ay lokal na umusbong. Ang teoryang "Pinagmulang Kapuluan" naman ni Wilhelm Solheim, ipinahihiwatig na ang pagdating ng mga tao sa kapuluan ay naganap sa pamamagitan ng mga network pangkalakalan na nagmula sa Sundaland sa pagitan ng 48,000 hanggang 5,000 BK at hindi sa pamamagitan ng malawak na pandarayuhan. Samantala, ipinapaliwanag ng teoryang "Paglawak ng mga Austronesyo" na ang mga Malayo-Polinesyong nagmula sa Taiwan ay nagsimulang lumipat sa Pilipinas noong 4,000 BK, taliwas sa mga naunang pagdating. Ang pinakatinatanggap na teorya, batay sa lingguwistika at arkeolohikong katibayan, ay ang teoryang "Mula sa Taiwan", kung saan ipinapalagay na ang mga Austronesyo mula Taiwan, na sila mismo ay nagmula sa mga neolitikong kabihasnan ng Ilog Yangtze tulad ng kalinangang Liangzhu, ay lumipat sa Pilipinas noong 4,000 BK. Sa gitna ng Panahong Neolitiko, isang "kalinangan ng batong-luntian" ang sinasabing umiral na pinatunayan ng libu-libong magagandang gawang artipakto ng batong-luntian na nasumpungan sa Pilipinas na tinatayang noong 2,000 BK pa. Ang batong-luntian ay sinasabing nagmula sa kalapit na Taiwan at nasumpungan rin sa iba't ibang pook sa kapuluan at pangunahing kalupaan ng Timog-silangang Asya. Ang mga artipaktong ito ang sinasabing patunay ng malawak na pakikipag-ugnayan ng mga lipunan ng Timog-silangang Asya sa isa’t isa noong sinaunang panahon. Magmula noong 1,000 BK, ang mga naninirahan sa kapuluan ay binubuo ng apat na uri ng pangkat panlipunan: mga lipi ng mangangaso at mangangalakal, lipunan ng mga mandirigma, mga plutokrasi sa kabundukan, at mga port principality. Bago dumating ang mga mananakop Nanirahan sa bansa noong ikawalong dantaon ang mga mangangalakal na Tsino. Ang paglaganap ng mga bansang (kaharian) Budismo sa bahagi ng Asya ang nagpasimuno ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Indonesia, India, Hapon, at Timog-Silangang Asya. Subalit, humina ang mga kaharian sa Timog-Silangang Asya dahil sa mahigpit na alitan at hindi pagkakasundo. Samantala, ang paglaganap ng Islam sa pamamaraan ng panangalakal at proselitismo, tulad ng Kristiyanismo, ang nagdala sa mga mangangalakal at tagakalat ng pananampalataya sa kabahagian; ang mga Arabe ay dumating sa Mindanao noong ika-14 na dantaon. Sa pagdating ng mga unang Europeo, sa pangunguna ni Fernando Magallanes noong 1521, mayroon nang mga raha hanggang sa hilaga ng Maynila, na naging mga karugtungang-sangay ng mga kaharian ng Timog-Silangang Asya. Subalit, pawang mga nagsasarili ang mga pulo ng Pilipinas noon. Ang kasalukuyang paghihiwalay sa pagitan ng sinauna at maagang kasaysayan ng Pilipinas ay ang araw na 21 Abril, taong 900, na siyang katumbas sa Kalendaryong Gregoryano ng araw na nakalagay sa Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna, na siyang pinakamatandang kasulatan na nagmula sa Pilipinas. Ang araw na ito ay sumapit sa gitna ng kung anong tinatawag ng mga antropolohista bilang ang "yugto ng pag-usbong" ng Pilipinas (una hanggang ika-14 na dantaon), na inilalarawan bilang ang bagong pag-usbong ng sosyo-kalinangang huwaran, simula ng pag-unlad ng mga malalaking pamayanan sa baybayin, mas higit na pagsasapin-sapin at pagdadalubhasa sa lipunan, at mga pagsisimula ng lokal at pandaigdigang kalakalan. Magmula ika-14 na dantaon, ilan sa mga malalaking pamayanan ay naging maunlad na sentrong pangkalakalan, at naging kalagitnaang punto ng mga pagbabago sa lipunan at paraan ng pamumuhay, kung saan inilarawan ng kung anong tinatawag ni F. Landa Jocano na "yugto ng mga Barangay" ng maagang kasaysayan ng Pilipinas, na nagsimula sa ika-14 na dantaon hanggang sa pagdating ng mga Kastila at ang pagsisimula ng panahong kolonyal ng Pilipinas. Batay rin sa kasulatan, ang sinaunang Tondo ay umiral noong bago mag-900 at nakasaad rin na ang Tondo noon ay may ugnayan sa Kaharian ng Medang sa kapuluan ng Java sa Indonesia. Bagaman ang katayuan ng ugnayan ng dalawa ay hindi malinaw sa kasulatan, patunay ito na noong ika-10 dantaon pa lamang ay may koneksyon na ang mga kabihasnan sa Luzon at Java. Sa pagdating ng mga Europeo noong ika-16 na dantaon, ang Tondo ay pinamumunuan ng tinatawag na "Lakan". Umusbong ito bilang pangunahing sentro ng kalakalan na may bahagi ng monopolyo sa Karahanan ng Maynila sa mga produktong kalakal ng Dinastiyang Ming sa buong kapuluan. Ang susunod na makasaysayang tala ay tumutukoy sa isang pook sa Pilipinas ng Vol. 186 ng opisyal na kasaysayan ng Dinastiyang Song kung saan isinasalarawan ang "bansa" ng Ma-i. Taun-taon binibisita ng mga Tsinong mangangalakal ang Ma-i at nagsasalarawan ang kanilang mga tala tungkol sa heograpiya, mga produktong kalakal, at ang pag-uugali ng mga namuno sa Ma-i. Isinaad ng mga Tsinong mangangalakal na ang mga mamamayan ng Ma-i ay tapat at mapagkakatiwalaan. Dahil sa hindi malinaw na mga pagsasalarawan ng mga tala tungkol sa kinaroroonan ng Ma-i, pinagdedebatihan pa rin kung saan ito umiral, may mga iskolar na inaakalang nasa Bay, Laguna ito, habang ang iba naman ay nag-aakalang nasa pulo ng Mindoro ito. Sumunod na itinukoy ng opisyal na kasaysayan ng Dinastiyang Song ang Karahanan ng Butuan, isang maunlad na kabihasnan sa hilaga't-silangang Mindanao, kung saan ito ang unang naitalang bansa mula sa kapuluan ng Pilipinas na nagpadala ng sugo sa Tsina noong 17 Marso 1001. Nakamit ng Butuan ang katanyagan nito sa ilalim ng pamumuno ni Raha Sri Bata Shaja, na isang Budistang namumuno sa isang bansang Hindu. Naging makapangyarihan ang estadong ito dahil sa lokal na industriya ng panday-ginto at nagkaroon ito ng ugnayan at tunggaliang diplomatiko sa kaharian ng Champa. Ayon sa alamat, itinatag naman ang Kadatuan ng Madyaas kasunod ng isang digmaang sibil sa pabagsak na Srivijaya, kung saan ang mga tapat na datung Malay sa Srivijaya ay nilabanan ang pananakop ng Dinastiyang Chola at ang papet na Raha nitong si Makatunao, at nagtatag ng isang estadong gerilya sa Kabisayaan. Ang datu na nagtatag sa Madyaas na si Puti, ay bumili ng lupa para sa kaniyang kaharian mula sa isang katutubong Ati na si Marikudo. Itinatag ang Madyaas sa Panay (ipinangalan mula sa estado ng Pannai na kaalyado ng Srivijaya na nasa Sumatra). Pagkatapos, madalas na nilulusob ng mga taga-Madyaas ang mga daungang panlungsod sa katimugang Tsina at nakipaggulo sa hukbong pandagat ng Tsina. Kalapit ng Madyaas sa Kabisayaan ang Kaharian ng Cebu na pinamunuan ni Rahamuda Sri Lumay, isang maharlika na may liping Tamil mula sa India. Ipinadala si Sri Lumay ng Chola Maharajah upang sakupin ang Madyaas, subalit sumuway siya at bumuo na lamang ng sarili niyang malayang karahanan. Pawang magkaalyado ang Karahanan ng Butuan at Cebu at napanatili nila ang ugnayan at nagkaroon ng rutang pangkalakalan sa Kutai, isang bansang Hindu sa katimugang Borneo na itinatag ng mga Indiyanong mangangalakal. Ang pinakamatandang petsa na nagbanggit tungkol sa Kaharian ng Maynila sa Luzon sa kabila ng Ilog Pasig mula Tondo ay may kinalaman sa tagumpay ni Raha Ahmad ng Brunei laban kay Raha Avirjirkaya ng Majapahit, na namuno sa parehong lokasyon bago ang paninirahan ng mga Muslim. Nabanggit rin sa mga tala ng Tsino ang isang bansa na tinatawag na "Luzon". Pinaniniwalaang may kinalaman ito sa sinaunang Maynila dahil inihayag sa mga tala ng Portuges at Kastila noong mga 1520 na ang Luçon at "Maynila" ay iisa lamang. Bagaman sinasabi ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan na dahil wala sa mga nakasaksi na ito ang talagang nakabisita sa Maynila, maaaring tinutukoy lamang ng Luçon ang lahat ng mga bayan ng mga Tagalog at Kapampangan na umusbong sa mga baybayin ng look ng Maynila. Gayun man, mula 1500 hanggang mga 1560, itong mga naglalayag na mga taga-Luzon ay tinatawag sa Portuges Malaka na Luções o "Lusong/Lusung", at nakilahok rin sila sa mga kilusang pang-militar sa Burma (Dinastiyang Toungoo), Kasultanan ng Malaka, at Silangang Timor bilang mga mangangalakal at mersenaryo. Ang isang prominenteng Luções ay si Regimo de Raja, na isang magnate sa mga pampalasa at isang Temenggung (sulat Jawi: تمڠݢوڠ) o gobernador at pulis-punong heneral sa Portuges Malaka. Siya rin ang pinuno ng isang hukbong dagat kung saan nangalakal at pinrotektahan ang komersyo sa pagitan ng kipot ng Malaka, dagat Luzon, at mga sinaunang kaharian at bayan sa Pilipinas. Sa hilagang Luzon, ang Kaboloan (na ngayo'y nasa Pangasinan) ay nagpadala ng mga emisaryo sa Tsina noong 1406-1411, at nakipagkalakal rin ito sa Hapon. Sa ika-14 na dantaon dumating at nagsimulang lumaganap ang pananampalatayang Islam sa Pilipinas. Noong 1380, sina Karim ul' Makdum at Shari'ful Hashem Syed Abu Bakr, isang Arabong mangangalakal na isinilang sa Johor, dumating sa Sulu mula Melaka at itinatag ang Kasultanan ng Sulu sa pagkumberto sa Raha ng Sulu na si Raha Baguinda Ali at pinakasalan ang kaniyang anak. Sa katapusan ng ika-15 dantaon, pinalaganap ni Shariff Kabungsuwan ng Johor ang Islam sa Mindanao at itinatag naman ang Kasultanan ng Maguindanao. Ang kasultanang uri ng pamahalaan ay lumawak pa patungong Lanao. Patuloy na lumaganap ang Islam sa Mindanao at umabot sa Luzon. Naging Islamisado ang Maynila sa gitna ng paghahari ni Sultan Bolkiah mula 1485 hanggang 1521. Naisakatuparan ito dahil nilabanan ng Kasultanan ng Brunei ang Tondo sa paggapi kay Raha Gambang sa labanan at matapos ay iniluklok ang Muslim na Raha Salalila sa trono at sa pagtatag ng estadong-papet ng Brunei na ang Kaharian ng Maynila. Pinakasalan din ni Sultan Bolkiah si Laila Mecana, ang anak ng Sultan ng Sulu na si Amir Ul-Umbra upang palawakin ang sakop ng Brunei sa Luzon at Mindanao. Nagpatuloy ang mga Muslim sa pakikipagdigma at nagsagawa ng mga slave-raid laban sa mga Bisaya. Bunga ng pakikilahok sa mga pagsalakay ng mga Muslim, nilipol ng Kasultanan ng Ternate ang Kadatuan ng Dapitan sa Bohol. Nadali rin ang mga karahanan ng Butuan at Cebu ng mga isinagawang slave-raid at nakipagdigma laban sa Kasultanan ng Maguindanao. Kasabay ng mga slave-raid na ito, ay ang panghihimagsik ni Datu Lapu-Lapu ng Mactan laban kay Raha Humabon ng Cebu. Mayroon ding alitan sa teritoryo sa pagitan ng Tondo at ang Islamikong Kaharian ng Maynila, kung saan ang pinuno ng Maynila, na si Raha Matanda, ay humiling ng tulong pang-militar laban sa Tondo mula sa kaniyang mga kamag-anak sa Kasultanan ng Brunei. Ang mga tunggalian sa pagitan ng mga Datu, Raha, Sultan, at Lakan ang nagpadali sa pananakop ng mga Kastila. Ang mga kapuluan ay kakaunti lamang ang bilang ng mga naninirahang tao dahil sa patuloy na mga nagdaraang unos at pagkakaalitan ng mga kaharian. Samakatuwid, naging madali ang kolonisasyon at ang mga maliliit na estado sa kapuluan ay dagliang nasakop ng Imperyong Kastila at nagsimula ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Panahon ng mga Kastila Sinakop at inangkin ng mga Kastila, sa pamumuno ni Miguel López de Legazpi, ang mga pulo noong ika-16 na dantaon at pinangalanan itong "Las Islas Filipinas" ayon sa ngalan ni Haring Felipe II. Kaagad na ipinakilala at ipinalaganap ang Katolisismo sa pamamagitan ng mga tagakalat ng pananampalataya, at pati na rin ang mga Batas ng Indias (Laws of the Indies) at iba pang alituntuning pampatupad. Matigas na pagsuway ang itinugon ng mga pangkat katutubo sa kabundukan pati na rin ng mga mapanlabang Muslim na nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Kabi-kabilang mga himagsikan at karahasan ang lumaganap sa mga baybayin sa kabuuan ng tatlong dantaong pananakop, bunga na rin ng pagsasamantala at kakulangan ng pagbabago. Pinamahalaan mula sa Bireynato ng Nueva España (Bagong Espanya sa ngayon ay Mehiko) ang bagong nasasakupan at nagsimula ang kalakalan sa Galyon ng Maynila sa pagitan ng Acapulco at Maynila noong ika-18 dantaon. Itinatag ng punong panlalawigan José Basco y Vargas noong 1781 ang Sociedad Económica de los Amigos del País (Samahang Pangkalakalan ng mga Kaibigan ng Bayan) at ginawang hiwalay ang bansa mula sa Bagong Espanya. Nagbukas ang pakikipagkalakalan ng bansa sa daigdig noong ika-19 na dantaon. Ang pag-angat ng mga masigasig at makabayang burges, binubuo ng mga nakapag-aral na mga katutubong Pilipino, mga Kastila at creole na ipinanganak sa Pilipinas, mga mestisong Espanyol at Tsino, silang mga ilustrado ang nagpahiwatig ng pagtatapos ng pananakop ng Kastila sa kapuluan. Naliwanagan sa Kilusang Propaganda na nagsiwalat sa kawalang-katarungan ng pamahalaang kolonyal, sama-sama silang sumigaw para sa kalayaan. Dinakip, nilitis, binigyang-sala, hinatulan ng kamatayan at binaril si José Rizal, ang pinakasikat na propagandista, noong 1896 sa Bagumbayan (Luneta ngayon) dahil sa mga gawaing umano ng pagpapabagsak ng pamahalaan. Naglaon at pumutok ang Himagsikang Pilipino na pinangunahan ng Katipunan, isang lihim panghimagsikang lipunan na itinatag ni Andrés Bonifacio at napamunuan din ni Emilio Aguinaldo. Halos tagumpay na napatalsik ng himagsikan ang mga Kastila noong 1898. Panahon ng mga Amerikano at ang Pananakop ng mga Hapon Noong taon ding iyon, magkadawit ang Espanya at Estados Unidos sa Digmaang Kastila-Amerikano. Natalo ang Espanya at ipinasiya nilang ipasa ang kanilang mga nasasakupan na ang Pilipinas, Guam, Kuba, at Puerto Rico sa Estados Unidos. Binayaran naman ng Estados Unidos ang Espanya ng 20 milyong dolyar para sa mga ito, gayong nakapag-pahayag na ng kalayaan ang Pilipinas at itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas at si Emilio Aguinaldo ang hinirang na pangulo, ngunit hindi ito kinilala noong dalawang bansa. Ang pagtanggi ng mga Pilipino sa panibagong pananakop, ngayon ng mga Amerikano, ang nagtulak sa Digmaang Pilipino-Amerikano na natapos umano noong 1901 ngunit nagpatuloy hanggang 1913. Ang planong pagkalooban ng kalayaan ang bansa ay naudlot nang magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinakop ng Imperyong Hapon ang bansa at itinatag ang Ikalawang Republika ng Pilipinas. Maraming mga krimen ng digmaan ang ginawa ng mga Hapones sa panahon ng kanilang pananakop. Ang mga gerilya ay nagpatuloy sa kanilang pang-haharas sa mga Hapones. Bumalik sa bansa ang mga Amerikano noong Oktubre 1944. Tuluyang natalo ang mga Hapones noong 1945. Halos isang milyong Pilipino ang namatay sa digmaan. Naging isa sa mga unang naging kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa ang Pilipinas. Noong 4 Hulyo 1946 ay ipinagkaloob ng Amerika ang kalayaan ng Pilipinas. Panahon ng Ikatlong Republika at Rehimeng Marcos Noong 11 Oktubre 1945, naging isa ang Pilipinas sa mga unang kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa at sa sumunod na taon, sa 4 Hulyo 1946, kinilala ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Pilipinas, sa gitna ng pagkapangulo ni Manuel Roxas. Ang mga natitirang kasapi ng komunistang Hukbalahap ay nagpatuloy ang presensya sa bansa ngunit nasupil ito ng sumunod kay Pangulong Elpidio Quirino na si Ramon Magsaysay. Ang sumunod kay Magsaysay na si Carlos P. García, ay nilikha naman ang patakarang "Pilipino Muna" na itinuloy ni Diosdado Macapagal. Sa panunungkulan ni Macapagal, inilipat ang araw ng kalayaan mula sa Hulyo 4 at ginawang Hunyo 12, na siyang araw na inihayag ni Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya. Habang pinaigting naman ang pagbawi sa Sabah. Noong 1965, natalo si Macapagal sa pampanguluhang halalan kay Ferdinand Marcos. Sa kaniyang pagkapangulo, pinasimulan ni Marcos ang proyektong pang-imprastraktura ngunit napagbintangan naman ng malawakang katiwalian at lumustay ng bilyun-bilyong dolyar sa pampublikong pondo. Noong malapit na matapos ang termino ni Marcos ay nagpahayag siya ng batas militar noong 21 Setyembre 1972. Ang panahong ito ng kaniyang pamumuno ay inilalarawan bilang panunupil sa pulitika, pangtatakip, at paglabag sa karapatang pantao ngunit ang Estados Unidos ay matatag pa rin ang kanilang pagsuporta. Noong 21 Agosto 1983, ang kalaban ni Marcos at pinuno ng oposisyon na si Benigno Aquino, Jr., ay pinaslang sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila. Sa huli, nagpatawag si Marcos ng dagliang halalan sa 1986. Si Marcos ang inihayag na nanalo, ngunit ang mga resulta ay itinuring na may daya, na humantong sa Himagsikan ng Lakas ng Bayan. Si Marcos at ang kaniyang mga kaalyado ay lumipad patungong Hawaii, at ang maybahay ni Benigno Aquino na si Corazon Aquino ay kinilala naman bilang pangulo. Panahon ng Ikalimang Republika (1986 – kasalukuyan) Sa pagbabalik ng demokrasya at reporma sa pamahalaan, hinarap ng administrasyong Cory Aquino ang problema sa malaking utang, korapsyon, mga kudeta, mga sakuna at mga komunista. Umalis ang mga amerikano sa Clark Air Base at Subic Bay noong Nobyembre taong 1991. Politika Pambansang Pamahalaan ng Pilipinas Ang pamahalaan ng Pilipinas, na hinalintulad sa sistema ng Estados Unidos, ay natatag bilang Republika ng mga Kinatawan. Ang kanyang Pangulo ay may tungkulin bilang pinuno ng estado at pati ng pamahalaan. Siya rin ang punong kumandante ng Hukbong Sandatahan. Naluluklok ang Pangulo sa posisyon sa pamamagitan ng isang pangkalahatang halalan at manunungkulan siya sa loob ng anim na taon. Siya ang may katungkulang maghirang ng mga kasapi at mamuno sa gabinete. Ang Batasan ng Pilipinas ay nahahati sa dalawang Kapulungan, ang Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang mga kasapi ng dalawang kamarang Kongreso, na binubuo ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ay hinahalal sa botong popular. Binubuo ang Mataas na Kapulungan o Senado ng 24 na senador na naninilbihan sa loob ng 6 na taon. Tuwing 3 taon, kalahati ng mga kasapi nito ay napapalitan sa pamamagitan ng pangkalahatang halalan at maaaring manungkulan ang isang senador nang hanggang 3 sunud-sunod na termino. Samantala, ang Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan naman ay inihahalal ng mga botante ng isang distrito o sektor at may terminong 3 taon. Maaari ring manilbihan ang isang Kinatawan ng hanggang 3 sunud-sunod na termino. Binubuo ang Mababang Kapulungan ng hindi bababà sa 225 kinatawan. Ang sangay panghukuman ng pamahalaan ay pinamumunuan ng Kataas-taasang Hukuman, ang Punong Mahistrado ang namumuno nito at may 14 na Kasamang Mahistrado, lahat hinihirang ng Pangulo at manunungkulan hanggang sa panahon ng kaniyang pagreretiro. Ang Pangulo, Pangalawang Pangulo at Punong Mahistrado ng Pilipinas ay mapatatalsik lamang sa kaniyang posisyon sa pamamagitan ng isang prosesong pampolitika na kung tawagin ay pagsasakdal, katulad ng nangyari sa dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada dahil sa pagkakasangkot sa Jueteng Scandal na nabunyag noong 2001. Napatalsik din sa puwesto ang dating Punong Mahistrado na si Renato Corona dahil sa pagiging tuta niya kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Nagtagumpay ang pagsakdal noon sapagkat kusang umalis sa Malakanyang si Estrada at ang pumalit ay ang Pangalawang Pangulo nitong si Gloria Macapal ang fice Ugnayan sa Ibang Bansa Ang Pilipinas ay isang prominenteng kasapi at isa sa tagapagtaguyod ng Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya. Ito rin ay isang aktibong tagalahok sa Kooperasyong Pang-ekonomiya sa Asya-Pasipiko, isang kasapi ng Pangkat ng 24 at isa sa 51 mga bansang nagtatag sa Mga Nagkakaisang Bansa noong 24 Oktubre 1945. Pinapahalagahan ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Estados Unidos. Sinuportahan ng Pilipinas ang Amerika sa Digmaang Malamig at ang Digmaang Pangterorismo at isang pangunahing kaalyado na hindi kasapi ng Organisasyon ng Tratado ng Hilagang Atlantiko. Ang mga ugnayan sa iba pang mga bansa ay maayos sa pangkalahatan. Ang ibinahaging pagpapahalaga sa demokrasya ay nagpapagaan sa ugnayan sa mga bansa sa kanluran at Europa. Habang ang parehong pang-ekonomiyang aalahanin ay nakatutulong sa pakikipagugnayan sa ibang mga bansang papaunlad pa lamang. Ang makasaysayang ugnayan at pagkakahalintulad sa kalinangan ay nagsisilbi rin bilang tulay sa pakikipagugnayan sa Espanya. Sa kabila ng mga isyu tulad ng pagmamalabis at mga digmaang nakadudulot sa mga Pilipinong nasa ibayong-dagat, ang ugnayan sa mga bansa sa Gitnang Silangan ay mabuti, na nakikita ito sa patuloy na pagbibigay hanapbuhay sa mahigit dalawang milyong Pilipinong naninirahan doon. Ang Pilipinas ay