source
stringlengths
2
684
target
stringlengths
1
574
And what I need, in effect, is a focus.
At ang kailangan ko, sa katuusan, ay pokus.
And when I have the question, it is a focus.
At nang makuha ko ang tanong, ito ay pokus.
And all these things that seem to be flotsam and jetsam in life actually go through that question, and what happens is those particular things become relevant.
At lahat ng mga bagay na ito na parang mga bagay na itinapong kuyagot sa buhay ay dumaraan sa tanong na iyon, at ang nangyayari ay ang mga bagay na iyon ay may kaugnayan.
And it seems like it's happening all the time.
At parang laging nangyayari ito.
You think there's a sort of coincidence going on, a serendipity, in which you're getting all this help from the universe.
Iisipin mong nagkakataon lang, isang serendipity, na kung saa'y nakakakuha ka ng tulong mula sa sangkalawakan.
And it may also be explained that now you have a focus.
At maaari ring ipaliwanag ngayon at may pocus ka na.
And you are noticing it more often.
At napapansin mo ito lagi.
But you apply this.
Pero ginagawa mo ito.
You begin to look at things having to do with your tensions.
Nagsisimula kang tumingin sa mga bagay na may kaugnayan sa kabanatan "tension".
Your brother, who's fallen in trouble, do you take care of him?
Ang kapatid mo, na napasok sa gulo, aalaagan mo ba siya?
Why or why not?
Bakit o bakit hindi?
It may be something that is perhaps more serious -- as I said, human rights in Burma.
Maaaring ito ay isang bagay na totoong seryoso. - gaya ng sinabi ko, karapatan ng tao sa Burma.
I was thinking that I shouldn't go because somebody said, if I did, it would show that I approved of the military regime there.
Iniisip ko na hindi ako dapat pumunta dahil sa may nagsabi na kung gagawin ko iyon, lilitaw na pumapayag ako sa rehimong militar doon.
And then, after a while, I had to ask myself,
Di naglaon, tinanong ko ang aking sarili,
"Why do we take on knowledge, why do we take on assumptions that other people have given us?"
"Bakit natin tinatanggap ang kaalaman, bakit natin tinatanggap ang mga palagay na ibinibigay ng ibang tao sa atin?"
And it was the same thing that I felt when I was growing up, and was hearing these rules of moral conduct from my father, who was a Baptist minister.
Katulad din ito ng naramdaman ko nang lumalaki ako, nang naririnig ko ang mga tuntuning ng gawang moral mula sa aking ama, na isang ministrong Baptist.
So I decided that I would go to Burma for my own intentions, and still didn't know that if I went there, what the result of that would be, if I wrote a book -- and I just would have to face that later, when the time came.
Kaya ipinasiya kong pumunta sa Burma bilang sariling intensyon, at hindi ko pa rin alam na kung pumunta ako doon, ano ang resulta niyon kung susulat ako ng libro - at saka ko na lang haharapin iyon, pagdating ng panahon.
We are all concerned with things that we see in the world that we are aware of.
Lahat tayo ay nag-aalaala sa mga bagay na nakikita natin sa mundo.
We come to this point and say, what do I as an individual do?
Dumarating tayo sa puntong ito at sasabihin, ano bilang isang indibidwal ang ginagawa ko?
Not all of us can go to Africa, or work at hospitals, so what do we do, if we have this moral response, this feeling?
Hindi lahat sa atin ay makapupunta sa Africa, o magkapagtatrabaho sa mga ospital, kaya ano ang gagawin natin kung mayroon tayong kasagutang moral, ang damdaming ito?
Also, I think one of the biggest things we are all looking at, and we talked about today, is genocide.
Isa pa, sa aking palagay isa sa malalaking bagay na tinitingnan natin, at pinag-usapan natin ngayon, ay genocide.
This leads to this question. When I look at all these things that are morally ambiguous and uncomfortable, and I consider what my intentions should be, I realize it goes back to this identity question that I had when I was a child
Na tumutungo sa tanong, kapag tintingnan ko ang mga bagay na ito na alinlangan ang moralidad at di-komportable, at iniisip ko ang dapat kong mga intensyon, naliliho ko na bumabalik sa tanong identidad noong bata pa ako
-- and why am I here, and what is the meaning of my life, and what is my place in the universe?
- at bakit ako naririto, at ano ang kahulugan ng aking buhay, at ano ang lugar ko sa sangkalawakan?
It seems so obvious, and yet it is not.
Parang lantad, pero hindi.
We all hate moral ambiguity in some sense, and yet it is also absolutely necessary.
Muhi tayo lahat sa alinlangang moralidad sa isang pag-iisip, pero kailangang-kailangan din ito.
In writing a story, it is the place where I begin.
