text stringlengths 0 7.5k |
|---|
Muawiyah I |
Si Muawiyah I ( 602 - 680 ) , na binabaybay din bilang Mu 'awiya I , ay isang napaka kontrobersiyal na pigura sa Islam. |
Siya ang pamangking lalaki ni Uthman. |
Siya ang nagtatag ng dinastiyang Umayyad. |
Siya rin ang katunggali ni Ali ibn Abi Talib ( mas nakikilala bilang Ali lamang ). |
Si Muawiya ay dating naging isang gobernador ng Sirya. |
Pampamahalaang Unibersidad ng Bulacan |
Ang Pampamahalaang Unibersidad ng Bulacan ( Ingles : Bulacan State University ) ay isang pamantasan na matatagpuan sa Lungsod ng Malolos , Bulacan , Pilipinas. |
Ito ay ang pamantasang panlalawigan ng Bulacan , na itinatag noong 1904 at kasalukuyang pinamumunuan ni Dr. Cecilia N. Gascon. |
Ang pamantasang partner ng Confucius Institute ng Bulacan State University Malolos kampus sa bansang Tsina ay ang Northwest University ( China ). |
Matinding Depresyon |
Ang Matinding Panlulumo , Masidhing Panlulumo , o Dakilang Depresyon na kilala sa Ingles bilang Great Depression o Depression of the 1930 's ( Ang Panlulumo noong Dekada ng 1930 ) ay ang malawakang krisis na pang - ekonomiyang nagsimula dahil sa Pagbagsak ng Wall Street noong 1929 ( pagbagsak ng pamilihan ng mga kabaha... |
, at nakaapekto sa ibang mga bansa. |
Ang mga presyo sa pamilihan ng mga kabahaging puhunan sa Wall Street ay malakihan ang naging pagbulusok mula Oktubre 24 hanggang 29 Oktubre 1929. |
Maraming mga tao ang nawalan ng trabaho. |
Sa pagsapit ng 1932 , 25 - 30 % ng mga tao ang nawalan ng mga hanapbuhay. |
Naging mahirap sila at nawalan ng mga tirahan. |
Ito ang nagwakas sa kayamanan ng Dumadagundong na Dekada 1920 ( Roaring Twenties ). |
Maraming mga tao ang nag - iisip na ang Matinding Panlulumo ay nagsimula noong Maitim na Martes , subalit ang Maitim na Martes ay isa lamang nakapailalim na suliranin na tutulong sa pagdurulot ng Panlulumo. |
Magmula 1929 - 1932 , mas lalong lumala ang depresyon. |
Marami ang naghihinala na ang pagtaas ng halaga ng buwis sa mga mamamayang Amerikano at ang pagtataas ng mga taripa ( mga buwis sa mga bansang nakikipagkalakalan sa Estados Unidos ) ang nagpalala rito. |
Sinabi ng ekonomistang si Milton Friedman na ang Matinding Panlulumo ay lumala dahil naglimbag ng mas kakaunting salapi ang Reserbang Pederal kaysa pangkaraniwan. |
Nang magsimula ang Matinding Panlulumo , si Herbert Hoover ang pangulo ng Estados Unidos , at bilang resulta , siya ang sinisi rito. |
Naghalal ang mga tao ng bagong pangulo noong 1932. |
Si Franklin D. Roosevelt ang naging bagong pangulo ng Estados Unidos. |
Nagawa ni Roosevelt na magpasa ang pamahalaan ng maraming bagong mga batas at mga programa o palatuntunan upang matulungan ang mga taong nasaktan ng Matinding Panlulumo. |
Ang mga programang ito ay tinawag na Bagong Kasunduan ( New Deal ). |
Isa sa mga palatuntunang ito ang Civilian Conservation Corps ( CCC ) o " Hukbo ng Konserbasyong Sibilyano ". |
Naglagay ang CCC ng maraming kabataang mga lalaki na magtatrabaho sa labas ng mga gusali. |
Binayaran ang mga lalaking ito ng 1 dolyar bawat linggo upang maghanapbuhay , at nakatanggap sila ng libreng pagkain at matutuluyan. |
Isa pa sa mga programang ito ay ang Segurong Sosyal , na nagbigay sa matatandang mga tao ng maliit na kita upang mayroon silang pera para sa mga bagay na kailangan nila. |
Napakasama talaga ng Matinding Panlulumo , subalit dahil sa tulong ng bawat isang tao , magiging mainam ang katayuan. |
Sa pagitan ng 1939 at ng 1944 , mas maraming mga tao ang muling nagkaroon ng pagkakakitaan dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig , at sumapit ang wakas ng Matinding Panlulumo. |
Bago sumapit ang Matinding Panlulumo noong dekada ng 1930 sa Estados Unidos , karamihan sa mga tao ang naniniwala na ang mga depresyon o panlulumong pang - ekonomiya ay mawawala ng kusa at mabibigyan ng solusyon ng kusa. |
Bago maganap ang Matinding Panlulumo , nakaranas na ang Estados Unidos ng walong naunang grabeng mga depresyon , at lahat ay nalunasang kusa. |