kasalukuyang nasa isang pagtatalo sa mga bansang Taiwan, Tsina, Vietnam at Malaysia patungkol sa kung sino ang tunay na may-ari ng Kapuluang Spratly na masagana ng langis at likas na petrolyo. Ito rin ay may 'di pagkakaunawaan sa bansang Malaysia sa usaping Sabah. Sinasabing ibinigay ng Sultan ng Brunei ang teritoryo ng Sabah sa Sultan ng Sulu pagkatapos nitong tumulong sa pagkawasak ng isang rebelyon doon. Iyon ang nagbigay karapatan at poder sa pamahalaan ng Pilipinas na angkinin muli ang kanyang nawalang lupain. Hanggang ngayon, tumatanggap ang Sultan ng Sulu ng pera para sa "upa" sa lupa mula sa pamahalaan ng Malaysia. Silipin din: Ugnayang Panlabas ng Pilipinas Saligang Batas ng Pilipinas Mga rehiyon at lalawigan Ang Pilipinas ay nababahagi sa mga pangkat ng pamahalaang pangpook (local government units o LGU). Ang mga lalawigan ang pangunahin na pangkat. Hanggang 2002, mayroong 85 na lalawigan sa bansa. Ang mga ito ay nababahagi pa sa mga lungsod at bayan, na binubuo ng mga barangay. Ang barangay ang pinakamaliit na pangkat pampook ng pamahalaan. Ang lahat ng mga lalawigan ay nalulupon sa 23 mga rehiyon para sa kadaliang pamumuno. Karamihan sa mga sangay ng pamahalaan ay nagtatayo ng tanggapan sa mga bahagi para magsilbi sa mga lalawigang saklaw nito. Subalit, ang mga bahagi sa Pilipinas ay walang bukod na pamahalaang pampook, maliban sa Bangsamoro at Kordilyera, na mga nagsasariling rehiyon. Tumungo sa mga lathala ng mga rehiyon at mga lalawigan upang makita ang mas malaking larawan ng mga kinalalagyan ng mga bahagi at lalawigan. Mga Rehiyon at isla Heograpiya Tingnan din: Mga Ekorehiyon sa Pilipinas Ang Pilipinas ay isang kapuluan ng 7,641 mga pulo na ang kabuoan ng sukat ng lupa, kasama ang mga nakapaloob na bahagi ng tubig, ay tinatayang nasa . Ang baybayin nito na ang sukat ay ang dahilan kung bakit ika-5 bansa ang Pilipinas sa pinakamalawak ang baybayin sa buong daigdig. Nasa pagitan ito ng 116° 40', at 126° 34' E. longhitud at 4° 40' at 21° 10' N. latitud at humahangga sa Dagat Pilipinas sa silangan, sa Dagat Timog Tsina sa kanluran, at sa Dagat Sulawesi sa Timog (kasalukuyang Dagat Celebes). Ang pulo ng Borneo ay matatagpuan ilang daang kilometro sa timog kanluran at ang Taiwan ay nasa hilaga. Karamihan sa mga bulubunduking kapuluan ay nababalot ng mga kagubatang tropikal at mga nagmula sa mga pagsabog ng bulkan. Ang pinakamataas na bundok ay ang Bundok Apo. Ang sukat nito ay 2,954 metro (9,692 talampakan) mula sa kapatagan ng dagat. Nasa pulo ng Mindanao ang Bundok Apo. Ang pampook na pangmatagalang panahon ay mainit, maalinsangan, at tropikal. Ang kalimitang taunang temperatura ay nasa 26.5° sentigrado. May tatlong panahon sa Pilipinas na pangkalahatang kinikilala ng mga Pilipino. Ito ay ang Tag-init o Tag-araw (mainit na panahon mula ika-3 buwan hanggang ika-5 buwan), ang Tag-ulan (maulan na panahon mula ika-6 buwan hanggang ika-11 buwan), at ang Taglamig (malamig na panahon mula ika-12 buwan hanggang ika-2 buwan). Karamihan sa mga pulong mabundok ay dating natatakpan ng tropikal na kagubatan at itong mga pulong ito ay nagmula sa bulkan. Ang pinakamataas na tuktok ay ang sa Bundok Apo sa Mindanao na 2,954 m ang taas. Maraming bulkan ang madalas na sumasabog sa bansa tulad ng Bulkang Pinatubo at Bulkang Mayon. Ang bansa rin ay nasa tinatawag na "typhoon belt" ng Kanlurang Pasipiko at ito ay tinatamaan ng mga 19 na bagyo taon-taon. Ang Pilipinas ay napapaloob din sa tinatawag na Singsing ng Apoy ng Pasipiko na isa sa pinakaaktibong fault areas sa buong daigdig. Arimuhunan Ang Pilipinas ay isang umuunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang lebel ng sahod sa Pilipinas ay mababang gitnang sahod (lower middle income). Ang GDP kada tao ayon sa Purchasing power parity (PPP) sa Pilipinas noong 2013 ay $3,383 na ika-130 sa buong mundo at mas mababa sa ibang mga bansa sa Timog Silangang Asya gaya ng Brunei, Singapore, Malaysia, Thailand at Indonesia . Ang GDP kada tao ayon sa PPP ay naghahambing ng mga pangkalahatang pagkakaiba sa pamantayan ng pamumuhay sa kabuuan sa pagitan ng mga bansa dahil isinasaalang alang nito ang relatibong gastos ng pamumuhay at mga rate ng implasyon ng mga bansa. Ang Pilipinas ay ika-138 sa buong mundo sa indeks ng pagiging madaling magnegosyo o mahirap magnegosyo sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay ika-105 sa Corruption Perceptions Index sa mga 176 bansa sa buong mundo o may napakataas na antas ng korupsiyon. Ang kahirapan at hindi pantay na sahod sa pagitan ng mayaman at mahirap ay nananatiling mataas sa Pilipinas. Ang mga kamakailang paglago sa ekonomiya ng Pilipinas ay nangyayari lamang sa mga sektor ng serbisyo gaya ng industriyang pagluluwas ng semikondaktor, telekomunikasyon, BPO, real estate na sinusuportahan ng mga remitans o ipinadalang salapi ng mga OFW sa kanilang pamilya sa Pilipinas na may maliliit na negosyo. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit mayroong hindi sapat na kalidad na trabaho at ang kahirapan at pagiging hindi pantay ng sahod ay hindi napabuti. Ang sektor na lilikha ng mas maraming trabaho gaya ng agrikultura, pagmamanupaktura at industriya ay matamlay. Iniulat ng World Bank na ang Pilipinas ay isa sa pinakamayamang ekonomiya sa Asya noong mga 1950 pagkatapos ng Hapon ngunit naging isa sa pinakamahirap na bansa sa Asya ngayon. Ito ay itinuturo ng mga ekonomista sa mga taon ng maling pangangasiwa sa ekonomiya at pababago-bagong kondisyon sa politika noong rehimen ni Ferdinand Marcos mula 1965 hanggang 1986 na nag-ambag sa bumagal na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Ayon sa ilang sanggunian, ang taunang GDP ng Pilipinas mula 1976 hanggang 1986 sa ilalim ni Marcos ay 1.8% lamang. Sa ilalim ni Marcos, ang kapitalismong kroni at monopolyo ay itinatag kung saan ang kanyang mga kroni ay malaking nakinabang. Sa ilalim ni Marcos, ang Pilipinas ay mabigat na umutang sa dayuhan na umabot ng 28 bilyong dolyar mula kaunti sa 2 bilyong dolyar nang maluklok siya sa puwesto noong 1965. Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagbabayad pa rin ng interes sa mga utang pandayuhan ng bansa na natamo noong panahon ng administrasyong Marcos hanggang sa 2025. Ang Pilipinas ang ika-43 pinakamalaki sa buong daigdig ang pambansang ekonomiya ng Pilipinas, na may tinatayang $224.754 bilyon GDP (nominal) noong 2011. Kinabibilangan ng mga kalakal na iniluluwas ang mga semiconductors at mga kalakal na eletroniko, mga kagamitang pang-transportasyon, damit, mga produkto mula sa tanso, produktong petrolyo, langis ng niyog, at mga prutas. Pangunahing kinakalakal ito sa mga bansang Estados Unidos, Japon, China, Singapur, Timog Korea, Netherlands, Hong Kong, Alemania, Taiwan, at Tailandia. Bilang isang bagong bansang industriyalisado, nagpapalit na ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa pagiging isang bansang nakabatay sa agrikultura patungo sa ekonomiyang nakabatay ng higit sa mga paglilingkod at paggawa. Sa kabuoang bilang ng mga manggagawa sa bansa na nasa 38.1 milyon, 32% nito ay naghahanapbuhay sa sektor ng agrikultura subalit 13.8% lamang nito ang naiaambag sa GDP. ang sektor ng industriya na nasa 13.7% ng dami ng manggawa ay nakakapag-ambag ng 30% sa GDP. Samantala ang natitirang 46.5% ng mga manggawa ay nasa sektor ng paglilingkod na bumubuo sa 56.2% ng GDP. Noong 1998 ang ekonomiya ng Pilipinas — pinaghalong agrikultura, marahan na industriya, at mga serbisyong pansustento — ay nanghina dulot ng krisis pinansiyal sa Asya at ng mahinang kondisyon ng lagay ng panahon. Ang pag-angat ay bumaba sa 0.6% noong 1998 mula 5% noong 1997, pero nakabawi hanggang sa 3% noong 1999 at 4% noong 2000. Nangako ang pamahalaan na ipagpapatuloy ang mga reporma sa ekonomiya para makahabol ang bansa sa mga bagong nagsisipag-unlaran at industriyalisadong mga bansa sa Silangang Asia. Ang nagpapabagal sa pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang ekonomiya ng bansa ay ang mismong utang nito (utang pampubliko na 77% ng GDP). Ang hinihinging badyet para sa pagbabayad ng utang ay higit na mas mataas pa sa badyet ng pinagsamang Kagawaran ng Edukasyon at Militar. Ang estratehiyang pinaiiral ng pamahalaan ay ang pagpapabuti sa impraestruktura, ang paglilinis sa sistemang tax o buwis upang paigtingin ang kita ng pamahalaan, ang deregulasyon at pagsasapribado ng ekonomiya, at ang karagdagang pagkalakal sa rehiyon o mas integrasyon. Ang pagasa ng ekonomiya sa ngayon ay nakasalalay sa kaganapang pang-ekonomiya ng kanyang dalawang pangunahing sosyo sa kalakal, ang Estados Unidos at Hapon, at sa isang mas mabisang administrasyon at mas matibay na patakaran ng pamahalaan. Sa ilalim ng pamumunò ni Noynoy Aquino, ang rate ng paglago ng GDP ng Pilipinas noong 2012 ay 6.6 porsiyento na sinasabing ikalawang pinakamataas sa Asya. Ang Fitch Ratings ay nagtaas ng Pilipinas sa "BBB-" with a stable outlook na unang pagkakataong ang Pilipinas ay nakatanggap ng gayong katayuan ng grado ng pamumuhunan sa Pilipinas. Itinaas din ng World Economic Forum ang Pilipinas sa 10 punto sa itaas na kalahati ng ranggong pagiging kompetetibo nitong pandaigdigan sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga pagbuti sa ekonomiya ay sinasabing sanhi ng mga hakbang na isinasagawa ni Noynoy upang pataasin ang pagiging bukas ng pamahalaan at sugpuin ang korapsyon na muling nagbigay ng pagtitiwalang internasyonal sa ekonomiya ng Pilipinas. Gayunpaman, sinasabing ang mga mayayamang pamilya lamang ang nakinabang at nakikinabang sa pagbuti ng ekonomiya. Ang pagiging hindi pantay ng sahod sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa Pilipinas ay nananatiling mataas. Noong 2012, isinaad ng Forbes Asia na ang magkakasamang kayamanan ng 40 pinakamayamang pamilya sa Pilipinas ay lumago ng $13 bilyong dolyar noong 2010 hanggang 2011 sa $47.4 bilyon na pagtaas na 37.9 porsiyento. Ang pagtaas sa kayamanan ng mga pamilyang ito ay katumbas ng 76.5 porsiyento ng kabuoang pagtaas ng GDP ng Pilipinas sa panahong ito. Ang hindi pantay na sahod ng mga mamamayang Pilipino ang pinakamataas sa Asya. Sa Thailand, ang kayamanan ng 40 mga mayayamang pamilya ay tumaas lamang nang 25 porsiyento sa 2012 samantalang sa Malaysia ay 3.7 porsiyento at sa Hapon ay 2.8 porsiyento lamang. Transportasyon Ang imprastrakturang pantransportasyon sa Pilipinas ay hindi gaanong maunlad. Ito ay dahil sa bulubunduking lupain at kalat-kalat na heograpiya ng kapuluan, ngunit bunga rin ito ng mababang pamumuhunan ng mga nakalipas na pamahalaan sa imprastraktura. Noong 2013, humigit-kumulang 3% ng pambansang GDP ay napunta sa pagpapa-unlad ng imprastraktura – higit na mas-mababa kung ihahambing sa karamihan sa mga karatig-bansa nito. May 216,387 kilometro (134,457 milya) ng mga daan sa Pilipinas; sa habang ito, tanging 61,093 kilometro (37,961 milya) lamang ng mga daan ay nailatag. Madalas makakakuha ng mga bus, dyipni, taksi, at de-motor na traysikel sa mga pangunahing lungsod at bayan. Noong 2007, may humigit-kumulang 5.53 milyong mga nakarehistrong sasakyang de-motor. Dumarami nang 4.55% sa bawat taon ang mga pagpaparehistro ng mga sasakyan. Nangangasiwa ang Pangasiwaan ng Abyasyon Sibil ng Pilipinas sa mga paliparan at sa pagpapatupad ng mga polisiyang may kinalaman sa ligtas na paglalakbay sa himpapawid na may 85 gumaganang pampublikong paliparan magmula noong 2014. Naglilingkod ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) sa Malawakang Maynila kasama ang Paliparang Pandaigdig ng Clark. Ang Philippine Airlines, ang pinakamatandang kompanyang panghimpapawid sa Asya na umiiral pa rin sa ilalim ng orihinal na pangalan nito, at ang Cebu Pacific, ang pangunahing pang-mababang presyo na kompanyang panghimpapawid, ay mga pangunahing kompanyang panghimpapawid na naglilingkod sa karamihang mga panloob at pandaigdigang destinasyon. Karamihang matatagpuan sa Luzon ang mga mabilisang daanan at lansangan kasama ang Pan-Philippine Highway na nag-uugnay ng mga pulo ng Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao, ang North Luzon Expressway, South Luzon Expressway, at ang Subic–Clark–Tarlac Expressway. May papel lamang ang transportasyong daambakal sa Pilipinas sa paglululan ng mga pasahero sa loob ng Kalakhang Maynila. Ang rehiyon ay pinaglilingkuran ng tatlong mga linya ng mabilis na lulan: Linya 1, Linya 2 at Linya 3. Noong nakaraan, nagsilbi ang mga daambakal sa mga pangunahing bahagi ng Luzon, at magagamit ang mga serbisyong daambakal sa mga pulo ng Cebu at Negros. Ginamit din ang mga daambakal para sa mga layong pang-agrikuktura, lalo na sa paggawa ng tabako at tubo. Halos wala nang transportasyong pangkargamento sa riles magmula noong 2014. Ilang nga sistemang transportasyon ay nasa ilalim ng pagpapa-unlad: nagpapatupad ang DOST-MIRDC at UP ng mga unang pag-aaral ukol sa Automated Guideway Transit. Magmula noong 2015 sinusubok din ang kung-tawaging "Hybrid Electric Road Train" na isang mahabang bi-articulated bus. Bilang isang kapuluan, kadalasang kinakailangan ang paglalakbay sa mga pulo-pulo gamit ang sasakyang pandagat. Ang mga pinaka-abalang pantalang pandagat ay Maynila, Batangas, Subic, Cebu, Iloilo, Dabaw, Cagayan de Oro, at Zamboanga. Naglilingkod ang 2GO Travel at Sulpicio Lines sa Maynila, na may mga ugnay sa iba't-ibang mga lungsod at bayan sa pamamagitan ng mga pampasaherong bapor. Ang 919-kilometro (571 milyang) Strong Republic Nautical Highway (SRNH), isang pinagsamang set ng mga bahagi ng lansangan at ruta ng ferry na sumasaklaw sa 17 mga lungsod, ay itinatag noong 2003. Naglilingkod ang Pasig River Ferry Service sa mga pangunahing ilog sa Kalakhang Maynila, kasama ang Ilog Pasig at Ilog Marikina na may mga estasyon sa Maynila, Makati, Mandaluyong, Pasig at Marikina. Demograpiya Tumaas ang populasyon ng Pilipinas mula 1990 hanggang 2008 ng tinatayang 28 milyon, 45% paglago sa nasabing panahon. Sa kauna-unahang opisyal na sensus ng Pilipinas na ginanap noong 1877 ay nakapagtala ng populasyon na 5,567,685. Noong 2011, naging ika-12 pinakamataong bansa sa buong daigdig ang Pilipinas, na ang populasyon ay humihigit sa 94 milyon. Tinatayang ang kalahati ng populasyon ay naninirahan sa pulo ng Luzon. Ang antas ng paglago ng populasyon sa pagitan ng 1995 hanggang 2000 na 3.21% ay nabawasan sa tinatayang 1.95% para sa mga taong 2005 hanggang 2010, subalit nananatiling isang malaking isyu. 22.7 Ang panggitnang gulang ng populasyon ay 22.7 taon gulang na may 60.9% ang nasa gulang na 15 hanggang 64 na gulang. Ang tinatayang haba ng buhay ay 71.94 taon, 75.03 taon para sa babae at 68.99 na taon para sa mga lalaki. May mahigit 11 milyong mga Pilipino sa labas ng Pilipinas. Nang magsimula ang liberalisasyon ng batas pang-imigrasyon ng Estados Unidos noong 1965, ang bilang ng mga taong may liping Pilipino ay tumaas. Noong 2007, tinatayang nasa 3.1 milyon ang bilang nito. Ayon sa Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos, ang mga imigrante mula sa Pilipinas ay bumubuo ng ikalawang pinakamalaking pangkat sunod sa Mehiko na naghahangad nang pagkakabuo ng pamilya. May tinatayang dalawang milyong Pilipino ang naghahanapbuhay sa Gitnang Silangan, kung saan nasa isang milyon nito ay nasa Arabyang Saudi. Mga pinakamalaking lungsod Pangkat-tao Ayon sa pagtatala noong 2000, 28.1% ng mga Pilipino ay Tagalog, 13.1% ay Sebwano, 9% ay Ilokano, 7.6% ay Bisaya/Binisaya, 7.5% ay Hiligaynon, 6% ay Bikolano, 3.4% ay Waray, at ang nalalabing 25.3% ay kabilang sa iba pang mga pangkat, na kinabibilangan ng mga Moro, Kapampangan, Pangasinense, mga Ibanag at mga Ibatan. Mayroon ding mga katutubong mga pangkat gaya ng mga Igorot, mga Lumad, Mangyan, Badjao, at mga pangkat-etniko ng Palawan. Ang mga Negrito, gaya ng mga Aeta, at ang mga Ati, ay itinuturing na mga kauna-unahang nanahan sa kapuluan. Kasama ang mga grupong minorya ng kabundukan, mga dayuhan at mga etnikong Pilipinong Moro ng Mindanao sa natitirang 10 porsiyento. Ang mga Aeta o Negrito na dating aktibo sa kapuluan ilang libong taon ang nakaraan, ay nagsipaglikas sa loob ng kagubatan at kabundukan. Ang kapalaran nila ay katulad din ng sa ibang grupong katutubo sa buong mundo tulad ng mga katutubong Australyano at ang mga Katutubong Amerikano. Marami sa kanila na napasanib at napahalo sa mga etnikong Malay-Pilipino o kaya'y napahiwalay bunga ng "sistematikong pag-aalis" noon. Ayon sa tala ng pamahalaan ng Pilipinas at mga kasalukuyang datos ng senso, mga 95% ng mamamayan ay pangkat Malay, mga ninuno ng mga nandarayuhan mula sa Tangway ng Malaya at kapuluang Indonesya na dumating bago pa man ang panahong Kristiyano. Ang mga mestiso, na may halong lahing Pilipino-Kastila, Pilipino-Tsino, Pilipino-Hapones, Pilipino-Amerikano o Kastila-Tsino (Tornatra) ay bumubuo ng isang maliit ngunit makapangyarihan na pangkat pagdating sa ekonomiya at pamahalaan. Mayroon ding maliliit na pamayanan ng mga dayuhan tulad ng Kastila, Amerikano, Italyano, Portuges, Hapon, Silangang Indiyan, at Arabo, at mga katutubong Negrito na nakatira sa mga malalayong pook at kabundukan. Kabilang sa mga wikang banyaga sa Pilipinas ang Ingles; (Mandarin, Hokyen at Kantones); Ang Ingles; Hapones; Hindu ay mula sa mga kasapi ng pamayanan ng mga, Indiyan, mga Amerikano, ay mula sa kanilang, Munting Indiya o LittleIndia pook ng korea o Koreatown, pook ng mga Amerikano o Americantown at mga Munting Amerika o LittleAmerica at paaralan kung saan ang wika ng pagtuturo ay ang paggamit ng dalawang wika na Mandarin/English; Arabe sa mga kasapi ng pamayanang Muslim o Moro; at Espanyol, na pangunahing wika ng Pilipinas hanggang 1973, ay sinasalita ng tinatayang 3% ng mamamayan. Gayun pa man, ang tanging nabubuhay na wikang halong Asyatiko-Espanyol, na ang Tsabakano, ay wika ng ilan sa timog-kanlurang bahagi ng bansa. Mula 1939, sa pagsisikap na paigtingin ang pambansang pagkakaisa, pinalaganap ng pamahalaan ang paggamit ng opisyal na pambansang wika na ang Filipino na de facto na batay sa Tagalog. Itinuturo ang Filipino sa lahat ng paaralan at unti-unting tinatanggap ng taongbayan bilang pangalawang wika. Ang Ingles naman ay ginagamit bilang pangalawang pangunahing wika at kadalasang maririnig sa talakayan ng pamahalaan, pag-aaral at pangkabuhayan. Wika Ayon sa pinakabagong saliksik ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), mayroong 131 wikang buhay sa Pilipinas. Bahagi ang mga ito ng pangkat ng mga wikang Borneo-Pilipinas ng mga wikang Malayo-Polinesyo, na sangay ng mga wikang Austronesyo. Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, ang Wikang Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika. Ang Filipino ay ang wikang pambansa ng Pilipinas na ibinatay sa Tagalog ngunit patuloy na nililinang at pinapagyayaman batay sa mga iba pang wika ng Pilipinas. Pangunahin itong sinasalita sa Kalakhang Maynila at sa ibang mga rehiyong urban. Kapuwa ginagamit sa pamahalaan, edukasyon, pahayagan, telebisyon at negosyo ang wikang Filipino at Ingles. Nagtalaga ang saligang batas ng mga wikang rehiyonal gaya ng Bikolano, Sebwano, Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog, at Waray bilang katulong na opisyal na wika at iniuutos na ang Wikang Kastila at Arabe ay itaguyod nang kusa at opsiyonal. Pananampalataya Ang Pilipinas ay bansang sekular na may saligang batas na naghihiwalay sa simbahan at estado. Subalit, ang mahigit sa 80% ng populasyon ay Kristiyano: ang karamihan ay mga Katoliko samantalang ang 10% ng mga Pilipino ay kasapi sa ibang denominasyong Kristiyano, gaya ng Iglesia ni Cristo, ang mga kaanib sa Iglesia ng Dios o Dating Daan, ang Iglesia Filipina Independiente, Ang Nagkaisang Iglesia ni Cristo sa Pilipinas, Sabadista, Born Again Groups at ang Mga Saksi ni Jehova. Sa kabila ng mga relihiyong ito, hindi dapat mawala ang ating pananalig sa Panginoong Diyos. Bunga ng impluwensiya ng kulturang Kastila, ang Pilipinas ay isa sa dalawang bansa sa Asya na may pinakamaraming Katoliko, na sinundan ng Silangang Timor, isang dating kolonya ng Portugal. Ayon sa Pambansang Komisyon sa mga Pilipinong Muslim noong 2012, tinatayang nasa 11% ng mga Pilipino ang naniniwala sa Islam, na ang karamihan sa mga ito ay mga Sunni. Sa katunayan, ang karamihan ng mga taga-katimugang Pilipinas ay mga Muslim. Pag-aaral Iniulat ng Tanggapan ng Pambansang tagatala ng Pilipinas na ang payak na kamuwangan ng Pilipinas ay nasa 93.4% at ang nagagamit na kamuwangan ay nasa 84.1% noong 2003. Halos pantay ang kamuwangan ng mga babae at lalaki. Ang paggastos sa pag-aaral ay nasa tinatayang 2.5% ng GDP. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, 44,846 na mababang paaralan at 10,384 na mataas na paaralan ang nakatala para sa taong pampaaralan ng 2009-2010 samantalang itinala ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o CHED na may 2,180 na mga institusyong pag-aaral, ang 607 dito ay pampubliko at ang 1,573 ay mga pribado. May ilang mga sangay ng pamahalaan ang kasama sa pag-aaral. Ang Kagawaran ng Edukasyon ang nakasasakop sa mababang paaralan, pangalawang mataas na paaralan, at mga hindi pormal na edukasyon; ang Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan o TESDA ang namamahala sa mga pag-aaral sa pagsasanay at pagpapaunlad pagkatapos ng pangalawang mataas na paaralan; at ang Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon ang nangangasiwa sa mga dalubhasaan at pamantasan at nag-aayos ng mga pamantayan sa lalong mataas na pag-aaral. Kalinangan at kaugalian Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, walang ni isang tanging pambansang pagkakakilanlang o pangkaugalian na nahubog. Sa isang bahagi, ito ay dahil marahil sa napakaraming wikang ginagamit sa buong kapuluan na tinatantiyang nasa 80, bukod pa sa mga wika nito. Ang pagkakabukod-bukod ng mga magkakaratig na barangay o mga pulo ay nakadagdag din sa pagkawalang pagkakaisa sa pagkakakilanlan. Sa pagdating ng mga Kastila, tumawag ang mga tagakalat pananampalatayang Katoliko ng mga katutubo para maging tagasalin, nakapaglikha ng mga dalawa ang wikang ginagamit na uri, ang mga Ladinos. Ang mga ito, tulad ng tanyag na makatang si Gaspar Aquino de Belen, ay lumikha ng mga tula ng kabanalan na isinulat sa titik Romano, kalimitan sa wikang Tagalog. Ang pasyon ay isang pagsasalaysay ng simbuyo, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo na sinimulan ni Gaspar Aquino de Belen. Umusbong din ang mga panitikang (hindi-relihiyoso) na binase sa mga korido, mga baladang Kastila ng kabalyero. Ang mga salaysay na berso, o ang komedya, ay ginanap sa mga wikang pang-kabahagian para sa mga (di nakakabasa o nakakasulat). Nasulat din ang mga ito sa abakadang Romano ng mga pangunahin na wika at kumalat. Sa karagdagan, ang panitikan o panitikang klasikal (Jose Rizal, Pedro Paterno) at mga kasulatan ng kasaysayan (pambansang awit, Constitución Política de Malolos), ay nasa sa Espanyol, na hindi na pangunahing wika ngayon. Ang mga manunulat na Pilipino, tulad ni Claro M. Recto ay nagpatuloy sa pagsusulat sa wikang Espanyol hanggang 1946. Ang Pilipinas ay bayan ng maraming bayani. Sinasabing si Lapu-Lapu ng pulo ng Mactan ang unang pumigil sa paglusob kanluranin at ang pumatay kay Fernando Magallanes. Si Jose Rizal (ipinanganak noong ika-19 ng ika-6 na buwan ng 1896 sa bayan ng Calamba, Laguna), ipinagmamalaki ng Lahing Malay, Pambansang Bayani ng Pilipinas, 22 wika ang alam: Arabe, Katalan, Tsino, Ingles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapones, Latin, Malay, Portuges, Ruso, Sanskrito, Espanyol, Tagalog at iba pang katutubong wika; siya ay naging tagaguhit ng mga gusali, tagapagtanghal, nakikipagkalakal, tagaguhit ng karikatyur, guro, ekonomista, etnolohista, siyentipikong magsasaka, bihasa sa kasaysayan, imbentor, peryodista, dalubhasa sa wika, bihasa sa awit, mitolohista, makabayan, naturalista, nobelista, siruhano sa mata, makata, propagandista, sikolohista, siyentista, manlililok, sosyolohista, at teologo. Pilipino ang unang Asyatikong Kalihim-Heneral ng Asamblea Heneral ng Mga nagkakaisang Bansa (UN) – si Carlos Peña Romulo. Itinuturing na Pandaigdigang Pamanang Pook ang mga Barokeng Simbahan ng Pilipinas at ang Makasaysayang Bayan ng Vigan. Kabilang sana rito ang Intramuros ngunit nawasak ito matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa ring Pandaigdigang Pamanang Pook ang mga Hagdan-hagdang Palayan o Pay-yo ng Kordilyera, na kinikilala ring ikawalong nakakahangang-yaman ng daigdig. Midya Ang pangunahing wika na ginagamit sa midya sa Pilipinas ay ang Filipino at Ingles. Ginagamit din naman ang ibang mga wika sa Pilipinas, lalo na sa mga radyo dahil sa kakayahan nitong maabot ang mga malalayong pook na maaaring hindi kayang maabot ng ibang uri ng midya. Ang mga pangunahing himpilang pantelebisyon sa Pilipinas ay ang ABS-CBN, GMA at TV5 na may malawak din na serbisyong panradyo. Ang industriya ng aliwan o tinatawag na showbiz ay makulay at nagbibigay laman sa mga pahayagan at peryodiko ng mga detalye tungkol sa mga artista. Tinatangkilik din ang mga teleserye gaya rin ng mga telenobelang Latino, Asyano (partikular ang mga dramang Koreano) at mga anime. Ang mga pang-umagang palabas ay pinangingibabawan ng mga game shows, variety shows, at mga talk shows gaya ng Eat Bulaga at It's Showtime. Tanyag din ang mga Pelikulang Pilipino at mayroong mahabang kasaysayan, subalit nahaharap sa matinding kompetensiya mula sa mga pelikulang banyaga. Kabilang sa mga pinagpipitagang direktor si Lino Brocka para sa pelikulang Maynila, sa mga Kuko ng Liwanag. Sa mga nakalipas na mga taon nagiging pangkaraniwan ang paglilipat-lipat ng mga artista mula sa telebisyon at pelikula at pagkatapos ay ang pagpasok sa politika na pumupukaw ng pangamba. Tingnan din Balangkas ng Pilipinas Talaan ng mga temang may kaugnayan sa Pilipinas Talasanggunian Mga palabas na kawing Mga pahinang opisyal www.gov.ph - Portal ng Pamahalaan ng Pilipinas www.op.gov.ph - Tanggapan ng Pangulo www.ovp.gov.ph Tanggapan ng Pangalawang Pangulo www.senate.gov.ph - Senado www.congress.gov.ph - Kapulungan ng mga Kinatawan www.supremecourt.gov.ph - Kataas-taasang Hukuman www.comelec.gov.ph - Komisyon sa Halalan www.dfa.gov.ph - Kagawaran ng Ugnayang Panlabas www.itsmorefuninthephilippines.com - Kagawaran ng Turismo www.afp.mil.ph - Sandatahang Lakas ng Pilipinas - Kagawaran na bumubuo sa Gabinete sa Pilipinas 2005 Kasaysayan Mga Panahon ng Pilipino: A Web of Philippine Histories Mga pahinang pambalita Friendly Philippines News Online ABS-CBN News Philippine Daily Inquirer at GMA News Philippine Star The Manila Bulletin Online The Manila Times Online Sun Star Network Online The Daily Tribune Online Malaya Online Iba pang mga pahina Pilipinas Website CIA World Factbook - Philippines Philippines Travel Directory - Philippines Travel Directory Tanikalang Ginto - Philippine links directory Open Directory Project - Philippines directory category Philippine Website Directory - Open directory Philippines Yahoo! - Philippines directory category Yahoo! News Full Coverage - Philippines news headline links Yehey.com - Most popular Philippine portal Philippine Directory - Philippine website directory Jeepneyguide - Guide for the independent traveler Philippines Travel Info and Blog Philippines Travel Guide ManilaMail - a reference point for understanding the Philippines and Filipinos Mga dating kolonya ng Espanya Mga bansa sa Asya Mga estadong-kasapi ng ASEAN
585
https://tl.wikipedia.org/wiki/Maynila
Maynila
Ang Lungsod ng Maynila (, Espanyól: Ciudad de Manila, Ingles: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang punong-lungsod at ang pangalawang pinakamataong lungsod ng Pilipinas. Mataas ang pagkaurbanisado, ito ang lungsod na may pinakamakapal na dami ng tao sa buong mundo noong 2019. Tinuturing ang Maynila na isang pandaidigang lungsod at grinado bilang isang Lungsod–Alpha (o Alpha – City) ng Globalization and World Cities Research Network (GaWC). Ito ang unang lungsod sa bansa na naka-karta (o may sariling saligang-batas), na itinalaga ng Batas ng Komisyon ng Pilipinas Blg. 183 ng Hulyo 31, 1901. Naging awtonomo ito nang napasa ang Batas Republika Blg. 409, "Ang Binagong Karta ng Lungsod ng Maynila", noong Hunyo 18, 1949. Tinuturing ang Maynila bilang bahagi ng orihinal na pangkat ng mga pandaigdigang lungsod dahil lumawig ang network nitong pang-komersyo sa Karagatang Pasipiko at kumonekta sa Asya ang Kastilang mga Amerika sa pamamagitan ng kalakalang Galeon; nang nagawa ito, tinatakan nito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng mundo na naitatag ang isang hindi naabalang kadena ng ruta ng kalakalan na pumapalibot sa planeta. Ito ang isa sa mga pinakamatao at pinakamabilis na lumagong lungsod sa Timog-silangang Asya na may kabuuang populasyon na sa na kabahayan ayon noong . Sumasakop ng 42.88 na kuwadrado kilometro, ang lungsod na ito ay nasa baybayin ng Look ng Maynila na nasa kanlurang bahagi ng Pambansang Punong Rehiyon na nasa kanlurang bahagi ng Luzon. Napalilibutan ang Maynila ng mga lungsod ng Navotas at Caloocan sa hilaga, Lungsod Quezon sa hilagang-silangan, San Juan at Mandaluyong sa silangan, Makati sa timog-silangan at Pasay sa timog. Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hong Kong, 2,400 na kilometro ang layo mula sa Singapore at mahigit 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula sa Kuala Lumpur. Nahahati ang Maynila sa dalawa ng ilog Pasig. Sa depositong alubyal ng ilog Pasig at look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig. Noong ika-13 siglo, ang lungsod ay binubuo ng mga tindahan at tagatanggap sa may tabi ng baybayin ng ilog Pasig, na nasa hilaga ng mga makalumang pamayanan. Ang opisyal na pangalan na ibinigay ng mga Malay sa lungsod ay Seludong/Selurung, na ginamit din sa isang bahagi sa pulo ng Luzon, at inimumungkahi na ito ang punong bayan/lungsod ng Kaharian ng Tondo. Ang lungsod ay nakilala rin sa pangalan na ibinigay ng mga pangkat etnikong mga Tagalog, ang "Maynila", na unang nakilala bilang "Maynilad". Nagmula ang pangalan sa salitang nila, isang uri ng halamang mabulaklak na tumutubo sa baybayin ng look, na ginagamit sa paggawa ng sabon para sa pakikipagkalakalan; nanggaling ito sa salitang may nila, na may unlaping "ma-" na tumutukoy kung saan ang isang lugar ay mayroong isang bagay na malago (maaaring Sanskrit ang "nila" na "punong indigo"). (Ang sinasabing naging pangalan ng halaman ay nilad ay kathang isip lamang.) Noong kapanahunan ng mga Kastila, itinaguyod ang lungsod na may umpok-umpok na pamayanan na pumapalibot sa nagsasanggalang haligi ng Intramuros (nahahaligihan), ang orihinal na Maynila. Ang Intramuros na isa sa mga pinakalumang nagsasanggalang na haligi sa timog-silangan, ay ginawa at pinasyahan ng mga misyonaryong Heswita para hindi masakop ng mga Tsino ang pamayanan at mailigtas ang mga mamamayan. Noong kapanahunan ng Amerikano, ilang pagsasaayos ang isinagawa sa katimugang bahagi ng lungsod at ginamit ang arkitekturang disenyo ni Daniel Burnham. Ang lungsod ay may humigit sa 100 mga parke na nakakalat sa buong lungsod. Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na pinamahalaan ang kapuluan ng Pilipinas ng tatlong dantaon simula 1565 hanggang 1898. Noong namalagi ang Britanya sa Pilipinas, ang Maynila ay pinamahalaan ng dakilang Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na naging bahagi sa Pitong Taong Digmaan. Nanatiling punong lungsod ng Pilipinas ang Maynila sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos sa pamamagitan ng mga arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga ang kuta ng mga nag-aaklas laban sa mga Briton. Ang Maynila ay nakilala noong may kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal ng tatlong dantaon at nakapaghatid ng mga kagamitan simula sa Mehiko patungong Timog-silangang Asya. Noong 1899, binili ng Nagkakaisang mga Estado ng Amerika ang Pilipinas sa mga Kastila at pinamahalaan ang buong kapuluan ng hanggang 1946. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nawasak ang malaking bahagi ng lungsod. Ang lungsod ay ang pangalawang pinakawasak na lungsod kasunod ng Varsovia, Polonya. Ang rehiyon ng Kalakhang Maynila ay gumanap na entidad na may kasarinlan noong 1975. Kasaysayan Ang Kaharian ng Maynila ay nakilala bilang Gintu (lupain o isla ng mga ginto) o Suvarnadvipa ng mga kalapit na lalawigan. Ang naturing kaharian ay yumabong sa mga huling sandali ng Dinastiyang Ming dulot ng pakikipagkalakalan sa Tsina. Ang Kaharian ng Tondo ay nakagawian bilang kabisera ng imperyo. Ang mga namumuno rito ay itinuturing bilang mga hari, at tinatawag silang panginuan o panginoon, anak banua o anak ng langit, o lakandula, na nangangahulugang "diyos ng kahariang pinamumunuan". Noong namamayagpag si Bolkiah (1485-1571), ang Sultanate ng Brunay ay nagpasyang wasakin ang Imperyo ng Luzon sa pakikiisa Tsina nang lusubin ang Tondo at itinaguyod ang Selurong (Ngayon ay Maynila) bilang base ng mga Bruneo. Sa pamamahala ng Salalila, may itinaguyod na bagong dinastiya para humarap/hamunin ang Kapulungan ng mga Lakandula sa Tondo. Ang kaharian ng Namayan ay itinaguyod bilang alternatibo na may kompederasyon ng mga barangay na biglaan ang pagdami noong 1175 at pinalawig simula sa look ng Maynila hanggang sa lawa ng Laguna. Ang kabisera ng kaharian ay ang Sapa, na ngayon ay kilala bilang Sta. Ana. Sa kala-gitnaan ng ika-16 na siglo, ang mga nasasakupang lugar ng kasalukuyang Maynila, ay parte ng isang malawakang pook na umaabot sa hangganan ng karagatan na pinamumunuan ng mga Raha. Namuno sina Rajah Sulayman at Rajah Matanda sa mga komunidad ng Muslim sa timog ng ilog Pasig, at si Lakandula ang namuno sa Kaharian ng Tondo, ang Hindu-Budistang kaharian sa timog ng ilog. Pinagsanib yaong dalawang komunidad ng Muslim at dito naitaguyod ang kaharian ng Maynila. Ang dalawang lungsod-estado ay nagsasalita ng wikang Malay na mahusay makitungo sa sultanate ng Brunay na si Bolkiah, at sa mga sultanate ng Sulu at Ternate. Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na pinamahalaan ang mga isla ng Pilipinas ng tatlong siglo simula 1565 hanggang 1898. Si heneral Miguel López de Legazpi ang nagpadala ng isang natatanging ekspedisyon at dito nadiskubre ang Maynila. Itinaguyod dito ang kanilang tanggulan, ang Kutang Santiago at kalaunan, pinalawig ang nasasakupan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga paaralan, tirahan, simbahan sa labas ng nagsasanggalang pader at ito ang nagbigay kapanganakan sa Intramuros. Noong inokyupa ng Britanya ang Pilipinas, ang Maynila ay pinamahalaan ng Gran Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na naging parte sa Pitong Taong Digmaan. Ang lungsod ay nanatiling kabisera ng Pilipinas sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos sa pamamagitan ng mga arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga ang kuta ng mga armadong rebelde laban sa mga Briton. Ang Maynila ay nakilala noong may kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal ng tatlong siglo at nakapaghatid ng mga kagamitan simula sa Mehiko papunta ng Timog-silangang Asya. Noong 1899, binili ng Estados Unidos ang Pilipinas sa mga Espanyol at pinamahalaan ang buong arkipelago ng hanggang 1946. Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking parte ng lungsod. Ang lungsod ay ang pangalawang pinakawasak na lungsod kasunod ng Warsaw, Poland noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ang rehiyon ng kalakhang Maynila ay gumanap na entidad na may kasarinlan noong 1975. Ang kasalukuyang alkalde ng lungsod ay si Joseph Estrada. Isang pandaigdigang lungsod ang Maynila at kilala bilang "Beta+" ayon sa Globalization and World Cities Study Group and Network noong 2008. Kasaysayan ng heograpiya Bago at noong koloniyalisasyon ng Espanya sa Pilipinas, ang Maynila na ang kabisera ng lalawigang ito na sumasakop sa halos kabuuan ng Luzon, at kinabibilangan ng mga modernong subdibisyong pang-teritoryal ng Pampanga, Bulacan, Rizal, Laguna, Quezon, Mindoro, Masbate at Marinduque. Kalaunan, ang mga subdibisyong ito ay ginawang mga malalayang lalawigan, at ang Maynila ay naging kasing lawak na lamang ng Kalakhang Maynila. Ang Maynila ay nasa hangganan ng ilang lalawigan pero limiit pa lalo nang ginawang mga munisipalidad ang ilang parte nito at ang Maynila ay kasing lawak na lamang ng kasalukuyang Maynila (maliban na lamang sa Intramuros, ang lokasyon ng tunay na kabisera). Ayon sa kasaysayan ng lalawigang ito, pinangalanan itong Lalawigan ng Tondo na kilala noong kapanahunan ng mga Hispano. Noong 1853, apat na pueblo o bayan sa lalawigan ng Tondo ay nakipag-isa sa lalawigan ng Laguna at itinaguyod ang pambansang distrito na pinangalanang "Distrito de los Montes de San Mateo" (Distritong kabundukan ng lalawigan ng San Mateo). Ang lalawigan ng Tondo ay pinag-salo sa mga lalawigan ng Cainta, Taytay, Antipolo at Boso-boso, habang ang Laguna ay isinalo sa mga lalawigan ng Angono, Baras, Binangonan, Cardona, Morong, Tanay, Pililla at Jalajala. Dahil pinangalanan ang distritong ito bilang Distrito de los Montes de San Mateo, na sinasabi ng mga katutubo na masyadong mahaba, hindi bumabagay at nalilito ang karamihan na ang bayan ng San Mateo sa lalawigan ng Tondo ay ang kabisera ng distritong kabundukan ng San Mateo at ng Morong, ay pinalitan ang pangalan nito ng Lalawigan ng Maynila noong 1859. Noong ipinagbenta ng mga Hispano ang Pilipinas sa mga Amerikano, itinaguyod ang pamahalaang pang-sibil. Kalaunan, ang lalawigan ng Maynila ay isinawalang bisa ng komisyon ng Pilipinas, naging mga munisipalidad ang mga kasapi nito kabilang ang Moring, at dito naitaguyod ang lalawigan ng Rizal. Ilang linggo ang nakalipas at ang bagong anyo ng Maynila ay nakilala na ng buong kapuluan ng Pilipinas at isinalo ang ilang bayan ng lalawigan ng Rizal sa lungsod bilang mga distrito. Ang mga hangganan ng Maynila isinaayos noong 29 Enero 1902. Ang mga pook na kalapit-bayan ng Gagalangin ay naging kasapi ng distrito ng Tondo, kabilang ang Santa Ana na ngayon ay isang malayang distrito. Noong 30 Hulyo ng 1902, ang bayan ng Pandacan ay naging kasapi na ng lungsod bilang distrito. Sa kasalukuyan, mayroong 16 na distritong pang-heograpiya ang lungsod. Noong ikalawang digmaang pandaigdig, ang Maynila ay ginawang "Open City" at ang mga administratibong hangganan nito ay pinalawak hanggang sa mga kalapit na lungsod at bayan. Pinangalanan itong Malawakang Maynila at naging kasapi nito ang mga distrito ng Bagumbayan (Katimugang Maynila), Bagumpanahon (Sampaloc, Quiapo, San Miguel at Santa Cruz), Bagumbuhay (Tondo), Bagong Diwa (Binondo at San Nicholas), at ang bagong kakataguyod na Lungsod Quezon na hinati sa dalawang distrito at ang mga munisipalidad ng Kalookan, Las Piñas, Malabon, Makati, Mandaluyong, Navotas, Parañaque, Pasay at San Juan ay naging distrito ng Maynila. Noong 1948, ang Lungsod Quezon ang naging kabisera ng Pilipinas. Kalaunan, noong 29 Mayo 1976, ibinalik ni pangulong Ferdinand E. Marcos ang titulong kabisera ng Pilipinas sa Maynila na hango sa kautusang Presidential Decree No. 940 na nagpapahayag na ang pook na inireseta para sa Kalakhang Maynila sa kautusang Presidential Decree 824 ay ang dapat kalugaran ng ng pambansang pamahalaan. Klima Base sa kaurian ng panahon ayon sa Köppen, ang Maynila ay mayroon tropikong tag-init at tag-ulan na panahon. Ang Maynila ay nasa tropiko kasama ng buong Pilipinas. Ang lapit nito sa ekwador ay nangangahulugan na ang temperatura ay mababa, kung minsan ay mas mababa pa sa 20 °C at tumataas ng higit pa sa 38 °C. Dahil mataas ang halumigmig, nagiging mas mainit ang panahon. Demograpiya Kapal ng populasyon Sa populasyong 1,660,714 sa lawak na 38.55 km², ang Maynila ang may pinakamalaking kapal ng populasyon na nahihigitan ang lahat ng pangunahing lungsod ng mundo na may 43,079 katao/km². Ang ika-6 na distrito ang may pinakamalaking kapal ng populasyon na may 68,266 katao/km² at sumunod ang una at ikalawang distrito (kabuuan ng Tondo) na may 64,936 (una) at 64,710 (ikalawa) katao/km². Ang ikalimang distrito ang may pinakamaliit na kapal ng populasyon na may 19,235 katao/km². Ang kapal ng populasyon ng Maynila ay nahihigitan ang mga lungsod na Paris (20,164 katao/km²), Shanghai (16,364 katao/km², sa distritong Nashi ang may densidad na 56,785 katao/km²), lungsod ng Buenos Aires (2,179 katao/km², na ang pinakamaliking densidad ay ang Lanus na may 10,444 katao/km²), Tokyo (10,087 katao/km²) lungsod ng Mehiko (11,700 katao/km²), at