Sa pagsulat ng isang kuwento, ito ang lugar na pinagsisimulan ko.
Sometimes I get help from the universe, it seems.
Kung minsan'y parang nakakakuha ako ng tulong mula sa sangkalawakan.
My mother would say it was the ghost of my grandmother from the very first book, because it seemed I knew things I was not supposed to know.
Sasabihin ng ina ko na ito ang multo ng aking lola mula pa sa kauna-unahang libro, dahil sa parang may mga alam ako na hindi ko dapat na alam.
Instead of writing that the grandmother died accidentally, from an overdose of opium, while having too much of a good time, I actually put down in the story that the woman killed herself, and that actually was the way it happened.
Sa halip na isulat na ang lola ko ay aksidenteng namatay, mula sa sobrang opium habang nagpapasasa sa magandang buhay, isinulat ko sa kuwento na nagpakamatay siya, at gayon nga ang tunay na nangyari.
And my mother decided that that information must have come from my grandmother.
Ipinasiya ng aking ina na ang impormasyon ay galing sa aking lola.
There are also things, quite uncanny, which bring me information that will help me in the writing of the book.
May mga bagay pa, totoong di-kapani-paniwala, na nagdadala ng impormasyon na tumutulong sa akin sa pagsulat ng libro.
In this case, I was writing a story that included some kind of detail, period of history, a certain location.
Sa halimbawang ito, sumusulat ako ng kuwento na may isang uri ng detalye, isang panahon sa kasaysayan, isang lokasyon.
And I needed to find something historically that would match that.
At kinailangan kong makakita ng isang makasaysayang katumbas.
And I took down this book, and I -- first page that I flipped it to was exactly the setting, and the time period, and the kind of character I needed -- was the Taiping rebellion, happening in the area near Guilin, outside of that, and a character who thought he was the son of God.
Kinuha ko ang isang libro, at ako'y - ang unang pahina na nabuksan ko ay siyang-siyang tagpo, at ang panahon. At ang tauhang kinakailangan ko ay ang himagsikang Taiping, na nangyari sa isang lugar na malapit sa Qualin, sa may labas nito, at isang tauhan na nag-akalang siya'y anak ng Diyos.
You wonder, are these things random chance?
Maitatanong mo, nagkataon lang kaya ang mga pangyayaring ito?
Well, what is random?
E, ano ang ala-suwerte?
What is chance?
Ano ang nagkataon?
What is luck?
Ano ang suwerte?
What are things that you get from the universe that you can't really explain?
Anong mga bagay ang nakukuha mo sa sangkalawakan na hindi mo talagang maipapaliwanag?
And that goes into the story, too.
Kasama rin iyan sa kuwento.
These are the things I constantly think about from day to day.
May mga bagay na lagi kong iniisip araw-araw.
Especially when good things happen, and, in particular, when bad things happen.
Lalo na kung may mga mabubuting bagay na nangyayari, at lalung-lalo na kung may masasamang bagay na nangyayari.
But I do think there's a kind of serendipity, and I do want to know what those elements are, so I can thank them, and also try to find them in my life.
Pero hindi ko iniisip na mayroong serendipity dito, at gusto ko talagang malaman kung ano ang mga elementong iyon, para mapasalamatan ko sila, at isa pa'y mahanap ko sila sa aking buhay.
Because, again, I think that when I am aware of them, more of them happen.
Sapagka't, minsan pa, iniisip ko na kung damdam ko sila, lalo pang madalas mangyayari.
Another chance encounter is when I went to a place
Isa pang nagkataon pangyayari ay nang pumunta ako sa isang lugar
-- I just was with some friends, and we drove randomly to a different place, and we ended up in this non-tourist location, a beautiful village, pristine.
- kasama ko lang ang ilang kaibigan, at nag-drive kami sa kung saan-saan at sa iba't ibang lugar, at humantong kami sa isang lugar na hindi pangturista, isang magandang nayon, hindi pa nasasaling.
And we walked three valleys beyond, and the third valley, there was something quite mysterious and ominous, a discomfort I felt.
At lumakad kami hanggang sa tatlong lambak [valley], at sa pangatlong lambak, mayroon parang mahiwaga at nagbabanta ng masama, isang di-mabuting pakiramdan na nadama ko.
And then I knew that had to be [the] setting of my book.
At noon naisip ko na iyon ang kailangang tagpuan ng aking libro.
And in writing one of the scenes, it happened in that third valley.
At sa pagsulat ng isa sa mga senaryo, nangyari ito sa pangatlong lambak.
For some reason I wrote about cairns -- stacks of rocks -- that a man was building.
Sa kung anong dahilan sumulat ako ng tungkol sa mga palatandaan - isang tumpok ng mga bato - na itinatayo ng isang tao.