Subalit noong 1933 , kahit na nagkaroon ng bagong pangulo sa katauhan ni Franklin D. Roosevelt , hindi nagkaroon ng pagbuti o pag - inam ang katayuan ng mga negosyo , at ang lahat ay lumalala pang lalo. |
Isang mahalagang dahilan para sa Matinding Panlulumo ay ang Kasunduan sa Versailles. |
Dahil sa Kasunduan sa Versailles naging napakayamang bansa ng Estados Unidos. |
Kapwa nagbigay ang Gran Britanya at Pransiya ng malalaking halaga ng salapi sa Estados Unidos , at ang Alemanya ay dapat na magbayad ng malaking halaga ng pera para sa pinsalang nagawa nila noong Unang Digmaang Pandaigdig. |
Subalit ang kayamanang ito ang nagpasimula upang bumulusok ang pamilihan ng kabahaging puhunan. |
Kahit na noong pagkatapos ng Pagbagsak ng Wall Street noong 1929 , nagkaroon pa rin ng pag - asa ang mga tao. |
Sinabi ni John D. Rockefeller na " Ito ang mga araw kung kailan marami ang nahihinaan ng loob. |
Sa loob ng 93 mga taon ng aking buhay , dumating at lumisan ang mga panlulumo. |
Ang kasaganaan ( kayamanan ) ay palaging nagbabalik ( bumabalik ) at muling magbabalik. |
" Ngunit dagliang lalala at lalala pa ang epekto ng depresyon. |
Nawalan ng mga trabaho , pera , at tahanan ang mga tao. |
May mga ulat na sa Alemanya at Estados Unidos , nagkaroon ng malubhang kagutuman , pagkakasakit , at pagkamatay dahil sa kagutuman. |
Nang sumapit ang 1932 , tinatayang nasa mahigit sa 11,000,000 hanggang bandang 15,000,000 ang mga walang hanapbuhay na mga Amerikano. |
Hindi ito dahil sa katamaran , subalit dahil sa mga dahilang hindi matabanan ng mga tao. |
Nagresulta ito sa pagpapasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Batas hinggil sa Segurong Sosyal. |
Naging matagumpay ang mga programang pinagtulung - tulungan ng mga pamahalaan ng mga estado at ng pamahalaang pederal. |
Dahil sa katagumpayan ng mga programang ito , bago sumapit ang dalawang taon ay naglunsad na ang bawat isang estado ng Estados Unidos ng katulad na mga programa. |
Nilabanan ni Franklin D. Roosevelt ang Matinding Panlulumo sa pamamagitan ng kanyang Bagong Kasunduan o New Deal. |
Nakatuon ang Bagong Kasunduan sa pagbibigay ng tulong mula sa pamahalaan sa mga tao , isang bagay na pinaniniwalaang mahalaga ng maraming mga tao upang maiwasan ang pag - urong o resesyon at panlulumo o depresyon ng ekonomiya. |
Nakasaad ang ideyang ito sa Batas na Pangtrabaho ng 1946 ng Estados Unidos. |
Kabilang sa mga programa ng Bagong Kasunduan ang pagkakaroon ng mga seguro kapag nawalan ng trabaho ang isang tao , ang segurong sosyal para mabigyan ng pera ang matatanda na at retirado. |
Bukod sa pagpapasimula at pagpapasigla ng negosyo , naglunsad din ang Bagong Kasunduan ni Roosevelt ng mga katangiang pangkaligtasan ng ekonomiya o kabuhayan ng Estados Unidos. |
Nilikha ang Federal Deposit Insurance Corporation ( FDIC ) o Pederal na Korporasyon para sa Seguro ng Deposito at mga programa nito na pangsegurong pandeposito upang mapruteksiyunan ang mga tagapagdeposito ng salapi sa mga bangko. |
Nilikha rin ang Securities and Exchange Commision ( SEC ) o Komisyon sa mga Panagot at Palitan , isang ahensiyang magbabantay laban sa mga hindi patas na mga gawain sa pamilihan ng mga kabahaging puhunan at hindi matabanang pagbabakasakali sa pamumuhunan sa negosyo. |
Bilang mga aral na natutunan mula sa pagkaranas ng pagbulusok ng kabahaging puhunan at Matinding Panlulumo , naging bahagi na ngayon ang FDIC at SEC ng unang depensa sa mga panahon ng matinding pagbagal o pagbaba ng mga negosyo sa Estados Unidos. |
Neferefre |
Si Neferefre ( at tinatawag ring Raneferef ) ang paraon ng Ikalimang Dinastiya ng Ehipto. |
Ang kanyang pangalan ay nangangahulugang " Maganda ay si Re ". |
Alex Gonzaga |
Si Catherine " Cathy " Cruz Gonzaga ( ipinanganak 16 Enero 1988 ) , mas kilala bilang Alex Gonzaga pagkatapos mapalitan ang kanyang pangalan noong 2008 , ay isang artista , komedyante at punong - abala na Pilpina. |
Nagmula ang kanyang palayaw , Alex , sa kanyang ginampanang karakter sa Let 's Go at Gokada Go ! na pinalabas sa ABS - CBN. |
Kapatid niya ang artista rin na si Toni Gonzaga. |