Istanbul (1,878 katao/km², na may pinakamalaking densidad ay ang distritong Fatih na may 48,173 katao/km²). Pagdating naman sa kabuuang kalakhan, ang Kalakhang Maynila ay ika-85 ang pwesto na may 12,550 katao/km² at may lawak ng lupain na 1,334 km², na nahihigitan pa ng Lungsod ng Cebu na pumasok ika-80 ang pwesto. Wika Ang opisyal na wika ay Filipino na kilala bilang Tagalog, habang ang Ingles ay malawakang ginagamit sa edukasyon at trabaho sa buong Kalakhang Maynila na itinuro ng mga Amerikanong dumaong sa Pilipinas. Ang Hokkieng Intsik ay malawakang ginagamit sa mga komunidad ng Tsinong-Pinoy. May mga matatandang naninirahan na gumagamit ng pangunahing Hispano, na isang sapilitang paksa sa kurikulum ng mga unibersidad at pamantasan sa Pilipinas hanggang 1987. Maraming mga batang Europiyano, Arabo, Indiyan, Latinong Amerikano at iba pa na ang pangunahing wika ay ang sariling wika ng kanilang magulang o ang wika ng kinalakihang bansa o estado. Ekonomiya Ang ekonomiya ng Maynila ay maraming pinanggagalingan. Dahil sa mga puerto nitong napapangalagaan, ang Maynila ang naging "National Chief Port" ng bansa. Ang Maynila rin ang pangunahing tagalathala ng pahayagan sa Pilipinas. Ang mga produkto na maaring mabili dito ay mga kemikal, tela, damit, mga elektronikong kagamitan, relo, bakal, gamit na gawa sa katad, mga ibat ibang klase ng mga pagkain, at mga sapatos. Ang pagtitinda ng mga pagkaing tinge at inumin kabilang ang produktong tabako ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga mamamayan. Ang mga mamamayan ay nangangalakal din sa mga dayuhan. Ang mga kagamitan na ipinangkakalakal nila kapalit ng pera ay mga tali, playwud, pinong asukal, kopra, at langis ng niyog. Maunlad na industriya ang turismo. Ang Maynila ay nakakaakit ng mahigit 1 milyong dayuhan dahil ito ang pangunahing pook panturismo ng bansa. Madalas puntahan ng mga dayuhan ang distrito ng Binondo, Ermita, Intramuros at Malate. Lahat ng distrito ng lungsod maliban na lang sa Puerto ng Maynila ay may sariling pamilihang bayan o palengke. Ang pamilihang bayan ay nahahati sa dalawa, ang mga seksiyong tuyong pagkain at gulay. Masagana ang mga pamilihang bayang ito lalo na kapag umaga. Dahil sa programang urbanisasyon ng pamahalaang Maynila, naisaayos ang karamihan ng pamilihang bayan. Ang isa sa mga halimbawa nito ay ang pamilihang pambayan ng Santa Ana at pamilihang pambayan ng Pritil. Kung ang isang tao ay naghahanap ng mumurahing kagamitan, maaaring siyang makahanap sa Divisoria at Quiapo. Ang mga modernong liwasan ay nakakalat sa lungsod at ang karamihan ay nasa distrito ng Malate at Ermita. Ang SM City Manila, na isa sa mga pinakamalaking liwasan ng bansa, ay nakatayo katabi ng Bahay-Pamahalaang panlungsod ng Maynila at ang orihinal na liwasan ng SM ay umiiral pa rin sa Carriedo sa Santa Cruz. Ang isa sa mga popular na liwasan sa Maynila ay ang Robinson's Place Ermita. Sa katimugan naman ng lungsod sa distrito ng Malate ay ang Harrison Plaza, isa sa mga pinakalumang liwasan ng lungsod. Ang Maynila ay isa sa mga lungsod na magastos tirahan. Kultura Arkitektura Ang arkitektura ng Maynila ay isa sa tanyag at kilala, kahit na ang lungsod ng Makati ang may mas maraming gusali. Kilala ang Maynila sa pagiging lugar na kinaroroonan ng Basilica Minore de San Sebastian, ang natatanging gotikang simbahan sa Asya, pati ang Simbahan ng San Agustin at Simbahan ng Quiapo. Noong sinakop ng mga Hispano ang kapuluan ng Pilipinas, karamihan sa mga istraturang itinayo sa lungsod ay mga simbahan at paaralan na kahugis ng mga gusali sa Espanya. Noong kapanahunan naman ng Amerikano, sinikap ni Daniel Burnham na palaguin at ibahin ang hitsura ng Maynila; hindi natuloy ang plano dahil sa pagsilakbo ng ikalawang digmaang pandaigdig. Sa panahon ding ito ginawa ang Bulebar Seaside, na tinagurian ding Bulebar Dewey at ngayon ay Bulebar Roxas. Ang isa sa mga napalaganap ng Amerikano ay ang pagkilala sa Pilipinas ng Tram, na unang ipinatakbo dito sa Maynila. Nang inihalal bilang alkalde si Lacson, ipinawasak niya lahat ng pook ng mga mahihirap at ipinatayo ang Lacson Underpass, na ang kauna-unahang daanang pailalim sa Pilipinas. Ginawa niyang pook pangnegosyo ang mga pook kung saan dating nandoon ang mga iskwater. Noong naging alkalde si Atienza, lumaganap sa Maynila ang mga gusaling tukudlangit at mga liwasan, kabilang dito ang Manila Ocean Park. Pununa ng ilang mananalaysay ang ginawang pagsira ni Atienza sa natitirang gusali ng mga Amerikano para mabigyan-puwang ang bagong gusali ng Kagawatan ng Katarungan. Maraming gusali ang ipinapatayo sa kasalukuyan na uukit sa Maynila at pati na ng kondehan nito. Pananampalataya Ang pagiging kosmopolitano ng lungsod at pagkakaroon ng iba't ibang kultura ang sumasalamin sa Maynila dahil sa dami ng mga pook-pananampalataya na nakakalat sa lungsod. Ang kalayaan sa pananampalataya sa Pilipinas na umiiral pa simula noong maitaguyod ang bansa ang dahilan para magkaroon ng iba't ibang pananampalataya. Ang mga tao na may iba't ibang sekta ang kumakatawan ng may gabay ng mga simbahan ng Kristyano, mga templo ng Budista, mga sinanog ng Dyuis, at mga mosk ng mga Islamiko. Romanong Katolisismo Ang Maynila ang kabisera ng Arkidiyosesis ng Pilipinas, ang pinakamatandang arkidiyosesis sa bansa. Ang tanggapan ng arkidiyosesis ay matatagpuan sa katedral ng Maynila (Basilica Minore de la Nuestra Señora de la Immaculada Concepcion) sa Intramuros. Ang lungsod ay nasa pamamahala ng Patronahe ng San Andres. Dahil ito ang kinalagyan ng pamahalaang kolonyal sa mga nakalipas na siglo, ang Maynila ang nagsilbing base ng mga misyonaryong Katolisismo ng bansa. Kabilang sa mga orden na nasa Pilipinas ay ang mga Dominikano, Heswita, Pransiskano, Agustino (kasapi na rin ang Augustinian Recollects), Benediktino, madre ng San Pablo ng Chartes, padre ng Vinsentino, ang kongregasyon ng mga Immaculati Cordis Mariae, at ang De La Salle Christian Brothers. Ilang kilalang mga simbahan at katedral sa lungsod ay ang mga simbahan ng San Agustin sa Intramuros, ang dambana ng kinorunahang imahe ng Nuestra Señora de Consolación y Correa, isang UNESCO World Heritage Site na isang paboritong pook pangkasalan ng mga kilalang tao at isa sa dalawang de-erkon na simbahan sa lungsod; Simbahan ng Quiapo, kilala rin bilang Basilica Minore del Nuestro Padre Jesus Nazareno kung saan ginaganap ang taunang prosesyon ng itim na Nazareno, Simbahan ng Binondo na kilala rin bilang Minore de San Lorenzo Ruiz, Simbahan ng Malate na dambana ng Nuestra Señora de Remedios, Simbahan ng Ermita na tahanan ng pinakalumang imaheng Marian sa Pilipinas na si uestra Señora de Guia, Simbahan ng Tondo na tahanan ng daang taong kulay-garing na imahe ng Sto. Niño (Batang Hesus), Simbahan ng Sta. Ana na dambana ng kinoronahang imahe ng Nuestra Senora de los Desamparados at ang San Sebastian o Basilica Minore de San Sebastian, ang natatanging simbahan na may estilong gotika sa Asya. Protestantismo Ang Maynila ang tahanan ng ilang kilalalang mga simbahan ng mga Protestante sa Pilipinas na itinaguyod ng mga misyonaryong Amerikano. Bilang lamang ang pook pananampalataya na naitayo sa lungsod. Ang karamihan naman ay matagpuan sa mga kalapit na lungsod at mga lalawigan. Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, ang mga grupo ng mga iba't ibang pananapalataya tulad ng mga misyonaryong Protestante ay pumunta sa Pilipinas kasama ang mga Babtis, mga Nasarin, mga Pentakostal, mga Kristiyano at itinaguyod ang kanikanilang paaralan at simbahan. Iglesia ni Cristo Ang pinakakilalang panampalataya sa Pilipinas. Ang Iglesia ay may mga kapilya at simbahan sa lungsod na kilala sa mga makitid at nakaumang mga taluktok. Ang punong himpilan ng mga Iglesia ay matatagpuan sa abenida Komonwelt sa Lungsod Quezon. Islam, Budismo at iba pang paniniwala Maraming itinaguyod na templong mga Budismo at Taoist ang mga Tsino sa Maynila. Ang distritong Quiapo ay ang tahanan ng malaking populasyon ng Muslim sa Maynila at ang Masjid Al-Dahab ay matatagpuan dito. May malaking templo ng Hindu para sa mga Indiyano ang matatagpuan sa Ermita at sa abenidang U.N. matatagpuan ang templo ng Sikh at ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints. Sa abenidang Quirino sa Malate matatagpuan ang sinanog para sa maliit na komunidad ng mga Hudyo sa Pilipinas. Kalaunan, lumipat ang mga ito sa Makati sa kalye Tordesillas. Mga pook na interesante Sa katimugang bahagi ng Intramuros matatagpuan ang Liwasang Rizal, ang pinakatanyag na liwasan ng bansa. Kilala rin ang Liwasang Rizal bilang Luneta ("gasuklay ang hugis" sa salita ng mga Hispano) at dati bilang Bagumbayan. Ang 53 hektaryang Liwasang Rizal ay nasa lugar kung saan si José Rizal, ang pambansang bayani ng bansa, ay pinaslang ng mga Hispano sa kasong pag-aalsa. Itinayo ang monumento para sa kanyang karangalan. Ang malaking tagdan ng watawat sa kanluran ng monumento ni Rizal ay ang ginagamit pansukat para sa mga masukat ang layo ng bawat lungsod, kalye, pulo at mga bayan sa bansa dahil dito nagmumula ang kilometrong sero. Ang iba pang magagandang pook sa liwasang Rizal ay ang mga hardin ng Tsino at Hapon, ang gusali ng Kagawaran ng Turismo, ang Pambansang Museo ng Pilipinas, Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas, ang Planetarium, ang Orchidarium at Butterfly Pavilion na parehong mga oditoryum, isang makasaysayang mapa ng Pilipinas, isang pook na may paunten, isang pulilan ng mga bata, isang plasa ng ahedres, isang pook na may magagandang maihahandog na presentasyon, at ang Quirino Grandstand. Bukod sa Liwasang Rizal, ang Maynila ay may ilang pook pang-masa. Kinabibilangan ito ng liwasang Rajah Sulayman, Manila Boardwalk, liwasang Bonifacio, Plasa Miranda, Mehan Garden, liwasang Paco, Remedios Circle, Manila Zoological and Botanical Garden, Plasa Balagtas at ang Malakanyang Garden. Noong 2005, binuksan sa masa ni alkaldeng Lito Atienza ang Pandacan Linear Park, na isang mahaba at makitid na lupain sa pagitan ng langisang Pandacan at mga pangkomersyong tahanan na nasa baybayin ng ilog Pasig. Sa hilagang parte ng lungsod nandodoon ang tatlong sementeryo ng La Loma, Chinese at Manila North Green Park, ang pinakamalaking sementeryo ng kalakhang Maynila. Ang Manila Ocean Park ay nagtatampok ng mga iba't ibang uri ng mga hayop-dagat. Ang lungsod ay may mga akomodasyon na mula sa mga matataas na uri ng otel hanggang sa mga abot kayang mga lohiya ng mga pamantasan. Ang karamihan sa mga akomodasyon ito, na kinabibilangan ng Otel ng Maynila, ay nangasa bulebar Roxas na nakaharap sa look ng Maynila at sa mga distrito ng Ermita at Malate. Ang mga tanyag na distrito ng Ermita at Malate ay may mga pook pang-aliwan tulad ng mga otel, kainan, klub, bar, kapihan, pangsining at pangkulturang gusali at mga antigong tindahan. Maunlad dito ang negosyong pang-industriya at turismo at sa gabi hanggang sa madaling araw tanyag ang mga kasino, klub, bar, pook-pamkapihan at mga disko dahil buhay ang diwa ng buhay Bohemyan. Sa kalagitnaan ng lungsod nandodoon ang Intramuros, at ang mga pook ng kanyang mga kuta at mga bartolina, lumang simbahan, mga kolonyal na tahanan, at mga kalesa. Nakakalat sa buong lungsod ang ibang pang mga makasaysayang pook at pook-palatandaan, mga liwasan, mga museo, at mga pook-pampalakasan. Pook-palatandaan Apolinario Mabini Shrine Chinatown (distrito ng Binondo) Embahada ng Estados Unidos (Mga) distrito ng Ermita at Malate Intramuros, ang nagsasanggalang pader na ginawa ng mga Kastila, orihinal na Lungsod ng Maynila Jumbo Floating Hotel Katedral ng Maynila Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas Kutang Santiago Liwasang Paco Liwasang Rizal, kilala rin bilang Luneta Manila Baywalk Simbahan ng Malate Manila Boardwalk Manila City Hall Manila Ocean Park Manila Yacht Club Manila Zoological and Botanical Garden (Manila Zoo) Metropolitan Theater Museo Pambata Otel ng Maynila Pader ng alaala para sa mga naging biktima ng batas militar - Bonifacio Shrine Palasyo ng Malakanyang, opisyal na paninirahan ng Pangulo ng Pilipinas Pambansang Aklatan ng Pilipinas Pambansang Museo ng Pilipinas Plaza Lorenzo Ruiz Plaza Miranda Plaza Rajah Sulayman Quirino Grandstand Remedios Circle Sentrong Pangkultura ng Pilipinas Simbahan ng Quiapo Simbahan ng San Agustin Simbahan ng San Sebastian Unibersidad ng Santo Tomas Sementeryo Sementeryong Manila Chinese Sementeryo ng La Loma Sementeryo del Norte (websayt ) Sementeryong katimugan (websayt ) Liwasang Paco Otel Ang lungsod ay may mga akomodasyon na mula sa mga matataas na uri ng hotel hanggang sa mga abot kayang mga lohiya ng mga pamantasan. Karamihan sa mga akomodasyon ito, na kinabibilangan ng Otel ng Maynila, ay matatagpuan sa bulebar Roxas na nakaharap sa look ng Maynila at sa mga distrito ng Ermita at Malate. Museo Bahay Tsinoy Intramuros Light and Sound Museum, Intramuros Pangunahing Pambansang Museo, Kalye ng Padre Burgos Museo ng Maynila, dating gusali ng Pre-War Army-Navy Club, Liwasang Rizal Museo Pambata, dating gusali ng Pre-War Elk's Club, Liwasang Rizal Pambansang Museo ng Pilipinas, Liwasang Rizal Parokya ng Ina ng Inabanduna - Sta. Ana (artepakto noong kapanahunan ng mga Hispano) Plaza San Luis, Intramuros San Agustin Church Museum, Intramuros The Museum - De La Salle University-Manila, abenidang Taft, Malate Museo ng UST sa Sining at Agham/Siyensiya Mga pook-palakasan Rizal Memorial Sports Complex, Kalye ng Vito Cruz, Malate Rizal Memorial Coliseum Rizal Memorial Track and Football Stadium Rizal Memorial Baseball Stadium Ninoy Aquino Stadium San Andres Gym (Mail and More Arena), ang nagsilbing tahanan ng dating Manila Metrostars Pamahalaan Katulad ng mga lungsod sa Pilipinas, ang Maynila ay pinamamahalaan ng isang alkalde na namumuno ng mga eksklusibong kagawaran ng lungsod. Ang kasalukuyang alkalde para sa terminong 2007-2010 ay si Alfredo Lim, na gumawa ng pagbabalik sa bahay-pamahalaang panlungsod ng Maynila na pagkatapos ng pagsisilbi ng 3 taong termino bilang senador. Ang alkalde ng lungsod ay may tatlong termino (siyam na taon ang kabuuan), at pwedeng ihalal muli kung lalaktaw ng isang termino. Si Isko Moreno ay ang kasalukuyang bise-alkalde ng lungsod ang namumuno sa mga pambatasang kawil ng lungsod na binubuo ng mga nahalal na mga konsehal na namumuno sa anim na distritong pambatas ng Maynila. Ang lungsod ay nahahati sa 897 na mga barangay, ang pinakamaliit na lokal na yunit na pamahalaan ng Pilipinas. Ang bawat barangay ay may sariling kagawad at konsehal. Para sa mas maayos na sistema ayon sa mga administratibo, ang lahat ng barangay sa Maynila ay igrinupo sa 100 mga sona at muling igrinupo para buuin ang 16 na distritong pang-heograpiya. Ang mga distrito at sonang ito ay walang anumang uri ng lokal na pamahalaan. Ang lungsod ay may anim na mga kinatawan na ihinahalal para sa kapulungan ng mga kinatatawan ng Pilipinas, ang mas mababang uri ng pambatasan na isa sa mga kawil ng administrasyon ng Pilipinas. Ang bawat kinatawan ay rumereprisinta sa isa sa bawat anim na tagapagbatas na distrito ng Maynila. Sagisag ng lungsod Ang sagisag ng lungsod ay naglalaman ng mga salitang Lungsod ng Maynila at Pilipinas na paikot sa isang kalasag sa loob ng isang bilog. Ang pabilog ay naglalaman ng anim na dilaw na bituwin na sumisimbolo sa anim na distritong pambatas ng Maynila. Ang kalasag, na kinuha ang inspirasyon noong kapanahunan ng Hispano, ang lumalarawan sa palayaw na Pearl of the Orient at nakapwesto sa hilagang-gitna; dagatleon sa gitna, na naimpluwensiyahan ng Hispano; at ang agos ng Ilog Pasig at ng Look ng Maynila sa katimugang parte. Ang mga kulay ng selyo ay sumasalamin sa kulay ng watawat ng Pilipinas. Ang dagatleon sa selyo ng Maynila ay hiniram ng Singapore para sa kanilang merlion. Distrito Ang lungsod ay nababahagi sa labing-anim na distrito. Isa lang ang distritong hindi isang bayan, na ang Pier ng Maynila. Walong (8) distrito ay nasa hilaga ng Ilog Pasig at walo (8) sa timog. Ang San Andres Bukid ay dating bahagi ng Santa Ana, habang ang Santa Mesa ay dating bahagi ng Sampaloc. Ang mga distritong ito ay di dapat ikalito sa anim na pangkinatawang distrito ng Maynila. Lahat ng distritong ito, na hindi kinabibilangan ng Puerto ng Maynila, ay may sariling mga simbahan, at ang ilan sa mga distritong ito ay nakamit ang pagkakilanlan sa sariling paninindigan. Ang Intramuros bilang pinakamatanda at naging orihinal na Maynila ay naging makasaysayang pook. Ang distrito ng Binondo ay ang Chinatown ng lungsod. Ang Tondo ay ang may pinakamalaking kapal ng populasyon, pinakamalawak na nasasakupan at nangunguna pagdating sa kahirapan. Ang pambansang bayani na si Jose Rizal ay tinatangkilik sa Liwasang Paco at iba pang pook sa Maynila. Ang mga distrito ng Ermita at Malate ay kilala at sikat sa mga turista, dahil marami ditong bar, kainan, limang-bituing otel, at liwasan. Ang mga distrito ng San Miguel at Pandacan ay tumatayong tahanan ng opisyal na residente ng Pangulo ng bansa, ang Palasyo ng Malakanyang. Pambansang mga opisina ng pamahalaan Ang lungsod ng Maynila ang kabisera ng Pilipinas at ang tahanan ng mga politika sa bansa. Noong kapanahunan ng pamahalaang kolonyal ng Amerikano, nagpahayag sila ng magiging hitsura ng lungsod sa labas ng pader ng Intramuros. Sa kalapit na "Bagumbayan" o sa kasalukuyan ay ang Liwasang Rizal, ang piniling sentro ng pamahalaan at ang komisyon ng pagdidisenyo ay ipinaubaya kay Daniel Burnham para gumawa ng plano para sa lungsod na hango sa Washington D.C.. Napabayaan yaong plano at natigil ang konstruksiyon dahil sa pagsilakbo ng ikalawang digmaang pandaigdig. Dahil sa pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon, ang bagong sentro ng pamahalaan ay inilipat sa mga bundok sa hilagang silangan ng Maynila, na ngayon ay Lungsod Quezon. Lumikha ng base ang ilang mga ahensiya ng pamahalaan sa Lungsod Quezon. May mga importanteng opisina na nanatili sa Maynila tulad ng Opisina ng Pangulo, ang Korte Suprema, Hukuman ng Apela, ang Bangko Sentral ng Pilipinas, ang kagawaran ng Badyet, Pananalapi, Kalusugan, Katarungan, Paggawa at Empleyo, at Turismo. Ang Maynila din ang tahanan ng iba't ibang importanteng institusyong pambansa tulad ng Pambansang Aklatan, Pambansang Arkibos, Pambansang Museo at Pambansang Ospital ng Pilipinas. Edukasyon Ang Maynila ang tahanan ng mga unibersidad, dalubhasaan at pamantasan sa Kalakhang Maynila. Ang tinaguriang Sinturon ng mga pamantasan na kilala ng bansa na may magandang edukasyong maihahandog ay matatagpuan sa distrito ng Malate, Ermita, Intramuros, Paco, San Miguel, Quiapo at Sampaloc. Ilan sa kanila ay ang mga pamantasang pang-estado katulad ng Unibersidad ng Pilipinas, Maynila sa Ermita at Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Santa Mesa; Pamantasang Normal ng Pilipinas, Pamantasang Kristiyano ng Pilipinas, Pamantasan ng Kababaihan ng Pilipinas, Pamantasang De La Salle-Maynila at De La Salle-College of Saint Benilde sa abenidang Taft; mga katolisismong pamantasan katulad ng Kolehiyo ng San Beda sa San Miguel, Unibersidad ng Santo Tomas sa Sampaloc at ang Pamantasan ng San Pablo sa Ermita; mga pribadong pamantasan tulad ng Pamantasan ng Silangan, Pamantasan ng Dulong Silangan at Pamantasang Centro Escolar sa Recto; at ang mga katolisismong pamantasan na Colegio de San Juan de Letran, Mapúa Institute of Technology at ang Lyceum of the Philippines University; at ang pamantasang pag-aari ng lungsod, ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa Intramuros, dalubhasahang lungsod ng maynila o @Universidad de Manila sa may tabi ng Estasyong Central Terminal ng LRT-1. Ang dibisyon ng mga pamantasan ng lungsod-Maynila na isang sangay ng kagawaran ng edukasyon ay tumutukoy sa tatlong pampublikong sistema ng edukasyon ng lungsod. Namamahala ito ng 71 elementaryang pampublikong paaralan, 32 pampublikong mataas na paaralan, at 2 pampublikong unibersidad. Ang lungsod din ang namamahala sa Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila, ang pilotong pang-agham na iswkelahan ng Pilipinas; ang Pambansang Museo ng Pilipinas, kung saan ang matatagpuan ang Spoliarium ni Juan Luna, ang Kalakhang Museo, ang pangunahing museong moderno at dalubhasa sa mga biswal na sining; ang Museong Pambata, pook