And I didn't know exactly why I had it, but it was so vivid.
At hindi ko alam kung ano talaga ang mayroon ako, pero napakalinaw sa isip ito.
I got stuck, and a friend, when she asked if I would go for a walk with her dogs, that I said, sure.
Na-stuck ako, at isang kaibigan, nang tanungin niya kung gusto kong sumama habang ipinapasyal ang kanyang aso, na sinabi ko, sige.
And about 45 minutes later, walking along the beach, I came across this.
Pagkalipas ng 45 minuto, habang naglalakad sa aplaya, may nakita ako.
And it was a man, a Chinese man, and he was stacking these things, not with glue, not with anything.
Isang lalaki, isang lalaking Tsino, at may pinagpapatong-patong siya, hindi ginagamitan ng pandikit, o ng ano pa man.
And I asked him, "How is it possible to do this?"
Itinanong ko sa kanya kung paano nagagawa ito?
And he said, "Well, I guess with everything in life, there's a place of balance."
At sinabi niya, ah, palagay ko, tulad ng lahat sa buhay, may lugar ng katimbangan.
And this was exactly the meaning of my story at that point.
At iyon ang kahulugan ng aking kuwento sa puntong iyon.
I had so many examples -- I have so many instances like this, when I'm writing a story, and I cannot explain it.
Marami akong halimbawa - marami akong mga pagkakataong tulad nito kapag sumusulat ako ng kuwento, na hindi ko maipapaliwanag.
Is it because I had the filter that I have such a strong coincidence in writing about these things?
Dahil kaya sa mayroon akong salaan kung kaya't mayroon akong malakas na pagkakataunan [coincidence] sa pagsulat ko tungkol sa mga ito?
Or is it a kind of serendipity that we cannot explain, like the cosmological constant?
O isang serendipity ito na hindi kayang ipaliwanag, tulad ng cosmological constant?
A big thing that I also think about is accidents.
Isa pa ring malaking bagay na naiisip ko ang tungkol sa mga aksidente.
And as I said, my mother did not believe in randomness.
Gaya ng nasabi ko, ang ina ko ay hindi naniniwala sa sapalaran.
What is the nature of accidents?
Ano ang kalikasan ng mga aksidente?
And how are we going to assign what the responsibility and the causes are, outside of a court of law?
Paano natin itatakda ang responsibilidad at ang mga dahilan, sa labas ng korte ng batas?
I was able to see that in a firsthand way, when I went to beautiful Dong village, in Guizhou, the poorest province of China.
Nasaksikan ko ito nang malapitan, nang pumasyal ako sa magandang pook na Dong, sa Guizhou, and pinakanaghihikahos na probinsya sa Tsina.
And I saw this beautiful place.
At nakita ko itong magandang lugar na ito.
I knew I wanted to come back.
Alam kong gusto kong bumalik.
And I had a chance to do that, when National Geographic asked me if I wanted to write anything about China.
Nagkaroon ako ng pagkakataon nang tinanong ng National Geographic kung gusto kong sumulat ng kahit ano tungkol sa Tsina.
And I said yes, about this village of singing people, singing minority.
Sabi ko oo, tungkol sa baryong ito ng Kumakantang mga tao, Kumakantang minoridad.
And they agreed, and between the time I saw this place and the next time I went, there was a terrible accident.
Pumayag sila, at sa pagitan ng panahong una kong nakita ang lugar at ng sumunod na lakad ko doon, nagkaroon ng isang malagim na aksidente.
A man, an old man, fell asleep, and his quilt dropped in a pan of fire that kept him warm.
Isang tao, isang matandang lalaki, ang nakatulog, at ang kanyang kumot ay bumagsak sa planggana ng apoy na nagpapainit sa kaniya.
60 homes were destroyed, and 40 were damaged.
60ng tahanan ang natupok, at 40 ang nasira.
Responsibility was assigned to the family.
Ang responsibilidad ay ibinigay sa pamilya.
The man's sons were banished to live three kilometers away, in a cowshed.
Pinalayas ang mga anak na lalaki para mamahay sa ilang kilometro ang layo, sa pahingahan ng mga baka.
And, of course, as Westerners, we say, "Well, it was an accident.
At syempre, bilang mga taga-Kanluran, sasabihin natin, "Aba, aksidente iyon.
That's not fair.
Hindi tama ito.
It's the son, not the father."
Anak ito, hindi ang ama."
When I go on a story, I have to let go of those kinds of beliefs.
At kapag nagkukuwento ako, kailagang pawalan ko ang mga gayong paniniwala.
It takes a while, but I have to let go of them and just go there, and be there.