Naging guest din si Alex Gonzaga sa " Pinoy Big Brother All In " at nakasama niya ang Voleyball Player na si Michelle Gumabao at isang artista na si Jane Oineza. |
Siya ay naging " Host " o " V - reporter " sa The Voice Of The Philippines Season 2. |
Siya ay nagsulat ng isang libro na pinamagatang " Dear Alex , Break Na Kami. |
Paano ? Love , Catherine " at naging " Best seller " ito. |
Ngayon ay gagawin ng pelikula ang kanyang libro. |
Helvetica |
Ang Helvetica ay malapad na ginagamit sa ponteng sans - serif na ginawa ni Max Miedinger noong 1957 at ang input na ginawa mula kay Eduard Hoffmann. |
Ang Helvetica ay isang neo - grotesque o totoong disenyo , na impluwenya ng tipo ng titik na Akzidenz - Grotesk at iba pang pamilya ng tipo ng titik na Aleman at Suwiso. |
Ito ay naging bahagi ng International Typographic Style. |
Orihinal na pinangalang Neue Haas Grotesk ( Bagong Haas Grotesque ) , mabilis itong nilisenya ng Linotype at pinalitan ang pangalan sa Helvetica noong 1960 , na katulad sa Latin na pang - uri para sa Switzerland , ang Helvetia. |
Sinkretismo |
Ang sinkretismo ( Ingles : syncretism / 'sINGkrtIzm / ) ay ang pagtatangkang pagkasunduin ang mga magkakasalungat na paniniwala , na kadalasang isinasagawa habang pinagsasanib - sanib ang mga gawain ng iba 't ibang paaralan na pangkaisipan. |
Maaaring magsangkot ang sinkretismo ng pagsasanib at ng paghahawig ng ilang orihinal na may pag - iingat na mga kaugalian , natatangi na ang teolohiya at mitolohiya ng relihiyon , kung kaya 't nagpapahayag ng nakapailalim na pagkakaisa at nagpapahintulot para sa isang mapanlakip o nagsasamang pagharap sa iba pang mga p... |
Karaniwang nagaganap ang sinkretismo sa pagpapahayag ng sining at ng kultura ( nakikilala bilang eklektisismo ) pati na sa politika ( politikang sinkretiko ). |
Inihaw |
Ang inihaw ( Ingles : roast , broil o grill ) ay isang uri ng lutuin kung saan tinatapa , nililitson , binabanggi , hinuhurno , binabarbikyu , binubusa o isinasangag ang karne , prutas , isda o gulay sa parilya. |
Nicholas II ng Rusya |
Si Nicolas II ( Nikolai Alexandrovich Romanov ; Ruso : Nikola i II , Nikola i Aleksa ndrovich Roma nov ) ( Mayo 18 1868 - 17 Hulyo 1918 ) ay ang huling Emperador ng Rusya , Gran Duke ng Finland , at ang umaangkin sa titulong Hari ng Poland. |
Siya ang taong nagpamomobilisa ng sandatahang - lakas ng Rusya at Pransiya noong 1 Agosto 1914. |
Pinakasalan niya ang kababatang anak ni Gran Duke Louis IV ng Hesse at Prinsesa Alice ng United Kingdom na si Alix ng Hesse at Rhine noong 26 Nobyembre 1894 , kaarawan ng Ina niya na si Maria Feodorovna , ginanap Ito sa Winter Palace ng St. Petersburg. |
Nagkaroon sila ng limang anak ; apat na babae at Isang lalaki na si Tsesarevich / Tsarevich Alexei Nikolaevich , ang tagapagmana ng trono ng Rusya. |
Ang kanilang pinakamatanda sa lahat ng kanilang anak , si Gran Duchess Olga , ang pangalawa , si Gran Duchess Tatiana , pangatlo , si Gran Duchess Maria , at ang pang apat , ang kanilang sikat na anak , ang makulit sa lahat , si Gran Duchess Anastasia. |
Si Nicolas II ay nagbitiw sa trono sa taong Pebrero ng 1917 dahil sa Himagsikang Ruso. |
Siya , at ang kanyang pamilya ay binaril sa lungsod ng Yekaterinburg ng mga Bolshevik noong 17 Hulyo 1918. |
Terzo , Piedmont |
Ang Terzo , Piedmont ay isang comune sa lalawigan ng Alessandria sa bansang Italya. |
Acqui Terme * Albera Ligure * Alessandria * Alfiano Natta * Alice Bel Colle * Alluvioni Cambio * Altavilla Monferrato * Alzano Scrivia * Arquata Scrivia * Avolasca * Balzola * Basaluzzo * Bassignana * Belforte Monferrato * Bergamasco * Berzano di Tortona * Bistagno * Borghetto di Borbera * Borgo San Martino * Borgoratt... |
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata. |
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia. |
LazioLiguriaLombardyMarche. |
MolisePiemonteSardiniaSicilia. |
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto. |
Yoshiharu Horii |
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.