na pabor sa mga kabataang Pinoy para sila ay matuto at ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay matatagpuan sa liwasang Rizal. Midya Serbisyong pang-koreo Ang gusali ng Post Office na tahanan ng korporasyong pamkoreo ng Pilipinas ay matatagpuan sa talampakan ng Tulay ng Jones. Ito rin ang tahanan ng Philippine Postal Bank, ang pangunahing kompanya na nagpapatakbo ng tagahatid ng mga koreo sa bansa. Tagalathala at publikasyon Ang Maynila ang tahanan ng mga pangunahing kompanyang tagalathala sa Pilipinas. Sa pook daungan matatagpuan ang karamihan ng punong himpilan ng mga ito. Ang industriyang tagalathala ng mga kasalukuyang pangyayari ay isa sa mga legasiya ng kolonisasyon ng mga Amerikano sa Pilipinas, na gumawa ng daan para kalayaan ng mga tagapaglathala. Ilan sa mga pangunahing publikasyon sa Maynila ay ang Manila Times, ang Manila Bulletin, ang Philippine Star, ang Manila Standard Today, The Daily Tribune at marami pang iba. Mga pahayagan Ang Maynila ang tahanan ng ilang pambalita at opisinang tagapaghatid ng pahayagan, ahensiya o serbisyo na kinabibilangan ng Office of the Press Secretary at Radio-TV Malacañang o RTVM (ang tagapagbalita ng Mga Pangulo ng Pilipinas) na matatagpuan sa Palasyo ng Malakanyang. Ang lungsod din ang tahanan ng prestihiyoso at eksklusibong organisasyon ng mga manunulat na tinawag na Samahang Plaridel. Ang mga miyembro ay kinabibilangan ng ilang kilalang tagapaglathala, patnugot, at taga-pagbalita ng bansa. TV at radyo Ang punong himpilan ng mga pangunahing estasyon ng TV ay matatagpuan sa Lungsod Quezon at hindi lahat ng studyo ng Kamaynilaang Pinalawig ay matatagpuan sa Maynila. Inprastraktura Transportasyon Pampublikong transportasyon Ang Maynila bilang pangunahing lungsod, ay mayroong iba't ibang uri ng mga transportasyon. Ang pinakilala sa lahat ng uri nito ay ang mga dyipni na sinimulang gamitin pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. May mga kilala rin transportasyon bukod sa dyipni tulad ng mga bus, taksi at Tamaraw FX. Ang mga motorsiklo at pedicab ay ginagamit sa mga bumabiyahe ng maiikling distansiya. Sa ilang pook, lalo na sa Divisoria, ang mga motor pangtinda ay pinagkakasya sa pedicab para mahatid ang mga paninda. May pook na pinagpapaliban ang modernong kapanahunan tulad ng Binondo at Intramuros na gumagamit pa rin ng Kalesa. Ang lungsod ay pinagsisilbihan ng SMRP ng Maynila (ang uring ito ng transportasyon ay bukod pa sa MRTS o Metro Rail Transit System). Isa sa mga prioridad ng proyektong pambayan ay nakatoon sa pagpapaluwag ng masikip na daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila. Ang pagpapaunlad ng sistema ng riles ay nagsimula noong itinaguyod ito noong dekada 70 sa pamamahala ng administrasyon ni Marcos at ito ang kauna-unahang transportasyon ng riles sa Timog-silangang Asya. Kamakailan lang, ang sistema ng riles ay nakaranas ng malawigang pagpapalawak dahil sa paglaki ng populasyon ng lungsod. Ito ay nagkakahalaga ng ilang bilyong dolyar. Ang layunin ng proyektong ito ay magkaroon ng alternatibong uri ng transportasyon para matugunan ang pangangailangan ng lumalaking bilang ng mga sasakyan. Dalawang linya nito ang nagsisilbi sa mga naninirahan sa lungsod, ang linyang berde na dumadaan sa abenidang Taft (R-2) at abenidang Rizal (R-9), at ang linyang bughaw na dumadaan sa bulebard ng Ramon Magsaysay (R-6) simula Santa Cruz, patungong Lungsod Quezon hanggang sa Santolan sa Pasig. Ang lungsod ang kabisera ng pamahalaan ng riles sa Luzon. Ang pangunahing terminal ng Pambansang Daanan ng mga riles ng Pilipinas ay matatagpuan sa Tondo. Ang mga daanan ng riles na pinalawig at sa kasalukuyan ay dumadaan sa San Fernando, Pampanga at sa Legazpi, Albay. Ito ang mga pangunahing sistema ng riles. Ang mga estasyon na nasa talaan na ito ay matatagpuan sa Maynila: Linyang Berde (LRT 1) - R. Papa, Abad Santos, Blumentritt, Tayuman, Bambang, Doroteo Jose, Carriedo, Terminal Sentral, United Nations, Pedro Gil, Abenida Quirino at Vito Cruz Linyang Bughaw (LRT-2 o MRT-2) - Recto, Legarda, Pureza at V. Mapa PNR: Vito Cruz, Herran (Pedro Gil), Pandacan, Santa Mesa, España, Laong Laan, Blumentritt at Tutuban. Himpapawid Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (PPNA) ang nagsisilbi sa Maynila, kalakhang Maynila at sa mga kalapit lalawigan. Ang Terminal 2 (o ang Centennial Terminal) ay binuksan noong 1999 Oktubre. Ang Philippine Airlines na nagbibigay karangalan sa ating bansa ang gumagamit sa terminal na ito para sa lokal at pandaigdigang lipad. Ang ilang pandaigdigang lipad ang gumagamit sa orihinal na terminal ng PPNA. Binuksan sa publiko ang PPNA-3 noong Agosto ng 2008. Ito ang tahanan ng Cebu Pacific, Air Philippines at PAL Express na nakatuon sa mga pandaigdigan na lipad. Ilang kilometro lang ang layo ng PPNA sa Maynila kaya naman ang mga dayuhan ay madaling makakapasok at makakaalis ng lungsod. Mga lansangan Ang mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila ay igrinupo bilang mga daang radyal at daang palibot (radial roads and circumferential roads). Ang Bulebar Roxas, ang pinakakilalang lansangan sa Maynila, ay matatagpuan sa dalampasigan ng Look ng Maynila. Ang naturing na bulebar ay kabilang sa Daang Radyal Blg. 1 (o R-1) na patungong Kabite. Ang Bulebar Espanya na kabilang sa Daang Radyal Blg. 7 (R-7) ay nag-uumpisa sa Quiapo at nagtatapos sa Welcome Rotonda na nasa hangganan ng Lungsod Quezon. Ang lansangang Pres. Sergio Osmeña Sr. na kabilang sa South Luzon Expressway o Daang Radyal Blg. 3 (R-3) ay ang pinaka-importanteng lansangan na dumudugtong sa Maynila sa mga lalawigan sa katimugang Luzon. Dalawa sa mga anim na daang palibot ay matatagpuan sa loob ng lungsod: ang C-1 at C-2. Mga tulay May walong pangunahin na tulay sa Maynila. Ang karamihan sa mga ito ay idinudugtong ang katimugang parte ng Maynila sa hilagang parte nito. Dahil hinahati ng ilog Pasig ang kalakhang Maynila sa dalawa, karamihan ng tulay sa kalakhang Maynila ay pinagdudugtong ang hilaga at katimugang parte nito. Mayroong dalawang tulay na riles na tumatawid sa ilog, ang Light Rail Transit 1 at ang daanan ng Philippine National Railways. Ang mga tulay na nakatala sa ibaba ay nakasaayos simula kanluran hanggang silangan. Ang Del Pan, na pinakamalapit sa bukana ng ilog Pasig at look ng Maynila ay ang nauuna sa talaan kung pagbabasihan ang pagsasaayos mula kanlurang hanggang silangan. Tulay ng Roxas - dating tinawag na tulay ng Del Pan (San Nicolas hanggang sa Daungan ng Maynila) Tulay ng Jones - (Binondo hanggang Ermita) Tulay ng MacArthur (Santa Cruz hanggang Ermita) Tulay ng LRT 1 (Estasyon ng Carriedo hanggang Central Station) Tulay ng Quezon (Quiapo hanggang Ermita) Tulay ng Ayala (San Miguel hanggang Ermita) Tulay ng Mabini - dating tinawag na tulay ng Nagtahan (Santa Mesa hanggang Pandacan) Tulay ng Lambingan (Punta hanggang Santa Ana) Mga daungan Ang daungan ng Maynila na matatagpuan sa bukana ng look ng Maynila, ay kinilala bilang "Pambansang Punong pandaungan ng Pilipinas" dahil ito ang pangunahing daungan ng bansa. Pinagsisilbihan nito ang pangunahing pangangailangan ng lungsod tulad ng ekonomiya at pinauunlad ang turismong panindustriyal. Ang hilaga at katimugang daungan ay nakakaranas ng pagka-abala twing bakasyon o mga araw na may selebrasyon tulad ng Mahal na Araw, Araw ng Kalululuwa at Kapaskohan. Pasig River Ferry Service Ang bukana ng Ilog Pasig ay matatagpuan sa lungsod. Ang Pasig River Ferry Service na nagpapatakbo ng 17 estasyon na matatagpuan sa bukana ng Ilog Pasig simula Plaza Mexico sa Intramuros hanggang sa lungsod ng Pasig ang nagsisilbing pantawid at transportasyong pandagat ng kalakhang Maynila. Pitong estasyon ang matatagpuan dito sa Maynila. Nakatala sa ibaba ang mga estasyon at nakaayos ayon sa pagkasunod-sunod: Mga medikal na pasilidad Ang Maynila ang tahanan ng punong himpilan ng Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan sa Pilipinas, ang pangunahing opisina ng Kagawaran ng Kalusugan, at ilang opsital at medikal na pasilidad. Ang Kagawaran ng Kalusugan ng Maynila na may kakayahang magplano at magpatupad ng mga programmang pangkalusugan sa lungsod, ay nagpapatakbo ng 44 na medikal na pasilidad at mga pasilidad na matatagpuan sa mga imprastraktura na nakakalat sa buong lungsod. Ilan sa mga tanyag ospital ng lungsod ay ang Manila Doctors' Hospital at Philippine General Hospital sa Abenidang Taft; Chinese General Hospital and Medical Center, Dr. Jose R. Reyes Memorial Medical Center, at San Lazaro Hospital sa distrito ng Santa Cruz; University of Santo Tomas Hospital sa Sampaloc; at ang Ospital ng Maynila Medical Center na pag-aari ng lokal na pamahalaan sa Malate. Pandaigdigang kaukulan Mga kapatid na lungsod Ang Maynila ay may 33 mga kapatid na lungsod (lokal at pandaigdigan) at tatlong kaalyadong lungsod. Pandaigdigang relasyon Acapulco, Mehiko New Delhi, India Bangkok, Thailand (1997) Beijing, Tsina (2002) Bucharest, Rumanya Cartagena, Kolombiya (1986) Guangzhou, Tsina (1982) Havana, Cuba Hayfa, Israel (1971) Honolulu, Haway, Estados Unidos Jakarta, Indonesya Lungsod ng Ho Chi Minh, Biyetnam Jersey City, Bagong Jersey Lungsod ng Lima, Peru Madrid, Espanya (1987) Málaga, Espanya Montréal, Québec, Canada (2007) Moscow, Rusya Nice, Pransiya Nur-Sultan, Kazakhstan Sacramento, California, Estados Unidos San Francisco, California, Estados Unidos Santiago, Chile Sydney, Bagong Timog Gales, Australia Taichung, Republika ng Tsina Taipei, Republika ng Tsina (1966) Takatsuki, Osaka, Hapon Tehrān, Iran Winnipeg, Canada (1979) Yokohama, Kanagawa, Hapon Mga kaligang lungsod Busan, Timog Korea Shanghai, Tsina Xi'an, Tsina Mga kapatid na lungsod (Pilipinas) Lungsod ng Cebu, Pilipinas Lungsod ng Davao, Pilipinas Silipin din Kalakhang Maynila - Ang metropolitanyong pook ng Pilipinas, ang pambansang punong rehiyon. Labanan sa Maynila - Iba't ibang labanan na nangyari sa lungsod na ito para sa walang kamatayang kalayaan. Maynilang Imperyal - Bansag sa lungsod at sa buong Kalakhang Maynila dahil sa ekonomiya nito. Napapaderang Lungsod - Ang bansag sa lungsod dahil sa nakasangalang pader o ang Kutang Santiago. Kawil panlabas Opisyal na websayt ng lungsod ng Maynila Pamahalaan ng Maynila Ang Mapa ng Maynila Mga Pangunahing Lansangan ng Maynila ZIP | Postal Codes ng Maynila Wikitravel - Manila Sipian Biblyograpya . , (Vol. 1, no. 3). . . . . ISBN 0-85989-426-6, ISBN 978-0-85989-426-5 Talababa Kabisera sa Asya Kasaysayan ng Pilipinas Maynila Mga bayan at lungsod sa Pilipinas Pilipinas
586
https://tl.wikipedia.org/wiki/Talaan%20ng%20mga%20makasaysayang%20anibersaryo
Talaan ng mga makasaysayang anibersaryo
Ito ang kalendaryo ng mga makasaysayang anibersaryo. Para sa artikulo tungkol sa kalendaryo tingnan ang kalendaryo. Mga Inihandang Sanggunian Pandaigdig Daily Content Archive World History Database On This Day Today In British History History Channel (US): This Day in History History Channel (UK): This Day in History The New York Times: On This Day On-This-Day.com The Internet Movie Database: This Day in Movie History BBC: On This Day Dates in American Naval History Today in Australian History Today in New Zealand History Iranians' History on This Day Library of Congress American Memory's Today in History Computer History Museum This Day In History HistoryPod Days of the Year Pilipinas Official Calendar. Official Gazette of the Republic of the Philippines Calendar of Festivities. Kagawaran ng Turismo (Pilipinas) Daily Events in History. The Kahimyang Project ALAM MO BA 'TO? Blogspot Artikulo History from Day to Day, Philippine Magazine: January 16 – February 20, 1941. Official Gazette of the Republic of the Philippines Important Philippine anniversaries archives. Philippine Daily Inquirer July 24 – A Dark Day in Philippine History. Philippine Daily Inquirer Filipino History. On This Day Philippines. Britannica Important Events in Philippine History. Camperspoint Philippines Important Dates in Philippine History and Contemporary Times. Blogspot
587
https://tl.wikipedia.org/wiki/Ensiklopedya
Ensiklopedya
Ang isang santaláalaman, ensiklopedya, ensiklopidya, ensayklopidya, o ensayklopidiya (wikang Espanyol: enciclopedia, wikang Ingles: encyclopedia) ay isang koleksiyon ng mga kaalaman ng tao. Ang terminong ito ay nagmula sa salitang Griyego na εγκύκλιος παιδεία, enkyklios paideia ("sa loob ng sirkulo ng pagturo"). Mula sa salitang εγκύκλιος, na may ibig sabihing hugis sirkito na binubuo ng mga salitang κύκλος o sirkito at παιδεία, o pagtuturo. Ang mga ensiklopedya ay maaaring naglalaman ng malawak na kaalaman sa iba't ibang larangan (Ang Encyclopædia Britannica ay isang kilalang halimbawa), or maaring naglalaman lamang patungkol sa isang partikular na larangan (tulad ng mga ensiklopedya ng medisina o pilosopiya). Mayroon din mga ensiklopedya na naglalaman ng paksa tungkol sa isang partikular na kultura o pangbansang panannaw, tulad ng Great Soviet Encyclopedia. Ang mga tao ay bumuo ng maraming ensiklopedya sa kasaysayan nito, ngunit ang terminong ensiklopedya ay ginamit lamang noong ika-16 daantaon. Mga naunang ensiklopedya Maraming naunang manunulat (tulad ni Aristotle) ang sumubok na isulat ang buong kaalman ng tao. Ngunit si John Harris ay ang madalas na kinikilala sa pagbu noong 1704 ng format na ginagamit ng mga ensiklopedya ngayon sa pamamagitan ng kanyang Lexicon technicum. Ang doktor na si Sir Thomas Browne ay gumamit ng salitang ensiklopedya upang tawagin ang pinagsamsang refuted Vulgar Errors na tinatawag din bilang Pseudodoxia Epidemica noong 1646 (ika-6 na edisiyon 1676). Ang kinikilalang Encyclopædia Britannica ay mayroong mapakumbabang pinagmulaanan: mula 1768 hangang 1771 tatlong tomo ang naipalimbag. Maari na ang pinakakinikilalang sa mga naunang ensiklopedya ay ang French Encyclopédie ni Jean Baptiste le Rond d'Alembert at ni Denis Diderot na nabuo noong 1772 (28 tomo, 71,818 na artikulo, 2,885 na larawan o ilustrasyon). Ang hirarkiyal na kaayusan at ang paglaki ng mga santaláalaman ay bagay na bagay sa disk-based o on-line na pormang pangkompyuter, at ang karamihan ng mga nakasulat na santaláalaman ay lumipat na sa ganitong paraan ng paglimbag sa katapusan ng Ika-20 siglo. Disk-based (kadalasang sa pormang CD-ROM) ay murang murang magagawa at napakadaling dalahin kung saan saan. At maari din magsama ng mga impormasyong hindi magagawa sa nakasulat sa papel na porma tulad ng mga animation, audio, at video. Hyperlinking mula sa mga iba't ibang bagay ay malaki din ang naitutulong, dahil makakatipid sa oras sa pagbuklat ng mararaming tomo ng kasulatan. Ang on-line na ensiklopedya ay nagbibigay naman ng impormasyong dynamic - ang mga makabagong impormasyon ay maaring agad-agad na maidadagdag sa dokumento na hindi kaya ng pormang statiko tulad ng galing sa CD-ROM o libro. Ang mga impormasyon sa nakalimbag na santaláalaman a nangangailangan ng isang hirarkiyal na kaayusan, at kadalasan ang ginagamit na paraan ay ang pagaayos ng mga impormasyon base sa alphabeto ng mga titulo. Sa pamamagitan ng dynamic na porma, ang ganitong klaseng kaayusan ay hindi na kinakailangan. Ngunit, karamihan ng mga elektronik na santaláalaman ay nagbibigay pa rin ng kaayusan sa mga artikulo nito tulad ng pagaayos ayon sa paksa o ang pangkaraniwang ayos base sa alphabeto. Ang artikulong ito ay parte ng Wikipedia, na isang santaláalaman. Patungkol sa pagbaybay Hindi mali ang mga baybay na encyclopedia, encyclopaedia, o encyclopædia. Gayon man sa kasaysayan, kumakatawan sa isang napakalumang pagkakamali ang dalawang nahuli. Ayon sa Oxford English Dictionary, isang "psuedo-Greek" ang baybay na may ae o æ at "isang anyo na lubusang mali (sinasabing maling pagbasa) na nangyayari sa MSS. ni Quintilian, Pliny, at Galen". Sinusulat ng Oxford English Dictionary na di matagpuan ang æ sa orihinal na Griyego enkyklios paideia para sa "edukasyong encyclical", isinisalarawan bilang "ang sirkulo ng sining at agham na inaayunan ng mga Griyego bilang kailangan sa isang liberal na edukasyon". Pinapahayag ng Oxford English Dictionary na ang baybay na may æ ay "pinangalagaan na maging lipas na sa pamamagitan ng katotohanan na may pamagat na Latin bilang Encyclopædia Britannica ang karamihan ng mga tinatawag na mga gawa. Kinabibilangan ng gayong ensiklopedya ang pinagbigkis na anyo na æ sa kanyang opisyal na pangalan. Di bababa sa kalahati ang pagkabanggit sa Oxford English Dictionary sa mga tinatawag na "maling" baybay. Di naghahayag ng pagpili ang Oxford English Dictionary o ang Webster's Third New International Dictionary, bagaman nilalagay ng Britanikong Oxford English Dictionary ang anyong æ sa una, at nilalagay naman Amerikanong Webster sa ikalawa. Tingnan ang listahan ng mga ensiklopedya para sa mga link sa isang partikular na santaláalaman. Tingnan din Kasaysayan ng agham at teknolohiya Ensiklopedista Aklatan at agham pang-impormasyon Panitikan Leksikograpiya Diksiyonaryo Paggawa ng mga reperensiya Pauly-Wissowa Mga tanyag na ensiklopedista bago mag-1700 Suidas Vincent ng Beauvais (Vicente ng Beauvais) Bartholomeus de Glanvilla (Bartolome ng Ingglaterra) John Henry Alsted Louis Moréri John Jacob Hoffman Pierre Bayle, para sa mga edisyong nasa Internet, pumunta sa www.lett.unipmn.it Vincenzo Coronelli Theodor Zwinger (1533-1588) Sir Thomas Browne (1605-82), tingnan ang penelope.uchicago.edu Pliny the Elder San Isidoro ng Seville (San Isidro ng Sevilla) Hrabanus Maurus Ensiklopedyang Yongle Mga kawing panlabas Isang malaking listahan ng mga link sa mga diksiyonaryo at ensiklopedya (huling binago Nob. 1999) Online free encyclopedia Encyclopedia meta-search ng CNET (kabilang ang Wikipedia) Encyclopedia Meta Search (hinahanap ang malapit sa 20 nasa Internet na ensiklopedya sa isang hanapan, kabilang ang Wikipedia) Aklat
588
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kalakhang%20Maynila
Kalakhang Maynila