Matagal-tagal din, pero kailangang pawalan ko at pumunta ako doon, at mamalagi doon.
And so I was there on three occasions, different seasons.
Naroon ako maka-itlo, iba-ibang panahon.
And I began to sense something different about the history, and what had happened before, and the nature of life in a very poor village, and what you find as your joys, and your rituals, your traditions, your links with other families.
Naramdaman ko na may kakaiba sa kasaysayan at sa nangyari bago pa, at ang uri ng pamumuhay sa isang mahirap na baryo, at ang natutuklasan mong mga galak, at ang mga nakagawian mo, ang mga tradisyon mo, ang mga relasyon mo sa ibang angkan.
And I saw how this had a kind of justice, in its responsibility.
At nakita ko kung paano ito ay may isang uri ng hustisya sa kanyang responsibilidad.
I was able to find out also about the ceremony that they were using, a ceremony they hadn't used in about 29 years.
Natuklasan ko rin ang seremonya na kanilang ginagamit, isang seremonya na hindi ginamit sa loob ng 29 na taon.
And it was to send some men
At ito ang magpadala ng ilang lalaki
-- a Feng Shui master sent men down to the underworld on ghost horses.
- isang guro sa Feng Shui ang magpapadala sa mga tao na nakasakay sa mga kabayong multo sa ilalim ng mundo.
Now you, as Westerners, and I, as Westerners, would say well, that's superstition.
Ngayon, kayo na Kanluranin, at ako, na Kanluranin, ay magsasabing ah, pamahiin lang iyon.
But after being there for a while, and seeing the amazing things that happened, you begin to wonder whose beliefs are those that are in operation in the world, determining how things happen.
Pero pagkatapos tumira doon nang matagal-tagal, at pagkasaksi sa mga kagila-gilas na pangyayari, magsisimula kang mag-isip kung kaninong paniniwala ang siyang nagpapatakbo sa mundo, na nagtatakda ng mga pangyayari.
So I remained with them, and the more I wrote that story, the more I got into those beliefs, and I think that's important for me
Kaya't nanatili ako sa kanila, at habang sinusulat ko ang kwento, lalo akong napapadiin sa paniniwala nila, at naiisip ko na mahalaga sa akin iyon
-- to take on the beliefs, because that is where the story is real, and that is where I'm gonna find the answers to how I feel about certain questions that I have in life.
- na tanggapin ang mga paniniwala, dahil sa naroon ang katalagahan ng kuwento, at doon ko makikita ang mga sagot tungkol sa nararamdaman ko tungkol sa ilang tanong sa aking buhay.
Years go by, of course, and the writing, it doesn't happen instantly, as I'm trying to convey it to you here at TED.
Nagdaan ang mga taon, at siyempre, ang pagsulat, hindi ito nangyayari sa isang iglap, na ipinatatalastas ko sa inyo dito sa TED.
The book comes and it goes.
Ang libro ay dumarating at umaalis.
When it arrives, it is no longer my book.
Pagdating nito, hindi ko na libro ito.
It is in the hands of readers, and they interpret it differently.
Nasa kamay na ng mga mambabasa, at bibigyan nila ito ng iba-ibang interpetasyon.
But I go back to this question of, how do I create something out of nothing?
Pero babalik ako sa tanong, paano ako lumilikha mula sa wala?
And how do I create my own life?
Paano ko nililikha ang sarili kong buhay?
And I think it is by questioning, and saying to myself that there are no absolute truths.
Naiisip ko na sa pagtatanong, at pagsasabi sa sarili na walang katotohanan na lubos.
I believe in specifics, the specifics of story, and the past, the specifics of that past, and what is happening in the story at that point.
Naniniwala ako sa mga partikular, ang mga partikular ng kuwento, at ang lumipas, ang mga partikular ng lumipas, at ang nangyayari sa kuwento sa puntong iyon.
I also believe that in thinking about things -- my thinking about luck, and fate, and coincidences and accidents, God's will, and the synchrony of mysterious forces -- I will come to some notion of what that is, how we create.
Naniniwala din ako na sa paglilimi tungkol sa mga bagay-bagay, sa pag-iisip ko tungkol sa suwerte, sa tadhana, sa nagkakataon at aksidente, kalooban ng Diyos, at ang pagkakaisa ng mga mahihiwagang puwersa, darating sa akin ang pagkaunawa kung ano iyan, kung paano tayo lumilikha.
I have to think of my role.
Kailangang isipin ko ang aking ginagampanan.
Where I am in the universe, and did somebody intend for me to be that way, or is it just something I came up with?
Kung nasaan ako sa sangkalawakan, at kung mayroon nag-intensyon na gayon ang kalagayan ko, o isang bagay ito na dala ko sa aking sarili?