Ang Kalakhang Maynila (), tinatawag din bilang Pambansang Rehiyong Kapital (), ay ang kabiserang rehiyon at isa sa mga itinakdang kalakhang pook ng Pilipinas. Binubuo ito ng 16 na lungsod: ang Lungsod ng Maynila, Lungsod ng Quezon, Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, San Juan, Taguig, at Valenzuela, pati na rin ang bayan ng Pateros. Ang rehiyon ay may sukat na at kabuuang populasyon na 12,877,253 noong 2015. Ang rehiyon ay sentro ng politika, pangangalakal, lipunan, kultura, at pang-edukasyon ng Pilipinas. Ayon sa iprinoklamang Utos ng Pampanguluhan Blg. 940, ang kabuuan ng Kalakhang Maynila ay ang sentro ng pamahalaan habang ang Lungsod ng Maynila ang kabisera. Ang pinakamalaking lungsod sa Kamaynilaan ay ang Lungsod Quezon, samantalang ang pinakamalaking distritong pangkalakalan ay ang Lungsod Makati. Ang Kalakhang Maynila ang pinakamaraming naninirahan sa tinutukoy na 12 kalakhan ng Pilipinas at pang-11 sa pinakamaraming naninirahan sa buong mundo. Batay sa senso noong 2010, ito ay may populasyon na 11,855,975, katumbas ng 13% populasyon ng bansa. Ang kabuuang produktong pampook ng Kalakhang Maynila ayon noong Hulyo 2011 ay tinatayang $159 bilyon o 33% ng kabuuang produktong pambansa. Sa loob ng taong 2011, ayon sa PricewaterhouseCoopers, ito ay pang-28 sa mga pinakamalalaking ekonomiya sa pinagsamasamang lungsod sa buong mundo at pang-4 sa Timog-Silangang Asya. Batay sa census noong 2007, ay populasyon ay 11,553,427. Kung isasama sa pagbibilang ng populasyon ang mga katabing lalawigan (Bulacan, Kabite, Laguna at Rizal) ng Malawakang Maynila, ang populasyon ay humigit kumulang 20 milyon. Kasaysayan Isang makasaysayang kaharian na kilala bilang Maynila ang kabilang sa mga teritoryo na minsang nasaklaw sa mga sinaunang kaharian. Kasama rin dito ang mga isla sa paligid ng Maynila at Tondo, ngunit may mas maliit na kaharian din katulad ng Tambobong, Taguig, Pateros, at ang pinagtibay na kaharian ng Cainta. Naging kabisera ito ng kolonyal na Pilipinas, at ang Intramuros ay nagsilbi bilang sentro ng kapangyarihang kolonyal. Noong 1898, isinama ang lungsod ng Manila at 23 iba pang mga bayan. Ang Mariquina ay nagsilbi ring kabisera ng Pilipinas mula 1898–1899, noong inilipat ang soberanya ng Pilipinas sa Estados Unidos. Noong 1901, ang lalawigan ng Maynila ay pinawalangbisa at halos lahat ng teritoryo nito ay inilipat sa noo'y bagong lalawigan ng Rizal. Mula pa noong panahong kolonyal ng mga Espanyol, ang Maynila ay itinuturing bilang isang orihinal na lungsod pandaigdig. Ang galeon ng Maynila ay ang pinaka-unang kilalang kalakalan na naglayag sa rutang pangkalakaran sa Karagatang Pasipiko sa loob ng 250 taon, na nagdadala sa Espanya ng mga karagamentong may luho, benepisyong pang-ekonomiya, at pagpapalit ng kultura.During the American period, at the time of the Philippine Commonwealth, American architect and urban designer Daniel Burnham was commissioned to create the grand Plan of Manila to be approved by the Philippine Government. The creation of Manila in 1901 is composed of the places and parishes of Binondo, Ermita, Intramuros, Malate, Manila, Pandacan, Quiapo, Sampaloc, San Andrés Bukid, San Fernando de Dilao, San Miguel, San Nicolas, Santa Ana de Sapa, Santa Cruz, Santa Mesa and Tondo. Meanwhile, the towns and parishes of Caloocan, Las Piñas, Mariquina, Pasig, Parañaque, Malabon, Navotas, San Juan del Monte, San Pedro de Macati, San Felipe Neri, Muntinlupa and the Taguig-Pateros area were incorporated into the province of Rizal. Pasig serves as its provincial capital. In 1939, President Quezon established Quezon City with a goal to replace Manila as the capital city of the country. A masterplan for Quezon City was completed. The establishment of Quezon City meant the demise of the grand Burnham Plan of Manila, with funds being diverted for the establishment of the new capital. World War II further resulted in the loss most of the developments in the Burnham Plan, but more importantly, the loss of more than 100,000 lives at the Battle of Manila in 1945. Later on, Quezon City was eventually declared as the national capital in 1948. The title was re-designated back to Manila in 1976 through Presidential Decree No. 940 owing to its historical significance as the almost uninterrupted seat of government of the Philippines since the Spanish colonial period. Presidential Decree No. 940 states that Manila has always been to the Filipino people and in the eyes of the world, the premier city of the Philippines being the center of trade, commerce, education and culture. During the war, President Manuel L. Quezon created the City of Greater Manila as an emergency measure, merging the cities of Manila and Quezon City, along with the municipalities of Caloocan, Las Piñas, Mariquina, Pasig, Parañaque, Malabon, Navotas, San Juan del Monte, San Pedro de Macati, San Felipe Neri, Muntinlupa and the Taguig-Pateros area. Jorge Vargas was appointed as its mayor. Mayors in the cities and municipalities included in the City of Greater Manila served as vice mayors in their town. This was in order to ensure Vargas, who was Quezon's principal lieutenant for administrative matters, would have a position of authority recognized under international military law. The City of Greater Manila was abolished by the Japanese with the formation of the Philippine Executive Commission to govern the occupied regions of the country. The City of Greater Manila served as a model for the present-day Metro Manila and the administrative functions of the Governor of Metro Manila that was established during the Marcos administration. On November 7, 1975, Metro Manila was formally established through Presidential Decree No. 824. The Metropolitan Manila Commission was also created to manage the region. On June 2, 1978, through Presidential Decree No. 1396, the metropolitan area was declared the National Capital Region of the Philippines. When Metro Manila was established, there were four cities, Manila, Quezon City, Caloocan, Pasay and the thirteen municipalities of Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasig, San Juan, Taguig, Valenzuela and Pateros. At present, all of these municipalities except for one have become an independent charted city; only Pateros remains as a municipality. President Ferdinand Marcos appointed his wife, First Lady Imelda Marcos as the first governor of Metro Manila. She launched the City of Man campaign. The Cultural Center of the Philippines Complex, Metropolitan Folk Arts Theater, Philippine International Convention Center, Coconut Palace and healthcare facilities such as the Lung Center of the Philippines, Philippine Heart Center, and the Kidney Center of the Philippines are all constructed precisely for this purpose. President Marcos was overthrown in a non-violent revolution along EDSA, which lasted three days in late February 1986. The popular uprising, now known as the People Power Revolution, made international headlines as "the revolution that surprised the world". In 1986, President Corazon Aquino issued Executive Order No. 392, reorganizing and changing the structure of the Metropolitan Manila Commission and renamed it to the Metropolitan Manila Authority. Mayors in the metropolis chose from among themselves the chair of the agency. Later on, it was again reorganized in 1995 through Republic Act 7924, creating the present-day Metropolitan Manila Development Authority. The chairperson of the agency will be appointed by the President and should not have a concurrent elected position such as mayor. Former Laguna province governor Joey Lina was the last to serve as the Officer-In-Charge governor of Metro Manila. By late 2014, then-MMDA Chairman Francis Tolentino proposed that San Pedro, Laguna be included in Metro Manila as its 18th member city. Tolentino said that in the first meeting of the MMDA Council of mayors in January 2015, he will push for the inclusion of the city to the MMDA. Senator Aquilino "Koko" Pimentel III is seeking the separation of the city of San Pedro from the first legislative district of Laguna province to constitute a lone congressional district. In 2015, Pimentel filed Senate Bill No. 3029 for the creation of San Pedro as a separate district to commence in the next national and local elections. Heograpiya Matatagpuan sa 14°40' H 121°3 S, ang Kalakhang Maynila ay nasa isang isthmus na naghahanggan sa Lawa ng Laguna sa timog silangan at sa Look ng Maynila sa kanluran. Ang pook metropolitan ay nasa malawak na kapatagan. Naghahanggan ang sakop nito sa Bulacan sa hilaga, sa lalawigan ng Rizal sa silangan, sa Laguna sa timog at sa Kabite sa timog kanluran. Hinahati ng Ilog Pasig ang Kalakhang Maynila na nagdudugtong sa dalawang katubigan kinahahanggan nito sa kanluran at silangan. Pinakamaliit sa mga rehiyon ng Pilipinas ang Kalakhang Maynila, subalit pinakamatao at pinakamakapal ang populasyon nito. 636 kilometrong parisukat ang lawak nito at pinapaligiran ito ng mga lalawigan ng Bulacan sa hilaga, Rizal sa silangan, at Laguna at Cavite sa timog. Matatagpuan naman sa kanluran ng Kalakhang Maynila ang Look ng Maynila at sa timog-silangan naman ang Laguna de Bay. Dumadaloy sa gitna ng Kalakhang Maynila ang Ilog Pasig na siyang nagdudugtong Laguna de Bay sa Look ng Maynila. Ang Kalakhang Maynila ay itinuturing swampy isthmus na may karaniwang elebasyon na 10 metro. Ang pangunahing anyong tubig ng Kalakhang Maynila ay ang Ilog Pasig; ito ang humahati sa isthmus ng Kalakhang Maynila. Klima Ayon sa pagbubukod ng klima na Köppen, ang Pambansang Punong Rehiyon ay may tropikong basa at tuyo na klima at tropikong balaklaot na klima. Ang Kalakhang Maynila ay may maikling tagtuyo mula Enero hanggang Mayo, at may pagkahabang tag-ulan mula Hunyo hanggang Disyembre. Pamahalaan at politika Mga lungsod at bayan Ang labimpitong mga yunit ng lokal na pamahalaan ng Kalakhang Maynila ay administratibong kapantay sa mga lalawigan. Binubuo ang mga ito ng labing-anim na mga malayang lungsod na iniuri bilang "mga lungsod na mataas na urbanisado", at isang malayang bayan: Pateros. Mga distrito Hindi tulad ng ibang rehiyon na nahahati sa mga lalawigan, nahahati ang Kalakhang Maynila sa limang hindi administratibong distrito, na nakauri batay sa heograpiya nito gamit ang Ilog Pasig bilang reperensiya. Nabuo ang mga distritong ito noong 1976 ngunit walang lokal na pamahalaan o may kinatawan sa kongreso, salungat sa mga lalawigan. Ginagamit ang mga distritong ito para sa layuning piskal at estadistikal. Nahahati ang mga lungsod at munisipyo sa Kalakhang Maynila sa apat na distrito, ang mga ito ang sumusunod: Ekonomiya Ang Pambansang Punong Rehiyon ay bumuo ng 36% ng pambansang kita noong 2018. Lugar ng Libangan at Palatandaan Transportasyon Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, ang pampublikong sakayan sa Kalakhang Maynila ay binubuo ng mga sumusunod: 46% ng mga tao ay lumilibot sa pamamagitan ng mga dyipni, 32% sa pamamagitan ng mga pampribadong kotse, 14% sa pamamagitan ng bus, at 8% ay gumagamit ng sistemang daambakal. Nakaalinsunod ang pagpapausbong ng transportasyon ng Kamaynilaan sa Metro Manila Dream Plan, na binubuo ng pagpapatayo ng mga impraestruktura na tatagal hanggang 2030 at tumutugon sa mga usaping ukol sa trapiko, paggamit ng lupain, at kalikasan. Mga daan at lansangan Itinayo ang mga daan ng Kamaynilaan sa paligid ng Lungsod ng Maynila. Ibinukod ang mga daan bilang mga lokal na daan, pambansang daan, o daang subdibisyon. Mayroong sampung daang radyal na lumalabas ng lungsod. Gayundin, mayroong limang daang palibot na bumubuo sa isang serye na mga bilugang hating-bilog na arko sa paligid ng Maynila. Ang mga daang palibot at daang radyal ay mga sistema ng nakakonektang daan at lansangan. Isang suliranin sa mga daang palibot ay mga nawawalang daan (missing road links). Ito ay mga daan na hindi pa itinatayo (sa ngayon) para magbigay-daan sa pagpapausbong dahil sa mabilisang urbanisasyon ng Kamaynilaan. Inilulutas na ng kalakhan ang suliraning ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga nawawalang daan o sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga daang nag-uugnay (connector roads). Isang mahalagang daang palibot ay ang Daang Palibot Blg. 4 (o C-4), na binubuo ng Daang C-4 sa Navotas at Malabon, Daang Samson sa Caloocan, at EDSA (Abenida Epifanio de los Santos]]. Dumadaan ito sa mga lungsod ng Pasay, Makati, Mandaluyong, Lungsod Quezon, at Caloocan. Sinusundan ng Linya 3 ng MRT ang pagkakalinya ng EDSA mula Abenida Taft sa Pasay hanggang Trinoma malapit sa sangandaan nito sa Abenida North. Ang Daang Palibot Blg. 5, o mas-kilala bilang C-5, ay nagsisilbi sa mga nakatira malapit sa mga hangganang panrehiyon ng Kamaynilaan at nagsisibi ring alternatibong ruta para sa C-4. Ang pinakatanyag na daang radyal ay ang Daang Radyal Blg. 1 (R-1), na binubuo ng Kalye Bonifacio (Bonifacio Drive), Bulebar Roxas, at Manila–Cavite Expressway (o Coastal Road). Inuugnay nito ang Kalakhang Maynila sa lalawigan ng Kabite. Ang mga iba pang kilalang daang radyal sa Kamaynilaan ay ang Daang Radyal Blg. 3 (R-3), o ang South Luzon Expressway na nag-uugnay ng Kamaynilaan sa Laguna; Daang Radyal Blg. 6, na binubuo ng Bulebar Ramon Magsaysay, Bulebar Aurora, at Lansangang Marikina–Infanta na dumadaan patungong Rizal; Daang Radyal Blg. 7 (R-7), na nag-uugnay ng Maynila sa Lungsod Quezon at San Jose del Monte, Bulacan; at Daang Radyal Blg. 8 (R-8), o ang mga daan ng Abenida Bonifacio at North Luzon Expressway na nag-uugnay ng Kamaynilaan sa mga lalawigan sa hilaga tulad ng Bulacan at Pampanga. Ang sistemang daang radyal at palibot ay kasalukuyang pinapalitan ng isang bagong sistema ng nakabilang na lansangambayan na ipinapatupad ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), at kasalukuyang inilalagay ang mga bagong palatandaan sa pagpapatupad nito. Itinatanda ang mga mabilisang daanan ng mga bilang na may unlaping "E" (nangangahulugang "expressway" o mabilisang daanan). Itinakda naman ang mga pambansang lansangan ng mga bilang may isa hanggang tatlong tambilang, maliban lamang sa mga lansangang iniuri bilang mga pambansang daang tersiyaryo. Sa ngayon, tuluy-tuloy ang pagtatayo ng Metro Manila Skyway Stage 3 at ang NAIA Expressway Phase 2 na bahagi ng Metro Manila Dream Plan. Kabilang sa mga iba pang proyekto itinatayo ay ang pagpapaganda ng EDSA, pagtatayo ng Taft Avenue Flyover, at ang pagtatayo ng mga nawawalang daan para sa mga daang palibot circumferential roads (hal. Metro Manila Interchange Project Phase IV). Mga sistemang daambakal May tatlong linyang daambakal ang Kalakhang Maynila, na pinangangasiwaan ng dalawang entidad. Ang Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (LRTA) ay nagtatakbo ng Linya 1 (Linyang Lunti) at Linya 2 (Linyang Bughaw). Sa kabilang banda, ang Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila ay nagtatakbo ng Linya 3 (Linyang Dilaw) na dumadaan sa EDSA. Ang Unang Linya ay may 560,000 bilang ng mga mananakay kada linggo. Noong Pebrero 2014, ang kabuuang bilang na 14.06 milyong pasahero ang gumamit ng Unang Linya habang 6.13 milyon naman ang gumamit ng Ikalawang Linya.  Sa kasalukuyan, itinatayo ang Ikapitong Linya ng Metro Rail Transit ng Maynila (Linyang Pula). Pag-nakumpleto, uugnayin nito ang Kalakhang Maynila sa lalawigan ng Bulacan. Bukod pa riyan, isang common station na mag-uugnay ng Unang Linya, Ikatlong Linya, at Ikapitong Linya ay nakapanukala, subalit ang pagtatayo nito ay hinahadlangan ng burukrasya sa Kagawaran ng Transportasyon (DOTr), mahigpit na alitan sa korporasyon, at mga usapin ukol sa ipinapanukalang lokasyon nito. Ipinanukala na ipapahaba ang Linya 1 papuntang Bacoor sa lalawigan ng Kabite. Isang ikalawang pagpapahaba, ang Ika-anim na Linya ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila, ang mag-uugnay ng Bacoor sa Dasmarinas sa kahabaan ng Lansangang Aguinaldo. Sa ngayon, itinatayo ang Silangang Ekstensyon ng Linya 2. Ang silangang ekstensyon na ito ang mag-uugnay ng Kalakhang Maynila sa lalawigan ng Rizal. Ipapahabain rin ito pakanluran sa hinaharap, at dahil diyan mas-dadami ang ugnayan sa mga lugar ng Divisoria at Pier 4 at ang Pantalan ng Maynila. Ang Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR) ay nagpapatakbo ng isang serbisyong riles pang-komyuter sa Kalakhang Maynila na tinatawag na PNR Metro South Commuter. Ang pangunahing estasyong terminal nito ay matatagpuan sa Tutuban sa Tondo. Kapag nakumpleto na ang kanlurang karugtong ng Linya 2, ang Tutuban ay magiging pinaka-maabalang estasyong palitan sa buong kalakhan, na may dagdag na isa pang 400,000 tao mula sa kasalukuyang 1 milyong tao na pumupuntang Tutuban Center. Himpapawid Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) na matatagpuan sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque ay ang primerang pasukan sa Kalakhang Maynila. Ito lamang ang paliparan na naglilingkod sa rehiyon at ito ang pinaka-abalang paliparan sa bansa. Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino ay nahahati sa mga apat na terminal: ang Terminal 1, ang Terminal 2 na ekslusibong ginagamit ng Philippine Airlines, ang Terminal 3 na pinakabago at pinakamalaki sa NAIA komplex, at ang Terminal 4 na kilala rin bilang Manila Domestic Passenger Terminal. Ang isa pang paliparan na naglilingkod sa Kalakhang Maynila ay ang Paliparang Pandaigdig ng Clark na matatagpuan sa Angeles, Pampanga. Ferry Ang Pasig River Ferry Service na pinapatakbo ng MMDA ay ang sistemang shuttle na lantsang pantawid ng Kalakhang Maynila. Dumadaan ito sa Ilog Pasig mula Plaza Mexico sa Intramuros hanggang Barangay Pinagbuhatan sa Pasig. Bagamat itinuturi itong ferry, mas-kahawig nito ang isang taksi na pantubig. Ito ay may labimpitong (17) estasyon, subalit labing-apat (14) lamang ang gumagana. Demograpiko Ang Pambansang Punong Rehiyon ay may populasyon na , ayon sa pambansang senso 2015. Ang kabuuang pook-urban (urban area), na binubuo ng pinagsamang pook-urban na tumutukoy sa tuluy-tuloy na paglawak ng urbanisasyon ng Kamaynilaan patungong Bulacan, Kabite, Laguna, Rizal, at Batangas ay may populasyon na . Ito ang pinakamataong rehiyon sa Pilipinas, ang ikapitong pinakamataong kalakhan sa Asya, at ang ikatlong pinakamataong pook-urban sa buong mundo. Ang mga pinakamataong lungsod sa Kamaynilaan ay Lungsod Quezon (2,936,116), Maynila (1,780,148), Caloocan (1,583,978), Taguig (804,915), Pasig (755,300), Parañaque (665,822), Valenzuela (620,422), Las Piñas (588,894), Makati (582,602), at Muntinlupa (504,509). Mga slum Noong 2014, tinatayang may apat na milyong mga tumitira sa mga slum sa Kalakhang Maynila. Isang pangunahing suliranin sa mga lungsod ng Kalakhang Maynila ang kawalan ng tirahan. Edukasyon Kalusugan Seguridad at Pulisya Palingkurang-bayan Kuryente Tubig Komunikasyon Pamamahala ng mga Basura Tingnan din Heograpiya ng Pilipinas Mga rehiyon sa Pilipinas Pilipinas Sanggunian Maynila Kalakhang Maynila Luzon
589
https://tl.wikipedia.org/wiki/Makina
Makina
Ang makina ay isang mekanikal o de-kuryenteng bagay ng naglilipat o nagbabago ng enerhiya upang makagawa o makatulong sa mga gawain ng tao. Mga sanggunian Teknolohiya Makina Inhenyeriya
602
https://tl.wikipedia.org/wiki/Enero
Enero
Ang Enero ay ang unang araw ng taon sa sa kalendaryong Gregoryano at Juliyano at ang una sa pitong buwan na may habang 31 araw. Kilala ang unang araw ng buwan bilang ang Araw ng Bagong Taon. Ito ang, sa katamtaman, ang pinakamalamig na buwan ng taon sa karamihan sa Hilagang Emisperyo (kung saan ito ang ikalawang buwan ng tagniyebe) at ang pinakamainit na buwan ng taon sa Timog Emisperyo (kung saan ito ang ikalawang buwan ng tag-araw). Sa Timog Emisperyo, ang Enero ay ang katumbas na panahon ng Hulyo sa Hilagang Emisperyo at ang kabaligtaran nito sa isa't isa. Kasaysayan Hinango ng Tagalog ang "Enero" mula sa Kastila na "Enero" na mula sa medyebal na Kastilang "janero" na mula bulgar na Latin na jānuāirō. Sa orihinal na Latin, Ianuarius ang Enero na ipinangalan kay Jano, ang diyos ng mga simula at mga transisyon sa mitolohiyang Romano. Sa tradisyon, binubuo ang orihinal na kalendaryong Romano ng 10 buwan na may kabuuang 304 araw, na tinuturing ang tagniyebe bilang panahon na walang buwan. Noong mga 713 BC, ang semi-mitikong kahalili ni Romulus, si Haring Numa Pompilio, ay diumanong dinagdag ang mga buwan ng Enero at Pebrero, upang masasakop ng kalendaryo ang pamantayang taon na lunar (354 araw). Bagaman Marso ang orihinal na unang buwan sa lumang kalendaryong Romano, naging Enero ang unang buwan ng taon sa kalendaryo alinman dahil sa ilalim ni Numa o sa ilalim ng Desenbirato noong mga 450 BC (magkakaiba ang mga manunulat na Romano). Mga simbolo Granate ang birthstone o batong-kapanganakan ng Enero, na kinakatawan ang katatagan. Ang bulaklak-kapanganakan ay ang kulay rosas na Dianthus caryophyllus, galanthus o tradisyunal na klabel. Ang mga senyas ng sodyak ay Capricornio (hanggang Enero 19) at Acuario (Enero 20 pataas). Mga pagdiriwang Hindi kinakailangan ang talang ito na magpahiwatig ng aliman sa katayuang opisyal o pangkalahatang pagdiriwang. Buong buwan Buwan ng Kamalayan ng Alzheimer (Canada) Buwan ng Pambansang Kodependensiya (Estados Unidos) Nakapirmi Disyembre 25 – Enero 5: Labing-dalawang Araw ng Pasko (Kristiyanong Kanluranin) Enero 1 Araw ng Bagong Taon Pista ng Pagtutuli kay Kristo Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos (Simbahang Katoliko) Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan Araw ng Dominyong Publiko (maraming bansa) Enero 6 Epipanya o Araw ng Tatlong Hari (Kristiyanong Kanluranin) o Teopanya (Kristiyanong Silanganin), at mga kaugnay na pagdiriwang: Araw ni Befana (Italya) Pasko (Simbahang Apostolikong Armeniyo) Bisperas ng Pasko (Rusya, Ukranya, Bosnia at Herzegovina, at Hilagang Macedonia) Maliit na Pasko (Irlanda) Þrettándinn (Iceland) Araw ng Tatlong Mago Enero 7 Pasko (Simbahang Ortodokso ng Silangan at mga Simbahang Ortodoksiyang Orienta gamit ang kalendaryong Juliyano, Rastafari) Pasko sa Rusya, Ukranya, at Bosnia at Herzegovina Enero 13 Lumang Bisperas ng Bagong Taon (Rusya, Belarus, Ukranya, Serbia, Montenegro, Hilagang Macedonia), at kang kaugnay na pagdiriwang: Malanka (Ukranya, Rusya, Belarus) Enero 16 Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos (Simbahang Koptiko) Araw ng Thiruvalluvar (Tamil Nadu, India) Enero 27 Pagpapalaya ng natitirang bilanggo ng Auschwitz Enero 30 Pagmamartir ni Mahatma Gandhi-na mga kaugnay na pagdiriwang: Araw ng mga Martis (Indiya) Paaralang Araw ng Walang Karahasan at Kapayapaan (Espanya) Simula ng Panahon ng Walang Karahasan: Enero 30 – Abril 4 Mga sanggunian Buwan (panahon)
603
https://tl.wikipedia.org/wiki/Dalubtalaan
Dalubtalaan
Ang dalubtalaan o astronomiya ay isang agham na kinapapalooban ng pagmamasid at pagpapaliwanag ng mga kaganapang nangyayari sa labas ng Daigdig at ng himpapawid nito. Pinag-aaralan nito ang pinagmulan, pagbabago, at mga katangiang pisikal at kimikal ng mga bagay na mapagmamasdan sa kalangitan (na nasa labas ng atmospero), pati ang mga kaugnay na mga proseso at kababalaghan. Ang astronomiya ay isa sa mga piling agham na kung saan gumanap ng aktibong papel ang mga amateur, lalu na sa pagtuklas at pagmonitor ng di-palagiang kabalaghaan (transient phenomena). Hindi dapat ipagkamali ang astronomiya sa astrolohiya, na nagpapalagay na ang kapalaran ng tao at pamumuhy sa pangkahalatan ay may kaugnayan sa nakikitang na kinalalagyan ng mga bagay sa kalangitan—kahit na ang dalawang larangang na ito ay magkapareho ang pinagmulan; sinusunod ng mga astronomo ang makaagham na pamamaraan, habang hindi ito sinusunod ng mga astrologo. Etimolohiya ng salita Ang salitang astronomiya ay nagmula sa Wikang Griyegong αστρονομία = άστρον + νόμος, astronomia = astron + nomos, na mayroong literal na kahulugang "batas ng mga bituin". Mga inoobserbahan Ibang mga planeta Ibang araw Iba pang mga makikita sa kalawakan, katulad ng itim na butas Agham
622
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kapuluan
Kapuluan
Ang kapuluan (Ingles: archipelago), ay isang lupon ng mga pulo o kaya'y katubigan na naglalaman ng mga malalaki o maliliit na pulo. Ang Pilipinas, Hapon, Indonesia, Taiwan, Bagong Silandiya, Maldives at ang Kapuluang Britaniko ay mga tanyag na halimbawa ng mga kapuluan. Uring pangheolohiya Ang mga kapuluan ay maaring matagpuang nagiisa sa malawak na bahagi ng karagatan o kaya'y kalapit lamang ng mga malalaking anyong lupa. Halimbawa, ang Eskosya ay may humigit kumulang 700 na pulong pumapalibot dito na bumubuo ng mga kapuluan. Ang mga kapuluan ay madalas nabuo mula sa pagsabog ng mga bulkan sa ilalim ng dagat ngunit maari ring mabuo dulot ng erosyon, deposisyon, at pagbabago sa elebasyon ng lupa. Naaayon sa pinagmulan nito, ang mga isla ay inuuri bilang mga oceanic islands, continental fragments, o continental islands. References Mga pulo
624
https://tl.wikipedia.org/wiki/Telebisyon
Telebisyon
Ang telebisyon (mula sa espanyol Televisión) o tanlap (tanaw + diglap) ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan. Naging patungkol sa lahat ng aspeto ng programa at pagpapadalang pantelebisyon ang katagang ito. Isa itong pamamaraang telekomunikasyon na ginagamit upang makapaghatid ng tunog at gumagalaw na imaheng may iisang kutis ng kulay, may ibat-ibang kulay, o may tatlong sukat. Pwede itong tumukoy sa set ng telebisyon, isang programa sa telebisyon, o ang pamamaraan ng paghatid sa telebisyon.  Ang telebisyon ay pangmasang panghatid, ng libangan, edukasyon, balita o pag-alok. Kasaysayan Iminungkahi at ipinatente ni Paul Gottlieb Nipkow ang unang sistema ng telebisyon na elektromekanikal noong 1884. Sumulat si A. A. Campbell Swinton sa Nature noong 18 Hunyo 1908 at tinalakay ang kanyang konsepto tungkol sa telebisyong elektroniko na ginagamit ang tubo ng sinag ng cathode na inimbento ni Karl Ferdinand Braun. Nagbigay siya ng panayam tungkol dito noong 1911 at nagpakita ng mga diyagrama ng sirkito. Sa simula pa lamang, ang mga signal pantelebisyon ay ipinapamahagi bilang telebisyong panlupa, gamit ang malalakas na frequency upang magpasahimpapawidng signal sa mga indibidwal na tagatanggap telebisyon. Bilang kahalili, ang mga signal pantelebisyon ay ipinapamahagi gamit ang kableng co-axial o optical fibre, mga sistema ng satellite, at ng internet. Bago pa noong unang bahagi ng taong 2000, ang mga ito ay ipinapahatid bilang mga signal na analog, pero ang mga bansa ay sinimulang gumamit ng digital, ang pagbabagong ito ay inaasahang makumpleto para sa buong mundo sa huling bahagi ng ika-21 dekada. Ang isang pamantayang set ng telebisyon ay kinabibilangan ng maraming panloob na electronic circuit, kasama na rito ang apinador upang makatanggap at makabasa ng inihatid na signal. Ang isang aparatong nagpapahayag pangmata na walang apinador ay nararapat na tawaging monitor na bidyo lamang at hindi telebisyon. Ang pagdating ng digital na telebisyon ay nagpahintulot ng mga likha tulad ng  mga Smart TV. Ang Smart TV, kung minsang tinatawag ding kunektadong TV o hybrid TV, ay set ng telebisyon na isinama ang internet at ang mga katangian ng Web 2.0, at isa itong halimbawa ng tagpong teknolohika sa pagitan ng mga kompyuter at mga set ng telebisyon. Bukod sa mga tradisyunal na nagagawa ng mga set ng telebisyon na itinakda sa pamamagitan ng tradisyunal na panghatid pangmasa, ang mga aparatong ito ay kaya ring maghandog ng internet a TV, interactive na paghahatid online, mas maganda kaysa sa inaasahang nilalaman, pati na rin paagos na paghahatid impormasyon na kinakailangan, at saka daan upang makapaghatid impormasyon sa tahanan. Ang isang aparatong nagpapahayag pangmata na walang apinador ay nararapat na tawaging bidyo monitor lamang at hindi telebisyon. Tingnan din Listahan ng mga palabas sa telebisyon sa Pilipinas Reality television Telefantasya Mga kawing na panlabas Telebisyon.net Paglilibang
626
https://tl.wikipedia.org/wiki/Talaan%20ng%20mga%20analogong%20himpilang%20pangtelebisyon%20sa%20Pilipinas
Talaan ng mga analogong himpilang pangtelebisyon sa Pilipinas
Ito ang talaan ng mga analogong himpilang pantelebisyon sa Pilipinas. May dalawang pangunahing himpilan ang nakikipagkompetisyon para sa mas malaking pagkuha ng manonood; angGMA Network Inc. at TV5 Network Inc (isa ang ABS-CBN sa pinakamalaking analogong himpilan hanggang nawala ang frequency nila dahil napaso na ang prangkisang lehislatura nila at hindi naaprubahan ng Kongreso ang kanilang aplikasyon para sa pagpanibago ng prangkisa.) Kilala ang mga himpilang sumasahimpapawid ng libre (o free-to-air) sa kanilang flagship na tsanel (halimbawa, PTV 4, RPN 9, IBC 13, TV5 at GMA 7 (Maynila) sa halip na People's Television Network, Radio Philippines Network, Intercontinental Broadcasting Corporation, TV5 Network at GMA Network ayon sa pagkakabanggit). Nagsimulang nawala ang analogong telebisyon sa Pilipinas noong Pebrero 28, 2017, at nakatakda itong makumpleto sa 2023. Gumagamit lahat ng mga estasyon ng TV ng pamantayang NTSC. Kalakhang Maynila Maynila Estasyong VHF Estasyong UHF Di-aktibong Estasyon Cordillera Administrative Region (CAR) Abra Benguet Mountain Province Region I (Ilocos Region) Ilocos Norte Ilocos Sur Pangasinan Region II (Cagayan Valley) Batanes Cagayan Isabela Nueva Vizcaya Region III (Central Luzon) Aurora Bataan Bulacan Nueva Ecija Pampanga Tarlac Zambales Region IV-A (Calabarzon) Batangas *Ang mga senyas ay makikita sa ilang bahagi ng Metro Manila. Cavite Laguna Quezon Province Rizal Province Southwestern Tagalog Region (MIMAROPA) Occidental Mindoro Oriental Mindoro Palawan Romblon Region V (Bicol Region) Albay Camarines Norte Camarines Sur Catanduanes Masbate Sorsogon Region VI (Western Visayas) Aklan Capiz Iloilo Negros Occidental Region VII (Central Visayas) Bohol Cebu Negros Oriental Region VIII (Eastern Visayas) Leyte Samar Eastern Samar Region IX (Zamboanga Peninsula) Zamboanga del Norte Zamboanga del Sur Zamboanga Sibugay Zamboanga City Region X (Northern Mindanao) Bukidnon Lanao del Norte Misamis Occidental Misamis Oriental Region XI (Davao Region) Davao del Norte Davao del Sur Davao Oriental Region XII (SOCCSKSARGEN) Cotabato South Cotabato Region XIII (Caraga Region) Agusan del Norte Agusan del Sur Surigao del Norte Surigao del Sur Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Lanao del Sur Maguindanao Sulu Telebisyon sa Pilipinas
627
https://tl.wikipedia.org/wiki/Talaan%20ng%20mga%20palabas%20sa%20telebisyon%20sa%20Pilipinas
Talaan ng mga palabas sa telebisyon sa Pilipinas
Isa itong talaan ng mga palabas sa telebisyon na ginawa sa Pilipinas. # 100% Pinoy 24 Oras A Aalog-alog Adyenda A Rosy Life Abangan ang Susunod na Kabanata All Star K! Atlantika ASAP Aksyon All About You All Together Now Anatomy of a Disaster Ang Dating Daan Ang Iglesia ni Cristo Ang Tamang Daan Ang Pagbubunyag Ang Probinsyano Art Angel Art Jam Asian Treasures Assignment At Home Ka Dito At Your Service ATBP Ayon Sa Biblia Alakdana B Bahay Mo Ba `To Bakekang Balita Ala-Una Balita Alas Singko ng Umaga Balitaan Balitang Amianan Balitang Balita Balitang Bisdak Balitanghali Balitanghali Iloilo Balitanghali Cebu Balitanghali Davao Balita Ngayon Balita sa IBC Balita sa IBC Huling Ulat Balita sa Tanghali Bandila Bitag Bitoy's Funniest Videos Biyaheng Langit Basta Sports Basta't Kasama Kita Bible Guide Biblically Speaking Bida Si Mister, Bida Si Misis Bubble Gang Buhay Pinoy C Carmina Case Unclosed Celebrity Bluff Celebrity Duets CelebriTV Celebrity Turns Cielo de Angelina Click Captain Barbell CNN Philippines Balitaan CNN Philippines Newsroom Cuore D Daddy Di Do Du Daisy Siete Debate with Mare at Pare Digital LG Quiz Dong Puno Live Darna Doraemon Dragonball Dwarfina E Eat Bulaga! Eateria Emergency Extra Challenge Encantadia F Failon Ngayon Fanatxt Fantastikids Flame of Recca Family Feud G Game na Game na Ghost Fighter H Hapi House! Hooo U? Homeboy Hanggang Kailan Home Along Da Riles Home Along Da Airport Hokus Pokus I IBC Balita Ngayon IBC Express Balita IBC Headliners IBC News 5'O Clock Report IBC News 5:30 Report IBC Newsbreak IBC News Tonight IBC TV-XPress I-Balita Iba-Balita I-Witness Idol Ko Si Kap Idol Philippines Ikaw Sa Puso Ko Ikaw Sana Imbestigador Islands Newsbreak Itanong Mo Kay Soriano Ito Ang Balita It's Showtime It Might Be You I Heart You Pare J Jessica Soho Reports Jewel in the Palace Judy Ann Drama Special JuMong Jackie Chan Adventures K Kachorra Kadenang Ginto Kakabakaba Adventures Kamandag Kapuso Mo, Jessica Soho Kapwa Ko Mahal Ko Kay Susan Tayo Kontrobersyal Kumikitang Kabuhayan Kapamilya Blockbusters Kapuso Movie Festival Kitchen Superstar Kidlat L La Luna Sangre Loren Love Story in Harvard Lagot Ka Isusumbong Kita Love Letter Love to Love Lovely Day Lukso Ng Dugo Love of the condor heroes M Marimar Mahiwagang Baul Ma. Del Carmen Maalaala Mo Kaya Magandang Gabi, Bayan Magandang Umaga Bayan Magandang Tanghali Bayan Masayang Tanghali Bayan Magpakailanman Maging Sino Ka Man Mangarap Ka Marina Marinara Master Showman Presents May Bukas Pa May Minamahal Maynila Mel & Joey Metro One Mobile Kusina Monica Brava Morning Girls With Kris and Korina MTB, Ang Saya Saya Mulawin Mulawin vs. Ravena My Girl N News @ 1 News @ 6 Newslife Newslight Newsline World News on Q National Network News Newsline Mindanao Newsline Philippines News Patrol News Team 13 News Watch Nginiig Nuts Entertainment Now and Forever O Ok Fine! Whatever On the Wings of Love P Palaban Palibhasa Lalake Pambansang Almusal Pambansang Balita Ala-Una Pambansang Balita Alas Singko Pangunahing Balita Partners with Mel Tiangco Patrol ng Pilipino Philippine Idol Philippine Lottery Draw Pilipinas Gising Ka Na Ba? Pilipinas Game KNB? Pinoy Big Brother Pipol Private I Pinoy Idol Pinoy Meets World Pinoy Pop Superstar Princess Hours Princess Lulu Pokemon PTV News R Ratsada Reporter's Notebook S S-Files Saksi Sana Maulit Muli Sana'y Wala Nang Wakas Sarah, The Teen Princess Secret Garden Sentro Sentro Balita Simpleng Hiling Sineskwela SIS SOP SOP Gigsters Special Assignment Sports Unlimited Stage One: The Starstruck Playhouse Shaider Sports 37 Star Circle Quest Star In A Million Starry Starry Night Starstruck Starstruck Kids Startalk Super Twins Showbiz Stripped Starbox T Tabing Ilog Tawag ng Tanghalan Teen Gen Testigo Testigo Northern Mindanao TEN:The Evening News The Buzz The Iglesia ni Cristo and the Bible The Message The Veronica Chronicles The Weekend News (PTV) The Weekend News (ABS-CBN) Today with Kris Aquino Tonight with Boy Abunda TV Patrol TV Patrol Central Visayas TV Patrol Negros TV Patrol Chavacano TV Patrol Southern Mindanao TV Patrol Northern Mindanao TV Patrol North Central Luzon TV Patrol Northern Luzon TV Patrol Central Mindanao TV Patrol Tacloban TV Patrol Cagayan Valley TV Patrol Palawan TV Patrol Southern Tagalog TV Patrol Bicol TV Patrol Pampanga TV Patrol Socsksargen U Unang Hirit V Valiente Victim W Wansapanataym Willing Willie Wil Time Bigtime Wowowillie Wowowin Wish Ko Lang Wowowee Y Yes Yes Show Pilipinas Telebisyon Pilipinas
629
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pebrero
Pebrero
Ang Pebrero ang ikalawang buwan ng taon sa Kalendaryong Gregoryano at ng Juliyano. Mayroong 28 araw ang buwan sa karaniwang taon at 29 sa bisyestong taon, na ang ika-29 na araw ay tinatawag na bisyestong araw. Ito ang una sa limang buwan na hindi 31 araw (ang ibang apat ay Abril, Hunyo, Setyembre, at Nobyembre) at ang tanging buwan na mas mababa sa 30 araw. Ikatlo at huling buwan ang Pebrero sa tagniyebeng meteorolohiko sa Hilagang Emisperyo. Sa Timog Emisperyo, ikatlo at huling buwan ang Pebrero ng tag-init na meteorolohiko (na Agosto ang katumbas na panahon sa Hilagang Emisperyo). Sa Ingles, February ang tawag sa buwang ito. Ang salitang Pebrero ay hango sa salitang Kastila na Febrero. Ang buwan ay ipinangalan kay Februus, and diyos ng kadalisayan ng mga sinaunang Romano. Ang Enero at Pebrero ang pinakahuling buwan na dinagdag sa kalendaryo, dahil para sa mga Romano, ang tag-lamig ay panahon na walang buwan. Sa buwan ding ito ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso o Araw ni Valentin. Kasaysayan Ipinangalan ang buwang Romano na sa katawagang Latin na , na nangangahulugang "puripikasyon", sa pamamagitan ng rituwal ng puripikasyon na na ginaganap tuwing Pebrero 15 (kabilugan ng buwan) sa lumang lunar na kalendaryong Romano. Ang Enero at Pebrero ang huling dalawang buwan na naidagdag sa kalendaryong Romano, yayamang orihinal na tinuring ng mga Romano ang tagniyebe na isang panahon na walang buwan. Dinagdag ang dalawang buwan na ito ni Numa Pompilio noong mga 713 BC. Nanatiling huling buwan ng kalendaryo ang Pebrero hanggang sa panahon ng mga desenbirato (c. 450 BC), nang naging ikalawang buwan ito. May mga panahon na tinanggalan ng araw ang Pebrero sa 23 o 24 araw na lamang ang natitira, at agad na pinasok ang isang 27-araw na buwang interklaro, ang Interkalaris, pagkatapos ng Pebrero upang muling ihanay ang taon sa mga panahon. Mga huwaran Mayroon lang 28 araw sa mga karaniwang taon, tanging Pebrero lamang ang buwan na dadaan na walang isang kabilugan ng buwan. Gamit ang Pangkalahatang Tugmang Oras bilang batayan para sa pagtukoy sa petsa at oras ng isang kabilugan ng buwan, huling nangyari ito noong 2018 at muling mangyayari sa 2037. Totoo din ito sa isang bagong buwan: muli, kapag gagamitin ang Pangkalahatang Tugmang Oras bilang batayan, huling nangyari ito noong 2014 at mangyayari uli sa 2033. Mga simbolo Ang kapanganakang-bulaklak ng Pebrero ay ang biyoleta (Biyola) at ang karaniwang primabera (Primula vulgaris), at ang Iris. Amatista ang kapanganakang-bato o birthstone nito. Sinisimbolo nito ang kabanalan, kababaang-loob, karunungang espirituwal, at pagkamatapat. Ang mga senyas ng sodyak ay Acuario (hanggang Pebrero 18) at Pissis (Pebrero 19 pataas). Mga pagdiriwang Hindi kinakailangan ang talang ito na magpahiwatig ng aliman sa katayuang opisyal o pangkalahatang pagdiriwang. Buong buwan Sa tradisyong Katoliko, ang Pebrero ay buwan ng Puripikasyon ng Pinagpalang Birheng Maria. Buwan ng Amerikanong Puso (Estados Unidos) Buwan ng Kasaysayan ng mga Itim (Estados Unidos, Canada) Pambansang Buwan ng Kalusugang Pangngipin ng mga Bata (Estados Unidos) Nakapirmi Pebrero 1 Araw ng Pagtatanggal ng Pagkaalipin (Mauritius) Pebrero 11 Araw ni Evelio Javier (Puno ng Panay, Pilipinas) Pista ng Ating Ina ng Lourdes (Simbahang Katoliko), at kaugnay nito pagdiriwang: Pandaigdigang Araw ng May Sakit (Simbahang Romano Katoliko) Pebrero 14 Presentasyon ni Jesus sa Templo (Simbahang Apostolikong Armeniyo) Araw ni San Valentin o Araw ng mga Puso (Internasyunal) Pebrero 25 Araw ng Rebolusyong EDSA (Pilipinas) Mga sanggunian Buwan (panahon) Pebrero
631
https://tl.wikipedia.org/wiki/Realidad%20na%20telebisyon
Realidad na telebisyon
Ang reality television ay isang uri ng palabas sa telebisyon kung saan ang sinusubaybayan ay ang "totoong buhay" ng mga tao at hindi mga kathang isip na tauhan na ginagampanan ng mga artista. May tatlong uri ng reality television. Ang una, ang manonood at ang camera ay pasibong nagsusubaybay ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na personal at propesyonal na gawain. Ang mga "plot" na tinipon para sa palabas ay kadalasang katulad ng mga soap opera, kaya kung minsan ay tinatawag na docusoap. Sa pangalawang uri, may mga nakatagong camera kung saan kinukunan ang mga nagkakataong dumaan sa lugar kung saan may naka-setup na sitwasyon. Ang reaksiyon nga mga dumaraan ay maaring nakakatwang panoorin pero ito rin ay nagpapakita ng katotohanan ng kalagayan ng tao. Ang pangatlong uri ay ang tinatawag na "reality game show", kung saan ang mga kasali ay tinututukan ng mga camera habang silang napapaligsahan upang makuha ang premyo. Ang isang pagkakaiba kung bakit ang "reality game show" ay mas totoo kaysa sa mga ibang game show ay maaring kasangkot ang mga manonood (ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon) sa pagpili sa kalalabasan ng palabas. Kadalasan, ang pakikisangkot na ito ay sa pamamagitan ng pagpili kung sino sa mga kasali ang matatanggal (disapproval voting), ang pinakapopular, o iba pang sistema ng pagboto. Ang isa sa pinakasikat na reality-based game show ay ang Survivor. Sa isang banda, nako-control pa rin ng mga producer ang format ng palabas at maari nilang imanipula ang kalalabasan ng ilan sa mga ito, kaya napapisip ang ilang kung gaano ba katotoo ang reality television. Tingnan din Listahan ng mga palabas na reality television sa Pilipinas
632
https://tl.wikipedia.org/wiki/Marso
Marso
Ang Marso ang ikatlong buwan ng taon sa kalendaryong Gregoryano at Juliyano. Ito ang ikalawa sa pitong buwan na may habang 31 araw. Nanggaling ang salitang Marso mula sa Kastilang Marzo. Sa Ingles, itong buwan ay tinatawag na March. Lahat ng ito ay nanggaling sa pangalan na Marte, ang diyos ng digmaan ayon sa mitolohiyang Romano. Sa Hilagang Emisperyo, ang simulang meteorolohiko ng tagsibol ay unang araw ng Marso. Minamarkahan ang 20 o 21 bilang ekwinoksiyo ng Marso na ang simulang astronomiko ng tagsibol sa Hilagang Emisperyo and ang simula ng taglagas sa Timog Emisperyo, kung saan Setyembre ang panahong katumbas sa Marso ng Hilagang Emisperyo. Kasaysayan Nagmula ang pangalang Marso sa Martius, ang unang buwan sa sinaunang kalendaryong Romano. Ipinangalan ito kay Marte, diyos ng digmaan ng mga Romano, at ang ninuno ng mga Romano sa pamamagitan ng mga anak nitong sina Romulo at Remo. Simula ng panahon ng pakikidigma ang kanyang buwan na Martius, at sinasalamin ng iba sa Oktubre ang mga pista na ipinagdiriwang sa kanyang ngalan sa Marso, nang magsasara na ang panahon para sa mga aktibidad na ito. Nanatiling unang buwan ang Martius sa kalendaryong Romano marahil noong hanggang pinakahuling 153 BC, at ilang pagdiriwang relihiyoso sa unang kalahati ng buwan ay orihinal na mga pagdiriwang ang bagong taon. Kahit noong huling antiguwedad, ang mga mosaikong Romano na ginuguhit ang mga buwan ay minsan nilalagay ang Marso bilang una. Mga simbolo Ang mga birthstone o kapanganakang-bato ng Marso ay ang agwamarina at piyedra sanggre. Sinsimbolo ng mga batong ito ang katapangan. Narsiso ang kapanganakang-bulaklak ng Marso. Ang mga senyas ng sodyak ay Pisses hanggang sa tinatayang Marso 20 at Aries mula sa tinatayang Marso 21 pataas. Mga sanggunian Buwan (panahon) Marso
633
https://tl.wikipedia.org/wiki/Asya%20%28paglilinaw%29
Asya (paglilinaw)
Asia o Asya ay maaari ring tumukoy sa mga sumusunod: Asya (kontinente) kontinenteng bahagi ng Eurasia. Asia District, Peru isang distrito sa Peru. Asia District isang distrito sa siyudad ng Oklahoma Asia Province, Imperyo Romano kilala bilang "Asya Minor" Asia sa Griyegong mitolohiya ay isang babaeng Titan Asya ay isang banda.
636
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pulo
Pulo
Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago. Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga pulo: ang mga pulong kontinental at pulo sa karagatan. Mayroon ding mga pulong artipisyal. Pulong kontinental Ang mga pulong kontinental ay mga pulo na matatagpuan sa continental shelf ng isang kontinente. Isang halimbawa nito ang isla ng Lupanlunti, na nasa kontinente ng Hilagang Amerika. Pagkakaiba ng mga pulo at mga kontinente Ang Greenland ay ang pinakamalaking pulo sa daigdig na may sukat na mahigit sa 2.1 million km², samantalang ang Australia, ang pinakamaliit na kontinente ay may sukat na 7.6 milyon km², subalit walang pamantayang sukat na makapagsasabi at magpapaiba sa mga pulo mula sa mga kontinente, o mula sa mga munting pulo. Mga sanggunian Tingnan din Listahan ng mga pulo ng Pilipinas Heograpiya
639
https://tl.wikipedia.org/wiki/Rizal
Rizal
Tungkol sa lalawigan ang artikulong ito. Para sa ibang pang gamit, sumangguni sa Rizal (paglilinaw). Ang Rizal ay isang lalawigan sa gitnang bahagi ng isla ng Luzon sa Pilipinas. Pinapaligiran ito ng Kalakhang Maynila sa kanluran, sa hilaga ang Bulacan, sa silangan ang lalawigan ng Quezon, at Laguna sa timog. Pinangalan ang lalawigan na ito sa pambansang bayani ng Pilipinas na si Gat. Jose Rizal. At ang lalawigang ito ay bahagi ng Malawakang Maynila. Kasaysayan Isa sa mga patunay ng sinaunang pamayanan sa Rizal ay ang mga ukit sa isang kuweba sa Angono na tinaguriang mga Petroglipo ng Angono. Tinatayang ginawa noong 1000 BC, ang mga petroglipo ay kinabibilangan ng mahigit 120 ukit na hugis tao, palaka, at butiki. Ang mga sinaunang mamamayan ng lalawigan ng Rizal ay unang nanirahan sa mga pampang ng Laguna de Bay. Bago dumating ang mga Kastila, ang mga pamayanang ito, gayundin ang mga pamayanan sa pampang ng Ilog Pasig, ay pinamumunuan ni Raha Sulayman na pamangkin ni Lakandula, ang pinuno ng Tondo. Matapos gapiin ng unang Kastilang gobernador-heneral na si Miguel López de Legazpi ang mga raha, inatas niya sa kanyang pamangkin na si Juan de Salcedo na lupigin ang mga bayan sa katimugan ng Luzon. Noong 1571, sunod-sunod na nakuha ni Salcedo ang mga bayan sa pamamagitan ng diplomasiya at pakikipagkasundo sa mga mamamayan. Inorganisa ang mga bayan sa mga munisipyo ng gobyernong Kastila sa Maynila. Matapos nito, ipinadala ang mga misyonero tulad ng mga Pransiskano at Heswita upang magtayo ng mga simbahan sa mga bayan at ipalaganap ang Kristiyanismo. Isa sa mga unang simbahan ay ipinatayo ng Heswitang si Padre Pedro Chirino, Kastilang iskolar na sumulat ng mga aklat tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Bago pa man maging lalawigan ang Rizal, ang mga pamayanan nito ay naging bahagi ng mga lalawigan ng Tondo at Laguna noong panahon ng mga Kastila. Gayunpaman, bago dumating ang mga Kastila, ang mga bayan ng Pasig, Parañaque, Taytay at Cainta ay binubuo na ng mga pamayanang Tagalog na nakikipag-ugnayan na sa mga Tsino at iba pang mga Asyano. Noong 1853, ang mga bayan ng Morong, Pililla, Tanay, Baras, Binangonan, Jalajala, Angono, Antipolo, Boso-Boso, Cainta at Taytay ay inalis sa lalawigan ng Tondo at inilipat sa bagong tatag na Distrito Politico-Militar de los Montes de San Mateo. Makalipas ang apat na taon, ito ay pinangalanang Distrito-Militar de Morong upang bigyang-diin na Morong ang kabisera ng distrito. Noong 1860, ang lalawigan ng Tondo ay naging lalawigan ng Maynila at ang lahat ng bayan nito ay isinailalim sa pangagasiwa ng gobernador ng Maynila. Sa kalagitnaan ng hidwaang Pilipino-Amerika noong 1900, sinimulan ang diskusyon ukol sa pagsasanib ng mga lalawigan ng Maynila at Morong. Noong 5 Hunyo 1901, 221 delegado ang dumalo sa pagpupulong sa Simbahan ng Pasig. Sa pagpupulong na ito, iminungkahi ni Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera na pagsamahin ang Maynila at Morong sa isang lalawigan ng tatawaging Rizal bilang paggunita sa bayaning si Dr. José Rizal. Noong 11 Hunyo 1901, sa pamamagitan ng Batas Blg. 137, nilikha ng Ikalawang Komisyon sa Pilipinas ang lalawigan ng Rizal na binubuo ng 19 na bayan mula sa Maynila at 14 na bayan mula sa Morong sa kabuuang 33 bayan. Sa loob ng maraming taon, nagbago ang kinasasakupan ng lalawigan ng Rizal hanggang sa ito ay buuin ng 26 na bayan (maliban sa mga lungsod ng Kalookan, at Quezon): Las Piñas, Malabon, Makati, Parañaque, Taguig, Pateros, Pasig, Marikina, Muntinlupa, Mandaluyong, Navotas, San Juan, San Mateo at Montalban (mula sa dating lalawigan ng Maynila), at Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Antipolo, Cardona, Jalajala, Morong, Pililla, Tanay, Taytay at Teresa (mula sa Distrito-Militar de Morong). Noong 7 Nobyembre 1975, sa pamamagitan ng Atas ng Pangulo Blg. 824, ang 12 sa pinakamaunlad na mga bayan ng Rizal—Las Piñas, Muntinlupa, Taguig, Parañaque, Pateros, Makati, Mandaluyong, San Juan, Malabon, Navotas, Pasig at Marikina—ay inilipat sa bagong tatag na Kalakhang Maynila. Kabilang din sa bagong rehiyon ang bayan ng Valenzuela na dating sa Bulacan, at ang mga lungsod ng Quezon, at Kalookan. Sa ngayon, ang lalawigan ng Rizal ay binubuo na lamang ng 14 na bayan—San Mateo, Montalban, Cainta, Taytay, Angono, Antipolo, Binangonan, Teresa, Morong, Cardona, Tanay, Pililla, Baras at Jalajala. Noong 13 Pebrero 1998, nilagdaan ng Pangulong Fidel V. Ramos ang Batas Pambansa Blg. 8505 na nagtatag sa bayan ng Antipolo bilang isang lungsod. Ito ay niratipika matapos ang plebisitong ginawa noong 4 Abril 1998. Heograpiya Nasa silangan ng Kalakhang Maynila ang lalawigan ng Rizal. Matatagpuan ito 20 kilometro silangan ng Lungsod ng Maynila. Pangkahalatang mabundok ang lupain ng lalawigan, at karamihan ng mga bayan sa katimugang bahagi ay naghahanggan sa Lawa ng Laguna. Pampolitika Pampolitika na nahahati ang Rizal sa 13 bayan at 1 lungsod. Kawing Panlabas Opisyal na Websayt ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal Mga sanggunian Rizal Mga lalawigan ng Pilipinas
640
https://tl.wikipedia.org/wiki/Quezon
Quezon
Tungkol sa lalawigan ang artikulong ito. Para sa ibang pang gamit, sumangguni sa Quezón (paglilinaw). Quezon (Baybayin: ), opisyal na Lalawigan ng Quezon (Inglis: Province of Quezon), ay isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Calabarzon sa Luzon. Kalilayan ang unang kilalang pangalan ng lalawigan noong pagkatatag nito noong 1591. Noong kalagitnaan ng ika-18 siglo, ito ay pinalitan ng Tayabas. Bilang pagkilala sa ikalawang pangulo ng Pilipinas na si Manuel L. Quezon, ang pangalan ng Lalawigan ng Tayabas ay pinalitan ng Quezon. Ang Lucena, ang kabisera ng probinsiya ay pinamamahalaan nang malaya mula sa lalawigan bilang isang lubos na urbanisadong lungsod. Upang maitangi ang lalawigan sa Quezon City, minsan ay tinatawag itong Quezon Province. Pinalilibutan ito ng mga lalawigan ng Aurora sa hilaga, Bulacan, Rizal, Laguna at Batangas sa kanluran, at ang Camarines Norte at Camarines Sur sa silangan. Ang bahagi ng Quezon ay namamalagi sa isang dalahikan na nagdurugtong ng Tangway ng Bicol sa pangunahing bahagi ng Luzon. Kabilang din sa lalawigang ito ang mga pulo ng Polilio sa Dagat ng Pilipinas. Isa sa pangunahing atraksyon sa Quezon ay ang Bundok Banahaw. Sinasabing ang kabundukang ito ay napapalibutan ng espirituwal na mistisismo kung saan maraming mga tagasunod ng Anitisismo at mga kulto at debotong Kristiyano ang pumupunta at nananatili sa banal na lugar na ito tuwing sasapit ang Mahal na Araw. Ang kabundukang ito ay isa rin sa mga pinakasagradong pook o dambana para sa mga sinaunang Tagalog bago dumating ang mga Espanyol. Kasaysayan Sinaunang kasaysayan Ang mga arkeolohikong paghuhukay sa lalawigan ay nagpapatunay sa mayamang nakaraan nitong prekolonyal. Ang mga arkeolohikal na materyales kabilang ang burial jar, buto ng tao, shell midden at pot shreds ay natuklasan sa iba't ibang lugar sa Bondoc Peninsula kabilang ang mga bayan ng San Narciso, San Andres, Mulanay at Catanauan. Ang pinakahuling paghuhukay ay isinagawa sa Catanauan ng Catanauan Archaeological and Heritage Project. Ayon sa paunang ulat na inilabas ng Catanauan Archaeological and Heritage Project, maraming paghuhukay na ang isinagawa noong 1930s. Ang isa sa mga paghuhukay ay isinagawa sa San Narciso kung saan natagpuan ng mga arkeologo ang mga banga ng libing. Ang pook, na sinuri ni Ricardo Galang, ay nagresulta sa pagkatuklas ng mga banga na malapit sa baybayin. Nagpunta rin si Galang sa San Andres kung saan ang mga paghuhukay ay nagbunga ng 14th at 15th daantaong mga seramik pati na rin ang kabibeng breyslet at kwintas. Ayon din sa dyurnal, sa isang pook na pinangalanang Tala, natuklasan ng mga arkeologo ang isang glazed Chinese jar na naglalaman ng mga buto mula sa unang bahagi ng dinastiyang Ming. Kung titingnan ang iba pang mga arkeyolohikong kinalalagyan na matatagpuan sa mga katabing lugar tulad ng Marinduque at Masbate, mahihinuhang ang mga paghuhukay na ito ay nagmula pa sa panahon ng metal ng kapuluan. Noong 2012, sa Mt. Kamhantik sa bayan ng Mulanay, natuklasan ang 15 kabaong apog. Ang carbon dating sa isang ngipin ng tao ay natagpuan na ito ay hindi bababa sa 1,000 taong gulang. Ayon sa mga arkeologo, ang nayon ay patunay na ang mga sinaunang naninirahan sa lugar ay nagpraktis ng mas sopistikadong paraan ng pamumuhay. Ang mga kasangkapang metal ay pinaniniwalaang ginamit sa pag-ukit ng mga kabaong, at ito ang unang uri nito na natuklasan sa kapuluan. Ang mga labi ay sinasabing mula pa noong ika-10 hanggang ika-14 na siglo. Panahon ng kolonyal ng mga Espanyol Ang Lalawigan ng Quezon ay orihinal na tinawag na Kaliraya/Kalilayan, hango sa kabiserang bayan nito (ngayon ay Unisan) sa pagkatatag nito noong 1591. Gayunpaman, noong kalagitnaan ng ika-18 siglo, ang kabisera ay inilipat sa bayan ng Tayabas na noon ay pinalitan din ang pangalan ng lalawigan sa Tayabas. Ang teritoryo na ngayon ay bumubuo sa lalawigan ay dating nasa ilalim ng hurisdiksyon ng iba't ibang lalawigan. Ang timog at gitnang bahagi ay nasa ilalim ng lalawigan ng Bonbon, kung minsan ay tinatawag na Balayan, noong 1585. Ang hilagang bahagi ay nahahati sa pagitan ng Laguna at Nueva Ecija. Nakatala sa kasaysayan na ang lalawigang ito ay ginalugad ni Juan de Salcedo noong 1571 at 1572 sa panahon ng kanyang ekspedisyon mula Laguna hanggang Ambos Camarines. Binisita din niya ang bayan ng Baler, Casiguran, at Infanta. Tulad ng maraming iba pang mga lalawigan, ang Tayabas ay dumanas ng mga pagsalakay sa mga Moro. Noong 1798, hinarass ng isang armada ng mga 25 o higit pang mga bangka ang mga bayan ng Casiguran, Palanan, at Baler kung saan nagdakip ng 450 bihag. Ang mga bayan sa kahabaan ng timog na baybayin ng Bondoc Peninsula ay nasasalakay din. Ang mga pagsalakay na ito ay nagpatuloy halos hanggang sa katapusan ng kolonyal ng mga Espanyol. Ang isa pang mahalagang kaganapan sa mga talaan ng lalawigan ay ang tanyag na Revolt ng Cofradia noong 1841. Ang paghihimagsik na ito ay pinangunahan ni Apolinario de la Cruz, tubong Lucban, at minsan ay isang kapatid na layko sa Ospital ng San Juan de Dios. Lumaganap ang rebelyon sa ilang bayan sa mga karatig lalawigan ng Laguna at Batangas. Si Apolinario de la Cruz ay tinawag ng kanyang mga tagasunod bilang “Ang Hari ng mga Tagalog”. Ang Tayabas ay isa sa unang lalawigang sumapi sa Rebolusyon sa Pilipinas. Noong Agosto 5, 1898, naangkin ni Heneral Miguel Malvar ang Tayabas sa ngalan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan. Panahon ng pananakop ng mga Amerikano Dumating ang mga Amerikano at sinanib ang Pilipinas. Isang pamahalaang sibil ang itinatag sa lalawigan noong Marso 12, 1901, at ang Lucena ay ginawang kabisera ng probinsiya. Sa panahon ng pasipikasyon ng mga Amerikano sa kapuluan, ang mga pag-aalsa ay pangkaraniwan sa tinatawag noon na lalawigan ng Tayabas. Kadalasang ginagamit ng mga rebelde mula sa mga kalapit na lalawigan ng Laguna at Batangas ang Tayabas bilang kanilang base ng operasyon pati na rin ang kanilang pinagkukunan ng mga suplay. Ang isang rebeldeng gobyerno, na may koneksyon kina Gen. Malvar at Pedro Caballes ay sinasabing nakabase sa Infanta. Ito ang nagbunsod sa American in charge, Brigadier-General J.F. Bell na magdesisyong bumalik sa Tayabas na may mas malaking contingent. Kinilala ni Bell ang kahalagahan ng mga daungan ng Tayabas bilang pinagmumulan ng mga panustos sa pag-aalsa kung kaya't siya ay naniniwala na ang pagsasara ng lahat ng mga daungan sa lalawigan ay maaaring magkumbinsi ng pagsuko sa mga pinuno ng resístans. Noong 1902, ang distrito ng El Principe ay inilipat mula sa hurisdiksyon ng Nueva Ecija patungo sa Tayabas. Sa parehong taon, naging bahagi ng lalawigan ng Tayabas ang Marinduque sa bisa ng Act 499 na pinagtibay ng Philippine Commission. Gayunpaman, noong 1920, ang Batas 2280 ay ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas, na muling itinatag ang Marinduque bilang isang hiwalay na lalawigan. Dahil sa layo ng Tayabas at Bicol at sa dumaraming populasyon, nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Diyosesis ng Lipa ang Tayabas noong 1910. Panahon ng pananakop ng mga Hapones Ang pananakop ng mga Hapon sa lalawigan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula noong Disyembre 23, 1941, nang dumaong ang Japanese Imperial Army sa Atimonan. Ang nakatalagang General Headquarters ng Philippine Commonwealth Army at Philippine Constabulary sa Tayabas mula Enero 3, 1942 hanggang Hunyo 30, 1946, ay mga operasyong militar laban sa pananakop ng mga Hapones. Abril 4, 1945 ang araw na napalaya ang lalawigan nang makarating sa Lucena ang pinagsamang pwersa ng hukbong Pilipino at Amerikano. Kasarinlan ng Pilipinas Pagpapalit ng pangalan mula Tayabas patungong Quezon Pagkatapos ng digmaan, noong Setyembre 7, 1946, pinalitan ng Batas Republika Blg. 14 ang pangalang Tayabas patungong Quezon, bilang parangal kay Manuel L. Quezon, ang pangulo ng Kommonwealth na nagmula sa Baler, na isa sa mga bayan ng lalawigan. Pag-usbong ng industriya ng niyog Bago pa man makamit ng Pilipinas ang kasarinlan, ang lalawigan ay umaasa na sa niyog. Ang kasaysayang ito ay malinaw na makikita sa pamamagitan ng mga mayayamang bahay na itinayo sa bayan ng Sariaya sa panahong ito. Ang mga niyog ay nagsilbing pangunahing pinagkukunan ng kita para sa mga maylupang uri ng Sariaya at ito ang nagbigay-daan sa kanila na makapagtayo ng mga ancestral house na nakikita ngayon. Ito ang nagbunsod sa ilang kumpanya tulad ni Peter Paul na itatag ang presensya nito sa Candelaria para gumawa ng mga produkto tulad ng desiccated coconut noong panahong ito. Pagtatatag ng Lalawigan ng Aurora Noong Hunyo 1951, ang hilagang bahagi ng Quezon (partikular, ang mga bayan ng Baler, Casiguran, Dilasag, Dingalan, Dinalongan, Dipaculao, Maria Aurora at San Luis) ay ginawang sub-probinsya ng Aurora na hango sa ngalang Aurora Quezon, asawa ni Manuel L. Quezon. Nahiwalay ang Aurora sa Quezon bilang isang malayang lalawigan noong 1979. Sa pagpapalabas ng Executive Order No. 103, na may petsang Mayo 17, 2002, ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ang lalawigan ng Aurora ay inilipat sa Gitnang Luzon (Rehiyon III), heograpikal na lokasyon ng lalawigan; ang natitirang mga lugar ng Quezon at iba pang mga lalawigan ng Timog Katagalugan na nahahati sa Calabarzon at Mimaropa. Noong panahon ng diktadurang Marcos Ang Quezon Province ay hindi nakaligtas sa panlipunan at pang-ekonomiyang kaguluhan sa panahon ng Diktadurya ni Ferdinand Marcos, kabilang ang kanyang pagsuspinde noong 1971 sa writ of habeas corpus, ang kanyang 1972 na deklarasyon ng batas militar, at ang kanyang patuloy na paghawak sa kapangyarihan mula sa pagtanggal ng batas militar noong 1981 hanggang sa pagpapatalsik sa kanya sa ilalim ng People Power Revolution ng 1986. Isang malaking kaganapan na naganap sa panahong ito ay ang Guinayangan massacre noong Pebrero 1, 1981, kung saan pinaputukan ng mga elemento ng Militar ang isang grupo ng humigit-kumulang na magniniyog na nagmartsa patungo sa Guinayangan plaza air para iprotesta ang coco levy fund scam. Dalawang tao ang namatay at 27 ang nasugatan. Kabilang sa mga mamamayan ng Quezon na naging biktima ng sapilitang pagkawala sa panahon ng diktadurang Marcos ay ang human rights worker na si Albert Enriquez ng Lucena, na nagdokumento ng mga pang-aabuso ng militar bilang isang boluntaryo para sa Task Force Detainees of the Philippines; at aktibistang si Ramon Jasul na nagtatag ng Bagong Kabataan ng Lukban (Bagong Kabataan ng Lucban) sa kanyang bayan. Si Enriquez ay dinukot ng mga armadong lalaki noong Agosto 29, 1985, habang si Jasul ay dinukot sa Makati bilang bahagi ng Southern Tagalog 10 insidente noong huling bahagi ng Hulyo 1977. Ni hindi na nakitang muli, at pareho silang pinarangalan sa pamamagitan ng pag-ukit ng kanilang mga pangalan sa dingding ng alaala sa Bantayog ng mga Bayani ng Pilipinas. Ekonomiya Ang Quezon ang nangungunang tagagawa ng bansa ng mga produkto ng niyog tulad ng langis ng niyog at kopra. Maraming mga planta ng niyog ang matatagpuan sa malaking bahagi ng lalawigan. Iba pang mga pangunahing pananim ay palay, mais, saging, at kape. Isa ring pangunahing bahagi ng ekonomiya ng Quezon ang pangingisda. Pamahalaan Gobernador: Angelina Tan Bise-Gobernador: Anacleto A. Alcala III Kinatawan: Unang Distrito: Wilfrido Mark M. Enverga Pangalawang Distrito: David C. Suarez Pangatlong Distrito: Matias Defensor, Jr. Pang-apat na Distrito: Keith Micah Tan Heograpiya Pampolitika Sa heograpiya, ang lalawigan ng Quezon ay may kabuuang 41 na bayan na binubuo ng 39 na munisipyo, 1 bahaging lungsod at 1 kabiserang lungsod. Ito ay may kabuuang 1,242 na barangay kasama ang mga barangay ng kabiserang lungsod. Sa pangangasiwang pampolitika, binubuo ang Quezon ng 39 na mga bayan at isang bahaging lungsod, Tayabas. Lahat ay nakaayos sa apat na mga distritong pambatas, at nahahati sa 1,209 na mga barangay. Ang kabiserang lungsod, Lucena, ay malaya mula sa pamamahalang pampangasiwaan at pampiskal ng lalawigan, ngunit maaari silang bumoto ng mga opisyal ng lalawigan. Talasanggunian Mga lalawigan ng Pilipinas Quezon
End of preview. Expand in Data Studio

No dataset card yet

Downloads last month
10